Entries for March, 2005
As usual, dahil Monday, kita kami ni Edi kahapon. Sa SM Manila. Usapan kasi namin e mag-iinuman kami somewhere sa likod ng SM. Late na naman ako. Kawawa naman si Eds. Isang oras ko ata sya napaghintay (sorry talaga! di ko na po gagawin ulit yun.) May dala akong brownies para sa kanya na binili ko pa sa Gapo. Then nilibre nya ko ng spaghetti dun sa karinderia. She insisted na lilibre nya ko ha. Dapat pagkatapos nun e inuman na. Kaso alas-singko y media pa lang nun. Maaga pa. Kaya nagyaya akong manood na lang ng "Infection". Kaso 30 min late na kami sa screening. Pero pumasok pa rin kami kahit na late, at uulitin na lang namin. Iisa lang masasabi ko dun sa movie na yun. "yaaaaaaaaaki!" amp! Sabi ni Edi, "Ah lab green" daw. ako rin naman e. Pero pagkatapos kong manood ng Infection, parang gusto ko na magbago ng isip. hahahaha! Natapos ang pelikula, at inulit pa namin hanggang dun sa parte na napanood na namin. Masaya rin panoorin kasi nakakagulat wakekekekePagkatapos ng pelikula, derecho na dapat kami sa inuman. Pero napagisipan namin na wag na tumuloy kasi masyado nang gabi. Kaya sa halip na alak ang tirahin namin, strawberry snowcone na lang ang trip namin. Medyo matapang yung strawberry, parang naninipa. Then... naglakad kami papunta sa isang park sa Lawton kung saan maraming swing na gawa sa kahoy, may mga monumento ng mga ifugao at may magandang fountain sa gitna. First time ko nakapunta dun, kahit na halos araw-araw ko sya nadadaanan pero di ko naman pinupuntahan. Maghuhulog ako sana ng coin ang magwiwish kaso pinigilan ako nung isa jan. Wag mo naman kami tawaging jologs kasi maraming magagalit sa yo. Daming tao dun. Lovers' lane sa gabi. At doon, mahabang kwentuhan ulit kami, mostly about kanya-kanyang fraustrations and lab layp. Hingahan ng sama ng loob kung baga. Ok rin yun. At nagkwentuhan kami habang pabiro nyang inulit-ulit na pinagdiinan sa kin na late ako dumating (LOL). Masaya kong pinakinggan ang mga kadramahan nya sa buhay. At syempre, natuto ako sa mga kwento ng mga taong tulad nya. Tapos pinagtatawanan ko yung isang statwa dun ng ifugao na parang dinidilaan ng aso yung batutoy nya Masaya ata lagi ang lunes ko a napansin nyo? Pero lang sa isang bagay... Basta.
|
For the past few days, I've been teaching a couple of highschool students (Wow, sensei!) I am teaching them Visual Basic and the other one, HTML. My style in teaching them is, to make them feel how fun and interesting to do these stuff. Like puting some pictures, sounds and even funny words and animation. I hope they got what I've been teaching them. Edeh also needs me to help her out on their Powerpoint presentation for next week. That's on Sunday. I've been doing some research on my thesis again. May God help me. |
Spiderman Opening Clip Japanese Spiderman, 1978. It's nice to hear "I believe", My Sassy Girl OST . |
OK ok. I take back my last post. I got some blog-worthy stuff going on here... Yesterday morning, a phone call woke me up. I answered the phone and to my surprise, it was a call center company called "Vertex Solutions". The surprising thing here is that I am not expecting a phonecall from them, since I already failed my initial interview from them sometime in October last year. But who knows, they might have been considering my application thank God. So the guy on the other line asked me to drop by at Ortigas at 3pm that day. So I chat a little in the internet then I prepared myself up but I got there soaking wet from the rain. I was asking myself if I will persue my interview that day or if I would just ask them to postpone it tomorrow. But I decided to continue, since I'm already there. So there came the initial interview (which I am not really happy about it) and the written exam. The exam was easier than E-Telecare's. I'll be having my final Interview later at 4:30am. Yes folks. 4:30am.
|
I just got home from the interview. It was raining early in the morning. It was almost 4am, and I'm going to be late. So just I rode a taxi going to Ortigas. I came early today. Very early. But the interviewers were late. Maybe they were busy. So I waited for a few minutes to start. I was a little nervous because I've never been on a panel interview before. After a few minutes, they called me up. There were three panelists: two ladies and a guy. I felt nauseous when I saw them. But I tried to keep my cool. Everyone introduced themselves to me (I can't really remember their names now, though). They started to ask me technical and non-technical questions. I fairly answered them, and this is my favorite part... Lady Panelist #2: Give me a name and tell me why did you choose it. me: Wow. That is a tough question. Guy Panelist: (smiling) You should give a really good answer for this... me: (thinking) For your information, I really love the Japanese culture. So, I am giving a Japanese name. Lady Panelist #2: And what is that? me: "Haru". That means "spring" in Japanese. Lady Panelist #2: Wow. So, why "Haru"? me: Because spring is a symbol of life... (pause, thinking) Guy Panelist: And... what's with spring? me: Mating season. (everybody laughed) |
Sabado, 11:30pm. Napaka abnormal ang lamig ng gabing yun. Papauwi na ko sa aking bahay sa Makati. Kagagaling ko lang sa Sugoi! Internet Cafe. Nasa Quiapo ang jeep na sinasakyan ko nun, sa tapat ng simbahan, nang mag-vibrate ang celphone ko. Binasa ko ang text, at nakita kong si Dainty pala. "Kuya,sundo mo naman kami sa starbucks sa mega please? we're scared". Text back ako, "What?wala kayo kasama?bat late na ata kau jan?". She replied, "Nood kami sine,wala kami kasama d2. Please punta ka na, we're scared." Magkasama pala sila ni Kim. Si Kim at Dainty ay para ko nang adopted younger sisters. Naka-pambahay pa ko, at mahigit 1 oras ang biyahe ko kung pupunta pa ko ng Gamol. Nataranta na ko nun. Madali ako pauwi. At pag nagmamadali ka nga naman ano, dami biglang haharang sa daanan mo... tulad nung banggaan ng 2 truck sa Pedro Gil. Asar talaga. Naglakad ako ng kaunti para sumakay ng bagong jeep na malayo dun sa banggaan. Nung makauwi ako, bihis ako agad. Sinuot ko ang aking green na jacket at nagmadali ako palabas para maghanap ng taxi (hindi ko ugaling mag-taxi talaga). Sobrang nagmamadali lang talaga ako (at pag-2 ko nang taxi yun in a week!) waaaa! Ang gastos ko shet! So nakarating ako ng Gamol pagkaraan ng 45 minuto. Bilis ko noh? Lakad ako ng konti papuntang Starbucko at nakita ko si Dainty at Kim sa labas, at mukhang nakarami na ng kape yung dalawa. Grabe tong dalawang to. Kaya lang pala ko pinapunta nito kasi na-miss lang daw nila ako. Hindi ma-ipinta ang mukha ko nung oras na yun: di ko kasi malaman kung ma-ta-touch ako o maiinis sko sa kanila. hehehe. Kung di ko lang labs tong dalawang to nagalit na ko dito e. Konting kwentuhan. Nagpasama muna ko sa McDo sa St. Francis Square para bumili ng McColloso. Ihahatid ko sa kani-kanilang bahay 'tong dalawa. Si Dainty sa Cubao, si Kim sa Makati na medyo malapit sa min. Dapat sa Cubao ko lang ihahatid tong si Dainty kaso napansin ko na 2:30 na pala ng madaling-araw. Delikado na ang daan, kaya hinatid na lang namin ang bata sa bahay nya.Nang maihatid namin si Dainty, lakad kami sa tahimik na kalye. Wala halos sasakyan at tao sa paligid. Nag-aabang kami ng jeep pero walang nadaan pabalik ng Cubao. Nagkakwentuhan muna kami ni Kim tungkol sa maraming bagay. Hanggang sa narealize na lang namin na maling kalye pala ang pinag-aabangan namin ng jeep, at kinailangan namin maglakad ng malayo papunta sa sakayan. pero may nakita kaming tricycle. hehehe. da rest is history. It's nice to hear "When You Say Nothing at All" by Ronan Keating . |
Linggo. Pupunta ako sa Batcave ni Edi sa Novaliches. Ang layo pala nun. Wala akong alam papunta, at tinandaan ko ang mga direksyon na nabanggit ni Edi sa telepono at sa text. Nasa bus na ko nun, nasa Nova na at dumadaan na sa Q-mart (ata. i forgot). Pero NR (no reply) ang bruha. Habang papalapit na ko ay text ako ng text. Siguro 6 na text na, NR pa rin. Bakit kaya? hmm... Nakarating ako sa palengke ng Sauyo. Medyo muntik na ko naligaw nun kasi mali pala ang pagkabasa ko sa text: kala ko malapit sa 7-11 daw, yun pala, ang ibig sabihin ni Edi sa text e palatandaan lang ang 7-11 na papalapit na sa Sauyo yung bus. Medyo malayo ang nalakad ko nun kakahanap ng 7-11. Kaya tinawagan ko na ang cel ni Edi dahil kala ko wala ng load. Nalaman ko na lang na mali ang pinupuntahan ko at kaya pala di nagrereply tong babaeng to e naka silent mode ang cel. Buset ka. Balik ako sa huling lugar na natatandaan ko at dun ako sinundo ni Edi.At sa wakas, ang batcave ni Edi. Ok naman pala ang bahay nila e. Komportable. May tindahan malapit. Nandun na sina Pai-ni at Shela (mga classmates ni Eds) nung dumating ako. Gumagawa daw sila kuno ng project (na halatang copy-paste naman sa websites) hahaha! Tumulong na ko sa pag-gawa ng project habang binabasa nila yung dala kong aklat na "Alamat ng Gubat". Nilagyan ko ng mga animation yung powerpoint presentation nila then ginamot ko si Tonton da PC. Grabe haba nitong story ko kaya paiikliin ko na lang. NUng papauwi na ko, halatang pagod na pagod na si Edi. Sipag kasi. Gumagawa ng project habang nagpaplantsa ng damit. Nakauwi na ko ng bahay mga 1:30am na. It's nice to hear "Driver's high" by Larc~en~ciel . |
Martes, 2:30pm. Papunta sana ako ng Sugoi! Online. Nakasuot ng usual get-up ko, gray T-shirt, gray baggy shorts, sandals. Paalis na ko kaso biglang pinaalala sa kin ni Inay na babayaran ko nga pala yung utang ko sa classmate ko. Nagkita kami ni Roy sa Makati Cinema Square (ang cinema square na walang cinema!). Tapos inabot ko sa kanya ang bayad at sinamahan ko sya mag-hanap ng cd-writer. Tapos sumabay na ko papuntang Alabang, sa tita ko. Manlilibre daw kasi pinsan ko. Kaso pag dating ko e medyo matagal pa hihintayin ko. Puro nasa work pa mga insan ko, si Tota Mel lang nasa bahay. Kaya nag-internet muna ko habang naghihintay. Nang dumating na sila, nabigla ako sa nalaman ko: Sa Hotel Belevue (Ayala, Alabang) daw kami kakain ng hapunan. "Sa hotel?!" sabi ko. Nagulat ako kasi ang suot ko nung oras na yun e hindi pang-hotel. Kaya pinahiram muna ako ng pantalon na magkakasya sa aking seksing katawan. May nahiram akong maong na kupas (at may maliit na butas sa bandang hita). LOL. Pero ok lang, wala kong pakialam. Basta ako, kakain sa hotel. Tapos. Sa Hotel, buffet style. Basta kuha ka lang ng kung anong gusto mo. Sky's da limit. Sayang, dapat pala di ako kumain ng spaghetti sa bahay, para malaki ang space sa sikmura ko. hehehe. From french cuisine to Japanese. Salap. Di ko na sasabihin kung anong kinain ko at baka magutom pa ko. Hehehe. Habang kumakain kami kasama ang mga gerlpren ng 2 kong insan, ka-kwentuhan ko si Tita Mel at Ate Yeye. Niregaluhan daw ni Ate Yeye si Tita ng Nonoy Zuniega cd. Pinakanta pa nga nila ko ng "Moon River". Ganda talaga ng song na yun (Kaya siguro theme song ng "Lovers in Paris" yun).Na-impacho ata ako kinabukasan. At halos di ako kumain ng buong araw kinabukasan. Happy Birthday Tita Mely, my second mom.
It's nice to hear "Moon River" by Andy Williams . |
Kung napapansin nyo medyo late ako magpost sa blog. hehe. Medyo dami kasi ako ginagawa lately. So pagsasama-samahin ko na lang mga nasa isip ko lately on this post. Wednesday. Kita Kami ni tintin (aoshi_01) sa Megamall. Inabot ko lang ang cd na pinabe-burn nya. Tapos laro ako Inital D. Pero sandali lang ako dun at di ko feel mag-mall ng mga ganung araw. Thursday. Tumawag si Cindy, punta daw ako gamol. Paalis na nga pala si Emman, pabalik ng Canada. So punta agad ako. Mamimiss namin tong si Fafa Emman. Birthday nga rin pala ng dad ko. I wish him more years of life. May kaunting kainan at inuman sa bahay. I'm so broke right now. huhuhuhuhu. San kaya makaraket? Sana tawagan na ko nung callboy center na naapplayan ko. Grabe haba ng pinagawa mo Edeh. Unintentionally, I learned something about my friend Dan. And lately, I've been talking to Sarah (a friend who migrated to US) about a lot of things. It's a coincidence that we have the same problems at home, and we are all aged 23. Lately, I'm being involved with people with same age as I am, and I am happy about that. I'm not sure why. LOL Quote of the day: Love begins with a smile, grows with a kiss, ends with a tear. When you were born, you were crying and everyone around you was smiling. Live your life so that when you die, you're the one smiling and everyone around you is crying. It's nice to hear "As Long as it Matters" by Gin Blossoms . |
I've already seen this one a few years ago from an e-mail. 10th grade As I sat there in English class, I stared at the girl next to me. She was my so called "best friend". I stared at her long, silky hair, and wished she was mine. But she didn't notice me like that, and I knew it. After class, she walked up to me and asked me for the notes she had missed the day before and handed them to her. She said "thanks" and gave me a kiss on the cheek. I wanted to tell her, I want her to know that I don't want to be just friends, I love her but I'm just too shy, and I don't know why. 11th grade The phone rang. On the other end, it was her. She was in tears, mumbling on and on about how her love had broke her heart. She asked me to come over because she didn't want to be alone, so I did. As I sat next to her on the sofa, I stared at her soft eyes, wishing she was mine. After 2 hours, one Drew Barrymore movie, and three bags of chips, she decided to go to sleep. She looked at me, said "thanks" and gave me a kiss on the cheek. I want to tell her, I want her to know that I don't want to be just friends, I love her but I'm just too shy, and I don't know why. Senior year The day before prom she walked to my locker. "My date is sick" she said; he's not going to go well, I didn't have a date, and in 7th grade, we made a promise that if neither of us had dates, we would go together just as "best friends". So we did. Prom night, after everything was over, I was standing at her front door step! I stared at her as she smiled at me and stared at me with her crystal eyes. I want her to be mine, but she isn't think of me like that, and I know it. Then she said "I had the best time, thanks!" and gave me a kiss on the cheek. I want to tell her, I want her to know that I don't want to be just friends, I love her but I'm just too shy, and I don't know why. Graduation Day A day passed, then a week, then a month. Before I could blink, it was graduation day. I watched as her perfect body floated like an angel up on stage to get her diploma. I wanted her to be mine, but she didn't notice me like that, and I knew it. Before everyone went home, she came to me in her smock and hat, and cried as I hugged her. Then she lifted her head from my shoulder and said, "you're my best friend, thanks" and gave me a kiss on the cheek. I want to tell her, I want her to know that I don't want to be just friends, I love her but I'm just too shy, and I don't know why. A Few Years Later Now I sit in the pews of the church. That girl is getting married now. I watched her say "I do" and drive off to her new life, married to another man. I wanted her to be mine, but she didn`t see me like that, and I knew it. But before she drove away, she came to me and said "you came!". She said "thanks" and kissed me on the cheek. I want to tell her, I want her to know that I don't want to be just friends, I love her but I'm just too shy, and I don't know why. Funeral Years passed, I looked down at the coffin of a girl who used to be my "best friend". At the service, they read a diary entry she had wrote in her high school years. This is what it read: I stare at him wishing he was mine, but he doesn't notice me like that, and I know it. I want to tell him, I want him to know that I don't want to be just friends, I love him but I'm just too shy, and I don't know why. I wish he would tell me he loved me! I wish I did too... I thought to my self, and I cried. I Love You. Quote of the day: It hurts to love someone and not be loved in return, But what is more painful is to love someone and never find the courage to let that person know how you feel. |
Murphy's Law #3: "Anything that can go wrong will go wrong." Last Friday night, my brother asked me to do his project. It's a colored, 24-pages, glossy-paged magazine, which is supposed to be due last Monday. I tried to make it as fast as possible, but I know I cannot make it on time (because I am not that really good in Photoshop). So he asked for an extension, which is at Wednesday noon. I've only slept for 3 hours everyday since Sunday. Unfortunately, when I woke up this morning, the computer's hard drive developed bad sectors. I cannot save anymore. The good thing here is the computer have 2 hard drives, but the other one is getting full already. And the other good thing is I can still retrieve my files. I hope I won't get anymore problems from here on. I remembered the last time I took my thesis. I was almost finished that day. It was 3 am, when suddenly the computer crashed and the hard disk became unaccessible. Good thing is I have a backup on my email, and I continued working with my cousin's PC. Stupid computers... |
May jobfair sa SM Megamall sa 18, 19, 20. Meron rin sa Festival Supermall sa Alabang sa 19-20. Sana makatulong tong announcement ko sa mga naghahanap ng work. Natapos ko na rin kaninang umaga yung project ng kapatid ko. 7:30am na ko nakatulog. Medyo nakabawi na ko sa tulog. Nabadtrip ako sa mom ko. Basta. ARGH! Nakakainis! Tapos di ko pa alam kung paano ko sasabihin sa insan ko na may badsector yung hard disk nya. e sa tiwing masisira na lang tong PC ako lagi napapagbintangan. Buti di naman nasira mga na-download kong anime. Dami nun. Na transfer ko na sa harddisk ko. Wawa naman si Tere ngayon. Kaso... ewan. Parang walang pansinan kami this past few days. Sabi ko kay Edi na pupunta ako next week sa AMA for my research on thesis. Nakalimutan ko na Holy week na nga pala. LOL. Lapit na Spongebob Squarepants the movie! YEY! It's nice to hear Bionic Soldier (Ending song ng Bioman) . That show, Hentai really rocks! |
Alam ko na-post ko na dati to. But I am posting this again for some reason... ------------------------ To let Go...Doesn't mean to stop caring, it means I can't do it for someone else. It's not to cut myself off, It's the realization that I can't control another. To Let Go....Is not to enable, but to allow learning from natural consequences. Is to admit powerlessness, which means the outcome is not in my hands. (Read More) |
Bored. I'm still at my aunt's house in Alabang Hills. The skies are quite dark today, with a little rain. And the air is damp and cold. Everything is so peaceful today. I decided to do something else like... cleaning the hamster's cage because it's starting to smell bad already). Then... I planted sunflower seeds on the garden. Each for special people. One for Sarah, One for Edi, Cae, Tere, Kim, Dainty, Bible, Recy, Ingrid, Cindy, Dan, Nico, Adz, JJ, and... one for me of course. I hope I have the green thumb. It's nice to hear "Gone" by Jim Chappel . |
I had a serious talk with my Tita Mely about my thesis. Recall: I am studying at AMACC. With only thesis left to graduate. I should have graduated in... nevermind. Well, I've decided to enroll this coming semester. I want to force myself harder this time. This could be a turning point in my damned life. I've just realized that the shortest way is not always the easiest way. |
Waaaa di natuloy Enchanted Kingdom huhuhu . Kasama ko dapat mga insan at kapatid ko. Kaso nagkatamaran na kasi puro may trabaho karamihan sa amin kahit Linggo. Oh well, next time na lang... ---------------------- Birthday ni JJ ngayon. Pero nagparty na kami kagabi. Grabe nalasing ako. Gin pomelo. Gusto ko na sana umuwi ng 10pm. Kaso nung pauwi na ko, pinigilan ako ng barkada ko at pakakantahin muna daw ako sa videoke. Kaso tumanggi ako kasi nahihilo na ko sobra. Pero habang hinihintay yung kanta ko raw, umupo muna ko sa swing sa malapit... hanggang nakatulog na pala ko sa swing. At di ko alam, pinagtitripan na pala ko ng mga ****ng 'to! Ginawan nila ko ng video at pictures sa cel cam nila (scandal ba?). Di ko na alam ginagawa ko. Basta. Kung ano man yun, amin na lang yun. ---------------------- Palm Sunday. Nagsimba ako. E Ikaw? ---------------------- Talo si Pacquiao. At sa tingin ko, may pagkakamali sya dun. Medyo yumabang e. Pero maganda ang naging laban nila, hindi sila bumabagsak pareho. Bilib pa rin ako sa yo Manny kahit talo ka. Idol. ---------------------- After that serious talk with my Tita, I got this craving to work abroad. I don't know why. I suddenly felt like going to US. Maybe, I'm starting to build my dreams again. Is this a bad thing? |
Pinalipas ko ang araw ko sa parke sa Bgy. Poblacion sa Makati (Malapit sa PowerPlant mall). Alas-singko, maliwanag pa ang kalangitan. Grabe, buong araw na ata ako malungkot. Dami ko iniisip. Guilty. Guilty sa maraming bagay. Sinisisi ang ilang bagay sa sarili. Nandun ako sa Parke, nakatingin sa kawalan. Maingay ang mga makina at busina ng mga sasakyan, pero parang napakatahimik para sa akin ng paligid. Di ko na napansin ang ingay at mga taong nakatambay sa parkeng yun. Nakatingin ako sa kawalan, sa ilog pasig na nasa tabi lang nun, sa mga isda na nagtatangkang tumalon papa-ibabaw, sa mga batang naglalaro. Minsan kunwari nagtetext lang ako, pero nakatingin talaga ko sa paligid ko, nag-iisip. Nung gabi na, papauwi na dapat ako. Pero napansin ko na may libre film viewing sa park, "Passion of the Christ". Lumapit muna ako para manood. Habang hinihintay ko magsimula, may lalaking lumapit sa akin. Isa syang pastor na namamahala nung film viewing. Nagpakilala kami sa isa't isa at nagkwentuhan ng kaunti. Nabanggit ko a little something about me, nasabi nya sa kin na, "Don't worry, God will provide." Sabi ko naman, "Naniniwala pa naman ako sa himala..." Base sa sariling karanasan, nagdaan na ang pamilya ko sa puntong naghihirap talaga kami. Pero nandito pa rin kami, buhay. Pagkatapos ng usapang yun, nagsimula na ang palabas. Naisip ko na ang sagot sa mga iniisip ko. May nakakalimutan pala ko kaya pala ko nagkakaganito... Hindi ko tinapos yung film viewing kasi ang tagal magsimula. Nasira yung speakers. --------------------------- Sabi sa kin ni Edi sa text message: "Alam mo, ibakante mo sarili mo dis holy wik para sa sarili mo at kay papa Jesus ΓΌ" Holy week. Dami kong iniisip. Nakalimutan ko SYA. Ang dami kong reklamo, nakakalimutan ko magpasalamat. |
Holy Wednesday, 6:00pm. I went back to the park. It's a little chilly afternoon tonight. The wind seems cooler than last night. I was reflecting again. "What am I going to do next?", I'm asking myself. I've been thinking of things way ahead into the future. Planning for tomorrow. But I am more worried about what I'm going to do today. In the park, It was tempting to go up in the slide, so I did (but I never slide). I just hang around up there, overlooking the Pasig river at night and looking up the night skies with a bright moonlight. Just for a second, I thought it was better if I have someone beside me that moment. Too bad for me. After a few hours, I walked back home. Along the way, I saw some interesting light coming from inside the Church near my home. I went inside, and I saw a movie going on. "Tanging Yaman". I watched a little. And as I watch, a woman asked me if I wanted a confession. It was almost 7 years since the last time I did that, so I gave it a shot. ![]() Thought of the Day: To let God to take control of your life, you must admit your weakness and admit that you can never everything ALONE. Maybe you will blame God for your trials, but He just wanted to teach you a lesson in life It's for your own good. There are no trials he gave that you cannot bare.
|
Haaay! Grabe! Naglakad ako papuntang Antipolo church kanina from Cainta. Kwento ko na lang later. Kakarating ko lang ng bahay at pagod na ko magkwento. Edit ko na lang to
|
Pinag-isipan ko mabuti tong pagsama ko sa alay-lakad papuntang Antipolo. Kasi naman, dalawa ang pinagpipilian ko gawin nung Holy Thursday: Yung prusisyon sa Poblacion, Makati OR dito sa alay-lakad. Medyo nahirapan ako sa pag desisyon. Barkada ko kasi yung lakad sa Makati, at yung sa pa-Antipolo naman, bagong experience. Pero mas pinili ko na lang yung pa-Antipolo para mabago naman Good Friday ko this year. Pasensya na sa friends ko (wag sana sila magtampo). So, nagsimula ang lakaran sa Cainta, alas-9 na nun ng gabi, sa may MACRO. Sa lakad na ito, nakilala ko ang magagandang binibini na sina Abbey at Lime, mga friends ni Edi. May iba rin kami kasama kaso di ko kilala. Napakalayong lakaran. Binaybay namin ang Sumulong Highway, hanggang sa mga kalsada ng antipolo na puro 30-50 degrees ang tarik. May 14 na stations of the cross, at malalayo ang agwat ng bawat isa. Nagsimula ang stations of the cross sa bukana ng Antipolo city, at natutuwa ako tuwing makakarating kami sa isa (ibig sabihin, papalapit na kami sa simbahan). Ang gulo ng mga kabataan, at mukhang nakalimutan na nila ang pagiging sagrado nung lakad na yun. Pati ang paligid parang masaya. May mga nagvivideoke, nagpapatugtog ng malakas ng Eraserheads, etc. Ewan ko ba sa kanila. Mabibilang sa daliri ang nakita kong totoong gumugunita sa Holy week. Naka-ilang stop-over din kami bago makarating sa Basilica. May bitbit akong 500ml na lalagyan ng mineral water sa aking bag. Maliit lamang ito at kakapusin ka talaga kakainom. Buti na lang maraming libreng water-refilling station sa daan, courtesy of the volunteers. Nakita kong pagod na pagod na ang aming grupo, lalo na si Abbey. Iba na talaga ang tumatanda. hehe. Joke lang. Nakarating na kami sa Basilica ng mga bandang ala-una ng madaling-araw. Punong puno ng tao ang paligid ng Basilica. Ang inaasahan kong 200-500 na kataong dadalo sa lakarang yun e mahigit-kumulang 1 million pala (sabi sa TV). Napagsarahan na nga kami ng pinto kasi nagsasara pala ang simbahan ng 12am. Huminto ang tropa sa harap ng Burger King sa labas. Nagpahinga. Pero nagyaya itong si Edi na pumasok. Sinamahan ko sa pumasok sa gate ng simbahan, kahit na siksikan ang mga tao. Pinilit namin isiksik ang sarili namin sa dami nga tao. Tulakan. Pero sayang, sarado na ang pinto, kaya hanggang dun lang kami sa pinto para sumilip sa patron, at nagdasal sandali. *wish wish* Tapos balik agad sa BK. Pero pagbalik namin, nawala sila. Hinanap namin ni Edi ang grupo, pero napag-alaman namin na pumasok pala sila sa gate. Nang makabalik sila, nagpahinga kami ng kaunti at naghanap ng makakain. Wala akong gana nung oras na yun. Marahil siguro dahil sa kakainom ng tubig at sobrang pagod. Pumunta ang tropa sa lugawan habang nagchichismisan ang tatlong babae na ayaw kumain sa isang tabi. Sinamahan ko sa chismisan ang tatlo, pero parang naghahanap ang katawan ko ng Footlong Pero nung nakarating na ko sa Guadalupe, sinipag pa akong maglakad. Naglakad pa ako mula Guadalupe, Makati hanggang Bgy. Poblacion. Tinignan ko pa yung ilan sa mga kubol o kilala rin sa tawag na kalbaryo. Sa totoo lang e sinusubukan ko kung kakayanin pa ng katawan ko maglakad hanggang bahay. Pero mukhang Hindi na kinaya ng powers ko at sumakay na rin ako ng jeep sa Makati Ave. Thought of the Day: Thank you Lord for dying... for us. Thank you rin pala kay Edi for this another first time experience. Buti na lang sinama mo ko dito sa kakaibang karanasan na ito. ![]() |
Gumising ako ng Alas-Tres ng hapon. Napagod ako mula sa aking alay-lakad patungong Antipolo. Pero sa pag-gising ko, naghahanap ako ng magagawa nung araw na yun. Naalala ko nga pala na tuwing Byernes santo, sumasama ako kay Tong sa prusisyon sa kanila. Kaya nung alas Kwatro (pumunta ako ng maaga sa barangay nila kasi alam ko magta-traffic na sa gabi ang daan), tumambay muna ako sa park malapit sa kanila. Bilog na bilog ang buwan nung bandang alas-singko y media ng hapon. Inaabangan ko mag gabi at pupunta ako kina Tong ng alas-7. At nang dumating ang tamang oras, pumunta na ko. Naghintay kami ng kaunti kasi puro nagsisibihisan pa lang ang buong pamilya. -------------------------------- Thought of the Day:Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear... ...Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own. - Matthew 6:25-34 I worry about tomorrow too much... |
Pumunta ako ng Batangas nung Linggo ng umaga. Kasama ko ang aking mga insan at tita sa Alabang. Taga-Malvar, Batangas pala ako kung itatanong nyo. Nung nandun na kami, may plano na pala na mag swimming sa isang malinis na ilog dun. Mga alas-onse na nung nagsimula kaming maglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Ang kasama ko lang pala ay yung 2 insan ko na lalaki, isang second cousin ko na babae at tatay nya, at tatlong batang lalaki na malalayong kamag-anak na namin. Malayo ang papunta sa bababaan namin. Maraming taniman ang nadaanan namin: niyog, mangga, mais, tubo, gulay, palay, marijuana. Name it, you'll have it. Pataas, pababa -- sarang spaghetti song ng Sexbomb girls ang mga daanan dun. Dami rin nilikuan. Nakasakay ako sa likod ng driver nun kasama ang insan kong si Ray-ray. Humirit ba naman na, "Tandaan mo yung dinadaanan natin. Baka maligaw tayo pabalik". Sabi ko sa kanya, "hulog tayo ng pieces of bread sa daan! Para di tayo maligaw." Sabi nya naman, "Teka, sa ano yan a... (*isip*)" "O sige nga, saan yan?" "Sa snow white...?" "EEEEEEEEEnnnnng! mali" LOLz. Kayo, alam nyo naman siguro kung saan yun. Hehehehe. At pagakatapos ng mahabang byahe, nakarating rin kami sa bababaan namin. At kala ko e pag dating dun e magda-dive na lang ako at maliligo sa tubig ng ilog. Hindi pala. Kailangan palang bumaba kami sa isang matarik at malalim na bangin. Buti may hagdan. Sa bukana ng daan kung saan papunta ang ilog, may nakita kaming nakadikit sa puno na parang ganito: ![]() ...buti na lang may kasama kaming alam yung lugar at di na namin kumuha ng tour guide. Bumaba kami. Buti na lang may mga steps na yung daanan, kung hindi nahirapan kami lalo. Nung nasa baba na kami, kinailangan namin na tumawid sa hanggang-baywang na tubig ng ilog. Wala kasi kami ibang mapepuwestuhan. Nung aahon pa lang ako, nagulat ako dahil may gustong tumulong sa akin umahon. Iniaabot nya ang kanyang braso pero paahon na ko nun. "No thanks" kung baga. Tapos pabiro na nagpapakilala kunwari. Iniiglish pa nga ko eh. Ininglish ko nga rin. Tapos pwesto na kami. Nagbabad ng kaunti sa tubig, nagpatama sa lakas ng patak ng maliit na talon. Kumain kami ng pananghalian pagkatapos ng isang oras. Nagkamay lang kami, at namiss ko yun! tapos habang kumakain kami, nakita namin yung nagpakilala sa kin kanina e nadulas sa kinasasandalan nya! Syempre, hindi namin napigilan tumawa LMAO! *ligo ligo swimming swimming* Ang tatapang ng ilang mga bata na nandun! nagdadive ng kung anu-anong style. tapos minsan, galing pa sa puno! Ano pa ba... Ayun, puro kulitan, etc. Tapos natapos na kami ng mga bandang alas-tres. Nagsimula na kaming mag-ayos ng sarili paakyat ng bangin. DYOSKOPO! Ang taas nga pala nung bangin! Nanginig ang binti naming lahat sa pag-akyat habang bitbit ko ang kasirola na lalagyan ng kanin namin. Tapos sa taas, hingal na hingal ang lahat. Dahil sa liblib ang pook na yun, walang tricycle na dumadaan dun kaya naglakad kami ng malayo-layo hanggang sa maka-para kami ng masasakyan. Kung napansin nyo, hindi ako mahilig maglakad ano po? (refer to the past 2 entries) HEHEHEHE -------------------------- Im sorry Bible. I'm so sorry talaga
It's nice to hear "Canon (in D Major)" by Johann Pachelbel . |
I Can't Make You Love Me by Bonnie Raitt Turn down the lights; Turn down the bed. Turn down these voices Inside my head. Lay down with me; Tell me no lies. Just hold me close; Don't patronize. Don't patronize me. Chorus: 'Cuz I can't make you love me If you don't. You can't make your heart feel Something it won't. Here in the dark In these final hours, I will lay down my heart And I'll feel the power; But you won't. No, you won't. 'Cuz I can't make you love me If you don't. I'll close my eyes, Then I won't see The love you don't feel When you're holding me. Morning will come, And I'll do what's right; Just give me till then To give up this fight. And I will give up this fight. Chorus (1x) |
![]() Sorry rin ulit Bible kung galit ka pa. |
TAG me!
wakekekeke
Then... naglakad kami papunta sa isang park sa Lawton kung saan maraming swing na gawa sa kahoy, may mga monumento ng mga ifugao at may magandang fountain sa gitna. First time ko nakapunta dun, kahit na halos araw-araw ko sya nadadaanan pero di ko naman pinupuntahan. Maghuhulog ako sana ng coin ang magwiwish kaso pinigilan ako nung isa jan.
Daming tao dun.
Pero lang sa isang bagay...
thank God. So the guy on the other line asked me to drop by at Ortigas at 3pm that day. So I chat a little in the internet then I prepared myself up but I got there soaking wet from the rain. I was asking myself if I will persue my interview that day or if I would just ask them to postpone it tomorrow. But I decided to continue, since I'm already there. So there came the initial interview (which I am not really happy about it) and the written exam. The exam was easier than E-Telecare's. I'll be having my final Interview later at 4:30am. Yes folks. 4:30am.
Balik ako sa huling lugar na natatandaan ko at dun ako sinundo ni Edi.
Hehehe. Habang kumakain kami kasama ang mga gerlpren ng 2 kong insan, ka-kwentuhan ko si Tita Mel at Ate Yeye. Niregaluhan daw ni Ate Yeye si Tita ng Nonoy Zuniega cd. Pinakanta pa nga nila ko ng "Moon River".
At di ko alam, pinagtitripan na pala ko ng mga ****ng 'to! Ginawan nila ko ng video at pictures sa cel cam nila (scandal ba?). Di ko na alam ginagawa ko. Basta. Kung ano man yun, amin na lang yun.


