image

Entries for May, 2006


Sorry po...


This favorite post was written last May 5, 2006 01:32 AM .
Posted by solitude12 | 4 commented .

Kahapon, tumambay ako sa tabi ng fountain sa building ng Makati Stock Exchange (Ayala, Makati) habang hinihintay ko matapos si Tere matapos ang kanyang interview sa Security Bank.

Napaisip ako.

Naroon ako, naghihintay sa kaibigan ko na magkakaroon na ng trabaho. Ako naman ay nandito pa rin, nakatunganga. Bummmm... At nagsisimula na akong magtampo kay Lord. Tinanong ko sya,
"Bakit ganito ang nangyayari sa kin? Nakatapos na ako ng college; nagpapaka-aktibo na ako sa simbahan; at gumagawa naman ako ng mabubuting gawa. Pero ano pa po ba ang dapat kong matutunan? Wala pa rin akong trabaho..."
Ilang linggo na kasi akong naghihintay ng tawag mula sa mga na-applyan ko. Pati yung huling opisina na inapplyan ko wala pa ring balita. Naiinip na ako at nawawalan na ko ng loob.

Ilang oras ang nakaraan pagkatapos noon, biglang nagtext sa kin si Tere, "I'll be down der in 10min."

Kaya naglakad na ako pabalik sa bangko. Habang naglalakad ako, may nagtext ulit.
"Hi alvin this is ********. There is a delay in the construction [of the office]. I will call you by next week. You are still hired. Speak to you soon.

Sorry po talaga Lord sa pagdududa ko...








Si Tere sa Makati, ulit


written last May 5, 2006 02:14 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Noong isang linggo, nag test si Tere sa Security bank. Ngayong linggo naman ang kanyang interview. Di ko alam ang mangyayari.

Kahapon, ako ang sumundo kay Tere sa terminal ng Victory Liner sa Sampaloc, Manila.

Nakakatuwa naman, parang lagi ko syang nakikita recently. Dati parang isang beses lang sa isang taon ko nakikita ang babaeng ito. Ngayon, parang linggo-linggo na. At ang balita ko ay babalik na naman sya sa isang linggo ulit para ayusin ang ilang requirements. At kapag naayos na nya ang lahat ng kailangan, mananatili sya dito sa Makati (sa tita nya yata sya makikituloy) para sa training. Grabe. Galing talaga ng babaeng ito. At least naman hindi napunta sa wala ang mga paghihintay ko sa kanya kasi naipapasá naman nya yung mga pagsusulit.

Hindi na nga ako umattend ng meeting ng PREx para lang makasama sya. minsan lang naman kasi to.

Sa susunod na balik nya, kapag magte-training na sya, tuturuan ko sya kung paano maglibot-libot sa Kamaynilaan. Hindi naman siguro mahirap turuan ang promding tulad nya? hehehe.
---------------------------

Sa pagbabalik ni Tere, saan naman kami nakarating?
Pumunta kami ng Megamall para sa launching ng Voltes V: Evolution. Yun yung redubbed version ng Voltes V (baka sabihin nyo korni ako ha! Payn.) At sa Megamall, nakita ko ulit si Kuya Leo. Grabe tagal ko nang hindi nakita ang taong ito. Kulang ang ticket namin. Pero nakapasok pa rin kami kasi itong kaibigan kong si Shawine ay isang dubber sa ABS-CBN. Dubber sya ng ilang anime na tinagalog tulad ng Saber Marionette, Ragnarok, Inuyasha, atpb. Dubber rin sya ng ilang telenovela like Princess Lulu (nakalimutan ko na yung iba), Dahil nga may kapit sya sa loob, nakapasok ako, Tere, at ni Kuya Leo ng libre. Hahaha! Pagpasok namin, naupo kami sa likuran ng iba pang dubbers ng ABS-CBN. Hero Channel nga pala ang may pakana ng event na ito. Na-star struck ako kasi yung mga pangalan na nakikita ko sa credits ng mga anime at telenovela na nakikita ko dati pa, nakita ko sa personal. Nasa harap ko na.

Sa launching, nakita ko ang ilang personalities tulad ni Sandara Park, Joseph Bitangcol, Iggy boy, Micheal de Mesa, Nikki Valdez at si Bob dela Cruz. Sayang wala si Dennis Trillo. Sayang rin di ako nakapagpa picture sa artista huhuhuhu . Kaya nagpapicture na lang ako sa tabi ng mga istatwa ng Voltes team sa labas ng theater. LOL. Pakita ko next time yung pictures.

Nag-Starbucks kami pagkatapos nun. Kwentuhan. Marami kaming dapat i-catch up.

Salamat sa lahat Shawine, Kuya Leo. Sa susunod ako naman manlilibre hehehe. Nakakahiya na sa inyo.








Some pictures from yesterday...


This favorite post was written last May 5, 2006 02:28 AM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Ang bagong "pasok" sa Bahay ni Kuya



*errata: ALDRED, hindi Aldren


...Agad syang nagpakilala sa lahat ng housemates at mainit naman syang tinanggap ng mga ito...



... At may napusuan agad syang maganda at mabait na dilag sa loob...



At dahil sa basted sya,naglambitin na lang sya sa gate. Pinalayas sya ni "Kuya" dahil nasira ang gate!




..kaya nakipag inuman na lang sya kay Tere at Shawine sa Baywalk



-The End-
-------------------------------

Other pictures:


Me and Tere



Mr. Smiley










Sa gitna ng mga nag-uumpugang bato


written last May 6, 2006 02:10 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Nung mga nakaraang araw, naranasan ko na mapagitna sa mga nag-uumpugang bato.

Nung una, sa pagitan ng aking ama at ng aking kapatid na lalaki.
Sa totoo lang ay di ko alam ang gagawin ko. Matigas kasi ang ulo nila pareho. Mag-ama nga sila.

Nariyan rin ang ilan sa mga kasama ko sa youth ministry na kailan lang ay mga nakakausap ako. Kahit na hindi ko naman sinasabi sa bawat panig ang kung sino at kung ano ang iniisip ng bawat kampo.
Siguro yung isyu lang tungkol sa isang kasama ko ang nabanggit ko sa magkabilang kampo. Pero siguro naayos ko na yun (sana). Sinubukan kong ipinaintindi sa bawat panig ang iniisip ng bawat isa. Kahit na hindi ko sigurado ang iisipin nila sa kin, na baka may pinapanigan ako.

Sabihin nyo mang pakialamero ako, ganoon lang talaga ako. Ayoko kasi yung nangyari doon sa huling grupo na sinamahan ko, kung saan may umikot na chismis tungkol sa kung sino. Dapat naayos agad, at hindi na pinapatagal.

Pero hindi madaling gawin yun.

Kailangan lagi kang maingat sa pagsasalita. At hindi basta-basta sinasabi ang mga nalalaman mo. Yun siguro ang sikreto ko kaya ako pinagkakatiwalaan ng mga naging malapit na kaibigan ko. Magaling akong magtago ng sikreto.
--------------------------

Tiwala. Kanina, doon sa ika-apat na Prayer Party ng aming Youth Ministry, napag-usapan namin ang tungkol sa tiwala. At may naalala lang ako. Minsan sinabi ko sa isang kasamahan,

"Ang hirap kumuha ng tiwala ng tao."

Totoo naman hindi ba? Hindi nakukuha ang tiwala sa isang gabi lang. At nararamdaman ko rin na hindi pa rin ako lubusan na pinagkakatiwalaan ng ilang tao sa paligid ko. Pero ayos lang yun, naiintindihan ko yan. Kahit naman siguro ako ganoon din ang magiging reaksyon. Ipinagpapasa - Diyos ko na lang kung hanggang saan hahantong ang pagtitiwala sa bawat isa ng grupong ito, o kung hanggang saan nila maipapakita na sila ay karapat-dapat sa tiwala na ibibigay ng bawat isa.

God help us.








Mga Larawan kanina


This favorite post was written last May 6, 2006 03:17 AM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Mga larawan doon sa Voltes V: Evolution launching na ginanap sa SM Megamall


Joseph Bitangcol as Prince Zardos, Sandara Park as Jamie Robinson, Nikki Valdez as Princess Zandra, Blair Arellano (who is also the voice behind Naruto) as Mark Gordon, and Bob dela Cruz as Big Bert



Joseph, Sandara, and Nikki as Voltes V Characters




Iba na toh... dalawa papa ni Sheng. Sabay pa ha!




Introducing my girlfriend -- Jamie Robinson




This picture always reminds me of a photo from last year...


Me with Tere and Kuya Leo. Natawa naman ako nung nakita ko itong kuha na ito. Naalala ko yung picture namin noong December, 2003 pa. See the resemblance? Natatawa ako kay Kuya Leo sa dalawang pictures na yan. How uncanny, di ba? hehehe. Pati rin pala ako di masyado nagbago ang mukha.


I forgot to mention a story that happened [in this event] in my last entry. Do you notice that orange bag I am carrying? That is the prize I got from answering a question in that event. The host asked a question, "Who is the eldest among the Armstrong brothers?" Then I raised my arms as quickly as I could. LOL. That Hero bag contains some kiddie items. I'm planning to just give it away. The bag contains A black VOLTES V shirt, a black HERO T-shirt (which I already gave to Tere), a MIRMO mini board game, a glow ball (I will keep this one!), a size 8 HERO kiddie slippers and yoyo, a MIRMO bubble gun (batteries not included), a VOLTES V pencil, and a HERO black pen. I'll just add up my INUYASHA necklace, since I won't use it anyway.








Prayer Party 4


written last May 6, 2006 04:26 AM .
Posted by solitude12 | 7 commented .

Saya kagabi grabe. Magagaling talaga mag-isip ang mga coordinators namin. Profound!

Nagsimula muna ang lahat sa pagsali sa isang misa. At dumerecho kami sa isang malapit na kapilya.

Kung ano namang ikina-solemn nung huling Prayer Party, ngayon parang kabaliktaran ata. Siguro kasi mas marami kami ngayon. O baka nga mas maigi nga na ipahayag ang pananampalataya namin sa "paraan ng kabataan". Yung masaya syempre, pero nasa gitna pa rin ang prisensya ng Panginoon.

Nagkaroon ng mala-leadership training kanina. Mga palaro, at kung anu-ano pa. May sharing. Nagpakilala rin sa isa't isa kasi maraming bago. Gumawa rin kami ng walang kwenta naming cheer HAHAHAHA!!! Amp na yan. Pero saya grabe. Ka grupo ko nga pala si Mike, ang magkapatid na Adrian at Abet, Bryan, ang dalawang baguhan na sina Lester at Aaron, si Chico at si Joey. Puro barako kami, hehehe. Walang muse sayang.

Tapos binigay na rin namin sa mga coordinators yung mga mahabag-damdamin naming mga sulat sa kanila. Dapat nung Lunes pa namin ibibigay kaso maraming hindi nakagawa. Kaya magandang oras ay kanina.

Nagkaroon din kami ng kaunting salu-salo sa kalapit na lugar. Pinagsaluhan ang spaghetti na ang balita ko ay gawa raw ni Chico (aba hindi lang sakristan, cook pa!) Kwentuhan ulit.

Medyo may kaunting tensyon nga lang akong naramdaman sa pagitan ng ilang tao, pero sa kabuuan ay masaya ang nangyari.

Sayang walang pictures
----------------------------------------

Kagabi rin, may nabalitaan akong magandang balita mula kay Malou (na ang dapat daw pala magsabi ay si Ate Jhet, pero sinabi na rin nya sa akin. Wahehehehe...) Pwede raw akong makasama sa Youth Encounter (na ang akala ko ay bawal na ako, kasi ang age limit ay 18-24 yrs old lang daw). Pero sa District Youth Encounter (or something like that) daw ako nila pasasamahin, na mangyayari daw sa ika-19,20, at 21 ng Mayo. Naku... kung sasama pala ako dito, hindi ako makakapagsilbi sa PREx 10. hmm... at isa pa, hindi ko alam kung kailan ako tatawagan ng trabaho ko. Sana, matagalan pa ang pag-gawa sa opisina namin, para hindi muna ako magsimula magtrabaho. Ang daming gusto ko pa munang gawin bago magtrabaho.








"How did you do that?"


written last May 9, 2006 12:02 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

I have been asked a lot of times how I made myself, in a way, "religious". I must admit that I am not really a hardcore Christian/Catholic like what some people perceived. But I am a prayerful person (thanks to The Purpose-Driven Life's idea of "breathe prayers").

Everything starts from small beginnings. And you cannot learn everything in just a day. You are just a human, after all.

It all started one day in the month of February, 2004 (not a long time ago.) I was having a lot of troubles (and one of them is my thesis at college) and I do not know where to hold on to. Just like any other human, I remembered God. Then I tried to change myself for Him. Everything. I admitted to myself that I am weak, and I need Him.

It seems that God really want to push me through. In that month, too, while I was praying in the church, I suddenly seen people formed a queue going somewhere. They were all going to the confession booth. I was not really ready that night, but I know I have to go through this to change myself more. And I felt so free after that. from that time on, I seek Him MORE.

I wanted to read the Bible. But I confess that I get tired reading it (maybe just for now). So I tried looking for some other ways to learn the Bible. Then I have heard about the book, "The Purpose-Driven Life." In my birthday last 2005, I asked my cousin, Jasmine, to buy me one as a gift. And she happily bought that for me. I love learning God's words from this book, but I won't stop here. Someday, I WILL read the Bible itself.

To be able to apply and learn more with I have studied, I allowed myself to be surrounded with people who knows Him, not only Catholic people. Actually, I made friends with Born Again Christians (because I found them really interesting to talk to about God.) And then I joined some Church activities, and got myself involved with the Parish Youth Ministry. I tried learning God's teachings through other people, not just from friends and family.

So far, my life have have been so fulfilling because of HIM. Life isn't perfect happiness, but at least right now, I am living my life to the fullest.


I have been reading "Veronika decides to die" .





Kamustahan


written last May 15, 2006 02:08 AM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Oi Benj! Di ka na nakakapagblog ah. Ano nangyari sa yo nung isang linggo?

Sorry, medyo naging okupado ako masyado ng ilang bagay. Nagkasakit ako ng ilang araw. Nilagnat sa sobrang sakit ng sikmura. Inatake ulit ako ng super ultra hyper acidity (di ko alam kung ulcer na yun). Pero sa likod ng sakit sa sikmura na yun, nagampanan ko pa rin ng maayos ang mga trabaho ko.

May pinagagawang advertisement kasi sa akin nung isang linggo. Isang Flash animation (pero hindi ko na siguro ipapakita dito kasi nahihiya ako) na ginamit namin kahapon para sa fund raising ng Youth Ministry ng aming simbahan upang makapagpadala kami ng mga kabataan para sa isang seminar na tinatawag naming "Youth Encounter". Hindi ko alam kung anong meron diyan kasi hindi pa ko nakakasama sa ganyan. At hindi rin ako pwede sumama kasi ang edad lamang ng kabataan na maaring sumama ay 19-24 taong gulang lamang. Malas Pero ganun pa man, todo suporta pa rin ako sa proyektong yan.

Ano pa ba... wala pa rin akong bagong balita sa trabaho, pero naghihintay pa rin. Galing nga eh. Parang umaayon ang lahat sa mga gawain ko sa simbahan. Tignan nyo ha: Kaya hindi pa ako nagsisimula magtrabaho kasi ginagawa pa ang opisina namin sa Ortigas (sa Tektite Bldg.) Sabi nung Sekretarya tatawagan na lang nila ako pag tapos na sila. Habang wala pa akong trabaho, sunud-dunod ang gawain namin sa simbahan. Nagkaroon ng fund raising ang Youth Ministry, tapos kailangan ko pa pala tumulong sa susunod na batch ng PREx seminar sa May 19, 20 at 21. Tapos nasa kamaynilaan nga pala ang kaibigan kong si Tere ngayon para sa training nya sa trabaho. Dahil nga sa wala pa akong trabaho, kaya kong ibigay ang buong oras ko para sa gawaing simbahan, at pwede ko rin tulungan si Tere.
-------------------------------

Graduation ko nga pala kahapon. At nung huling Sabado ang baccalaurate mass ko. Pero pareho kong hindi sinipot. Bakit kamo? Nung Sabado, tulad ng sinabi ko kanina, may sakit ako. Sobrang sakit ng sikmura ko. Umuulan pa. Kaya di na ako tumuloy.
Matagal ko nang napag-isipan rin na hindi na ako pupunta sa graduation ceremony. Kasi naman hindi ko na kasama yung mga ka-batch ko talaga. Nasaan yung drama dun di ba? Ni hindi ka man lang mapapaiyak kasi magpapaalam kayo sa isa't isa. Si Roy (thesis partner ko) nga wala talagang balak pumunta. E di ibig sabihin ako lang mag-isa, kung sakaling pumunta ako. Walang kwenta di ba?

Please lang. Wag mo sasabihin sa kin na, "Sayang naman! Minsan lang yan!" Kasi hindi na ako nanghihinayang doon. Matagal na dapat nangyari to...








Nasanay


written last May 16, 2006 03:13 AM .
Posted by solitude12 | 8 commented .

Isang araw, nagising na lang ako sa katotohanan na nasanay na pala ako na pagkatapos akong pakinabangan, itatapon na lang.

Para talaga akong basura.








Mga bagay na di mo makikita araw-araw


written last May 16, 2006 11:14 PM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Ano nga ba. Grabe magiging masyadong abala ako ngayong buong linggo. Balita ko may gagawin na naman daw akong flash movie. Nakakatuwa, nakakapag practice ako ng animation kahit papaano. Tapos sa weekend, sa May 19-21, yung bagong batch ng PREx seminar. Sana maging maayos naman ang lahat.

-------------------------------


3 seconds of fame. Kaninang umaga, may nagtext sa kin pero wala sa phone book ko yung numero nya...
"Wow si kuya Benj nasa HeroTV!"
Tinanong ko sya kung sino sya pero di na nagreply.

hahaha! At least may 3 seconds of fame ako di ba? Nung May 3 kasi, nanalo ako sa isang question ang answer nung Voltes V Launching ng Hero.

-------------------------------


May hindi ako na-blog pala kagabi.

Hatinggabi na noon, pero naisipan ko maglakad-lakad muna sa labas. Pero syempre, tulad ng dati, malayo ang nilalakad ko dati. Mula sa bahay, hanggang doon sa Barangay Poblacion, sa tabi ng Ilog Pasig as usual. Habang naglalakad ako sa paborito kong kalye dito sa Makati, ang Kalayaan Avenue (kung bakit ko naging paburito ay sikreto ko na), nagdadasal ako at may hinihiling ako kay Lord. Di ko sigurado kung makasarili ang hiling na iyon, pero hiniling ko na rin.

Mga bagay na di mo makikita araw-araw. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tuwing naglalakad ako, lagi ako dumadaan sa ruta na J.P. Rizal-Kalayaan-Burgos St. Mga kalye yan dito sa Makati.

Ang Burgos St. ay kilala sa mga Nightclubs. Parang Malate doon. Mahangin ang gabing iyon. Noong naglalakad na ako at malapit na sa Burgos, nilagpasan ako ng isang babaeng mabilis maglakad. Magandang babae. Nakaayos sya, tila isang G.R.O. o prostitute. At sobrang ikli ng palda. Naunahan nya ako sa paglalakad. At grabe. Humahangin ng malakas at halos lumipad na ang palda nya. Pero wala akong nakita pramis! Kasi nung sobrang lakas na ng hangin, napayuko na lang ako. Grabe nakakatukso talaga bwahahahaha!

Nung pauwi naman ako, habang nakasakay ako sa jeep, bumagal ang jeep. May nakita kasi kaming isang lalaki na pasuray-suray maglakad, dumudugo ang ulo. Tila tuliro. May kinausap ang driver na isang tambay. Nakita daw nila na bumagsak ang lalaki mula sa isang jeep. Ewan ko kung anong nangyari. Buti may isang tricycle driver na may mabuting loob at dinala sya sa malapit na hospital. Bumaba na rin ako malapit doon.

Nung malapit na ako sa kalye namin, may nakita naman akong 4 na kalalakihan na nagkakatuwaan. Ewan kung ano yun pero nakita ko na biglang hinubaran ng tatlo ng salawal ang isang matabang lalake na kasama nila. Tapos tumatawa pang tumakbo sa kalye ang matabang yun. Tumakbo sya papunta sa direksyon ko. Nagulat ako. Tumakbo sya at lumiko isang kalye, pero may 2 babaeng papasalubong. Tumakbo sya pabalik at nagtago muna. Nung wala nang tao, tumakbo na sya pauwi, na may suot na banderitas (piyesta kasi dito nung biyernes.) Wari ko'y nagpustahan ang mga taong iyon, ang ang taya ay ang salawal.

-------------------------------


Thank you Lord for never leaving me alone in times of temptation. In times of evil, defend me. Strengthen my faith in you.

Cure my blindness, oh Lord. So that I may see the love of my people for me. I may be bitter right now because I failed to feel their love, for they only express it in their own little ways. Teach me to be thankful.


I have been reading "Veronika Decides to die" .





To Mama


written last May 17, 2006 04:51 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

To the best mom I ever had (LOL!):

Happy Birthday!
And Happy Mother's Day!


Wow double celebration!

-------------------------------

The Youth Ministry I am in had this mother's day project yesterday. They went from house to house of every member who wants their mom to be greeted for the mom's day. The whole group sang "Thanks to you" (by Tyler Collins) then gave a white rose. My mom was very surprised, and was very happy indeed.

Thanks to you, my friends.








PREx class 10


written last May 22, 2006 06:06 PM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

The Parish of the Holy Cross (in Makati) held its 10th class of Parish Renewal Experience (PREx) last weekend, May 19-21.

Since we, the class 9, is the sponsoring class (meaning, our batch leads the services given to the upcoming class.) The day before the seminar, we held a meeting at the church precinct. Everything went well for me, until we realized that we have one problem at the music ministry: no one will be there to play an instrument. So, with some hasitation, I asked Kuya Louie to lend me the copy of the songs (with chords) and I will try to practice overnight with keyboards. and IF, and ONLY IF I am confident enough to play, then I shall. For your information, I don't have musical keyboards that time, and I have to borrow one from a neighbor. So rightafter the meeting, I went home and borrowed that instrument and practice as much as I can. Unfortunately, I only mastered 2 songs. I haven't played an instrument for a while, and I got SO rusty.

Day 1, Friday night. Unfortunately, I was not very confident with the skills I acquired. So I didn't play anything for the seminar. So that day, I just helped around. When I have a moment, I practiced playing in a room just beside the seminar hall. Everything was well that night. The committee held a meeting after the seminar. Then the topic about the music ministry opened up, almost everybody placed their eyes on me... asking me to play on the next day. I promised to play on the next day. How anxious I was that moment! Then again, I practiced.

Day 2, Saturday.

First time experience. 'Twas 5:30am when I woke up. I've only slept for an hour, and my head aches because of that. I went straight to the nearest 7-11 to buy an energy drink and some breakfast; passed by the parish to get the Holy Oil I was assigned to get (for a ceremony later that day); Then I went to the seminar hall rightaway. I practiced for a little while and waited for the PREx to start. When the meeting started, we have to start by praying and singing "Come, Holy Spirit". And I got everything under control, fortunately (thank God!). My hands were shaky, and I was anxious. I wondered how long I could play. That was the first time I played a musical instrument in public. Today, I played thrice. Today was also the first time I played with a guitar with me, and a choir singing by my music. It was so overwhelming that there were moments I got lost in playing (fortunately, there was a guitar man playing with me hahaha) But I had to stop playing because I haven't practiced most of the other songs, especially the joyful ones.

Emotional. The participants were very emotional that day. Most of them cried in a cetain part of that seminar (while I play "Come, Holy Spirit" for the second time, continuously for more than 15 minutes.) Maybe they really felt the love of the Lord that moment. I almost cried, too...

Day 3, Sunday.

I never played that day! hahahaha! I felt so embarassed about yesterday that I couldn't play anymore. So I just volunteered with some works and services. Ate Cherry handed over a 500 Peso bill, and told me to buy anything we needed while she was away for a moment. Then the other members started asking me to buy some things like sugar, Milo, tissue, etc. I kept running forth and back from 4th floor. That was so tiresome!

Afternoon that day, the three of us (me, Ryan and Kate) had to leave the seminar to prepare some things for the return of the Y.E-rs (Youth Encounter). And then again, I had to run. I was running with Ryan to get some stuff at the church computer (Yes, we have a computer at the church!) using my flash disk. We roamed around to houses of the Youth Ministers to inform their family about an activity later.

Ryan was with me while I make a PowerPoint presentation. Then we went to Semper Fidelis daycare center where everyone was waiting.

Wait. I am tired now so I will have to cut this short. Anyway, my brother, Jermaine, did really helped me a lot that day.




Thank God. On those 3 days, God touched the hearts of more people through Parish Renewal Experience and Youth Encounter. Hopefully, Monsi (Monsignor Dennis Odiver) provide more formations like these.








On The DaVinci Code movie


written last May 22, 2006 06:10 PM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Last Sunday night, on the same night when the PREx class 10 and Youth Encounter batch 4 graduated, some of the Youth Ministers went out for a movie.

Me, Sandie, Ronie, Fel, Madz, and Ciara went to The Power Plant to see The DaVinci Code.

The movie was a little disturbing, but not enough to shaken up my faith. But I must say Dan Brown really did his homework. It is not as much threatening to the Catholic faith as like how some people assumed (Maybe because the details from the book have been "softened up" a little to evade criticisms).

It's only fictional anyway.



It was fun to know more about these guys. Di naman kasi talaga ako ganoon ka-close sa kanila. And I found this moment a good chance to bond with them. Great people.








Kagabi


written last May 23, 2006 02:36 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Nakasama ko si Tere kahit sandali lang kagabi. Kwentuhan lang kami habang nag-iikot sa Ayala, Makati.

Na miss ko lang tong babaeng ito. Sana ay tuluyan ka nang maging matatag.

Sa gitna ng kwentuhan namin, naalala ko ulit ang mga kaibigan ko sa #weareanime. Nakaka-miss sila. Kaso di ko na alam kung paano sila hahagilapin. Siguro bisita na lang ako sa Sugoi! mamaya.









written last May 25, 2006 05:44 AM .
Posted by solitude12 | 1 commented .

Thank you Lord, for giving me a chance to meet a nice person like Nix.

Happy birthday, my dear friend.








Pahinga


written last May 29, 2006 01:22 PM .
Posted by solitude12 | 1 commented .

Mamaya lang ay punta muna ako sa aking mahal na Batangas. Yahoo~! Hindi ko na kasi maalala kung kailan ako huling nakauwi sa aking probinsya.

Tamang tama, kakauwi lang rin ng aking Tito Eddie, siya ang sagot sa akin dun hehe. Bibigyan nya rin ako ng printer. Iba talaga pag nandun si Tito Ed.
---------------------------

Pahinga muna ako ngayong mga susunod na araw. Kasi naman nakakapagod ang ginawa ko nung nakaraang linggo. Biruin nyo, ilang araw ako puyatan, gumagawa ng flash animation para sa aking Ministry. Actually, hindi yung animation ang talagang mahirap, ngunit yung pag-iisip ng concept.

Pero mahirap man ang ginawa ko, sobrang daming bagay kong natutunan na bagong bagay [sa Flash] sa paggawa ko nito. I am thankful for that. Nakakatuwa, na-appreciate naman ng mga tao ang ginawa ko, lalo na ang Ministry. Anything for God and the Youth Ministry...

Ang flash animation ko ay pinalabas every bago matapos ang mass sa aming local parish [Parish of the Holy Cross] sa Makati.

Nakakatawa, pagkatapos ko i-present yun, daming gusto magpa-tutor ng Flash sa kin. LOL
---------------------------

Hi Cae! I missed you too. Tama na kaka-Ragnarok! Nakakasira ng buhay yan! /gg
---------------------------

Wala na kong contact kay Kim these past few days. Ano na kaya nangyari dun? :
---------------------------

Dear Lord, thank you for hearing my prayers... Thanks for everything!







 
image image image
image image