Entries for June, 2006
Kamusta na? Ilang araw rin ako hindi nakapag-blog. Nung Lunes kasi, tulad ng sinabi ko noong huling entry, nagpunta ako sa Batangas. At kahapon lang ako nakauwi. Anong meron Batangas? Nakipag-bonding ako pamilya ng aking Tito Eddie. Bihira ko lang kasi ito makasama. Sa Jeddah [Saudi Arabia] kasi sya nagtatrabaho, kaya sinamantala ko habang nandito sya. Nakarating ako ng Lunes ng hapon doon. Nakakatuwa, may 2 pamilya na gustong kumupkop sa akin habang naroon ako. Kalimitan kasi, doon ako sa bahay ni Nanay Ilang tumitigil. Pero gusto ko maiba naman ngayon. Doon ako sa bahay ni Tito Eddie. At isa pa, isa sa mga dahilan kaya naroon ako ay dahil kailangan ko ayusin ang computer nila. Grabe tumaba ako lalo dun. Paano ba naman puro kain ang nangyari. Noong Martes at Miyerkules, may mga pinuntahan kaming piyestahan. Dami kong nakain. Tapos tuwing oras ng agahan, tanghalian o hapunan, nag-aagawan sa akin yung dalawang pamilya kung saan ako kakain. Laki ng problema ko noh? Natatawa na lang ako minsan. I am still blessed, kahit na nakukulitan ako sa dalawang pamilyang yun minsan. Nakakatawa nga minsan, nasa hapag na ako sa bahay ng Tito Eddie, biglang kakatok sa bintana itong si Nanay Ilang -- sasabihin ba namang, "Halika na nga rine [ri-ne] at tayo'y kakain na!" (bastusan bah?) Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa nangyaring iyon. Inisip ko na lang na I should be thankful. Nung Miyerkules ng Hapon nanood rin ako ng X-Men 3 sa Robinson's Lipa. First time ko makagala sa Lipa na mag-isa. Lagi kasi hindi ako nakakaalis ng Malvar pag nasa Batangas ako. Masayang karanansan yun! Ano pa nga ba... ayun. Dahil nga sa ako'y nanatili ng mas matagal sa bahay ng Tito Eddie, may mga bagay ako na nalaman at natutunan. At lalo kong mas nakilala ang bawat miyembro ng pamilya. Tulad nitong pinsan kong si Luigi [anak ni Tito Eddie], na masyadong mahilig maglaro at tamad mag aral ng batang ito (actually, he's only 11). Mahilig maglaro, pero nalaman ko na matalino ang batang ito. Ang daming alam. Nakakagulat, parang hindi normal sa tanda nya. Sana ma-develop ang study habits nya. Maganda ang potential nya. Nakipaglaro ako ng toys nya [mostly Lego]. Nung pumunta rin kami ng Robinson's, mahilig din sya sa video games. Sinasama rin namin sya ng isa ko pang pinsan na si Armin sa isang malapit na PC rental. Minsan isang umaga, ginising nya ako para mag almusal. Ayaw ko pa bumangon. Kumuha sya ng isang aklat sa bookshelf, at nakipag-kwentuhan sa akin tungkol sa hayop. Namangha lang ako sa mga alam nya. Kung mayroon man akong natutunan mula sa asawa ni Tito Ed, yun ay ang pagiging thankful siguro. Sa totoo lang eh kabaliktaran nun ang ipinakikita ni Tita Lorna. Pero mula sa kanya, natutunan ko na dapat maging mapagpasalamat tayo sa ating Panginoon kahit sa pinaka mumunting bagay na mayroon tayo. Hindi pala maganda yung araw-araw tayong nagrereklamo. Nakakairita. Less complaints, and more thanks. Si Tito Eddie, sya ay naging ama sa akin. Siya at si Tita Mely [kapatid nya] ang sumusuporta sa akin sa pag aaral simula pa noong ako'y nasa elementarya pa lamang hanggang sa ako'y makagraduate. Mula sa dalawang taong ito, natutunan ko ang tunay na kahulugan ng pagtutulungan sa pamilya. Bago ako umalis kahapon, inatake si Nanay Ilang ng High Blood pressure. Nakakaawa naman ang matanda. Ipinagdadasal ko na lang ang kalusugan nya. Medyo boring talaga ang buhay sa probinsya. Pero Masarap ang pakiramdam ko doon, tahimik. Parang wala akong problema. Kakain, tutulog, maglalaro. Parang bumalik ako sa pagkabata. Masasabi kong nakapahinga ako ng maayos nung bakasyong iyon. |
Yesterday, I was supposed to be doing a special memento for my prayer buddy, Ramil, until my bestfriend Kim called me up to ask me to go with her at the National Children's Hospital (because her close friend, Geanne, was admited there for Dengue fever). Of course I refused! I am so busy that moment; And later that night, I have to go to mass and I have to help Candy prepare for her birthday party. But I couldn't take it when she repeatedly pleaded to me, "Please? please? please?" I am always her guardian angel. The truth is, Geanne was sad and a little mad at Kim. That is because Kim haven't visited Geanne since she [Geanne] got admitted to the hospital. That is why Kim really wants me to take her to that place. Well for your information, my friend here has no sense of direction. I agreed, but on conditions of: she should be there at our meeting place early; and we should go home at 5pm. So later that afternoon, I came to MRT-Quezon Avenue station and waited for her. And I waited for her for two hours! I was so furious! I have sacrificed a lot of activities just for this spontaneous visit, but look at what has happened. When she came, I haven't spoke a word. We just walked and rode a cab going to the hospital. And even inside the taxi, I kept quiet. She kept pleading me to speak up. But eventually, I can't refuse her. I hugged her very tightly. She was in tears, and she kept saying sorry. "That's alright...", I told her. I missed this girl a lot. We arrived at the hospital and started to look for "room 22". But the security told us that they don't have a "Room 22" in that hospital. And we came to the conclusion that this is not the "National Children's Hospital" we are looking for! The guard told us that there are three National Children's Hospitals in Quezon City, and we are in the wrong place. They gave us the right direction. Good thing Geanne was already ok when we visited. Actually, she was released today. |
Nung isang araw ay nakikipag kwentuhan ako sa mga kabarkada ko. Napagkwentuhan namin yung kanta ng Kamikazee, yung Narda. At may narealize lang kami sa isang parte ng kanta, yung sa chorus ha. Tignan niyo mabuti: Awit na nananawagan Baka sakaling napakikinggan Pag ibig na palaisipan Sa kanta na lang idaraan... Nag-aabang sa langit.. Sa mga ulap sumisilip.. Sa likod ng mga tala.. Kahit sulyap lang darna....!!! Tignan nyo yung part na naka-bold. Pa-sulyap daw sa "likod ng mga tala". Nasaan ba ang "mga tala" ni Darna? Hmm... ![]() |
Ganun pa rin tulad ng dati. walang pagbabago. Sa aking pagtatapos ng pag-aaral, may mga bagong pagsubok akong kailangan harapin sa buhay. Noon, nung nasa kolehiyo pa ako, parang ang nasa-isip ko eh, "Siguro pag nakatapos na ako [ng pag-aaral], matatapos na rin karamihan ng problema ko sa buhay." Hay naku asa pa ko. Akala ko lang yun. Di ko namamalayan na kapagkatapos ko mag-aral ay haharap na ako sa mga totoong pag-subok sa buhay. Trabaho. Pero medyo malungkot lang ako lately. Well, about dun sa work na sinasabi ko noon na natanggap na ako... hindi na sila tumawag ulit. I don't know. Baka may nakuha silang mas magaling sa kin? Di ko alam eh. Pero ayoko nang tumawag sa kanila. Sa tingin ko kailangan ko na mag move on at maghanap ng trabaho ulit... Lovelife. Aaahh lovelife. Naisip ko lang na baka "pwede na" akong tumutok dito kahit papaano dahil SIGURO NAMAN may karapatan na ako. Ang ibig ko sabihin, kasi noon, parang sobrang baba ng self-confidence ko kasi wala akong maipagmalaki sa sarili ko. Pero ewan ko ba. Sa totoo lang hindi naman malaking problema ito, at least, para sa kin. Pero alam nyo, kagabi, bumili ako sa tindahan (ni Aling Nena?) at may nagasikaso sa aking isang magandang dalaga. Sa totoo lang ay matagal ko nang crush itong dalagang ito. Pero ewan ko ba, kanina kasi nung bumili ako ng mineral water, bigla syang nakangiting nagtanong, "Gusto mo ilagay ko sa plastic bag?" As in, grabe, ang ganda ng ngiti nya, at napangiti rin ako. Sabay naramdaman ko ulit yung pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdaman sa loob ng ilang buwan, yung ma-inlove. Pero alam nyo, pagka-alis ko sa tindahan ay nalungkot ako. Kasi natatakot ako na mangyari na naman yung ilang beses na nangyari sa kin. Yung kaibigan lang pala ang magiging turing sa akin. Ayoko na. Nakakasawa na. Nagmumukha lang akong kawawa. Iniiwasan ko rin naman na ma-inlove dun sa loob ng Church Ministry kung nasaan ako kasagpi ngayon. Doon kasi ay parang magkakapatid ang turingan namin sa isa't isa. At yun ang malungkot na bahagi doon. Hanggang doon lang. Ayokong matulad kay Catwoman, Batman, at Joker (uy blind item ba toh? hahaha!). ------------------------------- Maiba naman tayo. Dahil nga sa nakita na ng maraming tao ang aking talento sa computer animation (animation nga ba? korni nga ng ginawa ko e), nagsimulang magsilapitan ang ilang tao sa akin para sa iba't ibang bagay. Mga ilang tauhan sa simbahan. Ang isa ay may gustong ipagawang PowerPoint presentation na pagkahaba-haba at ako pa ata ang mag-scan ng litrato. Di ko alam kung tatanggapin ako ito sapagkat una sa lahat, wala naman akong scanner. Nung isang gabi naman, habang nag uusap ang aming grupo sa labas ng simbahan, nakausap ko si Bro. Jimmy (isang estudyanteng malapit nang magpari, ilang buwan na mula ngayon.) Tumabi sya sa grupo namin. Kinausap ko sya kasi walang kumakausap sa kanya. Hanggang sa nabanggit nya na, "OK yung mga presentations nyo nung nakaraan ah!" Aba syempre napangiti naman ako, ako ang gumawa eh. Pa-humble pa kong sinabi na, "Ako po ang gumawa nun!" Ang sinasabi po niyang mga presentation ay yung mga flash animation na advertisement namin para sa fund raising para sa Youth Encounter program. Napasabi naman tong si brader, "Ikaw ba? ABA! Ang galing talaga ng Holy Spirit! IKAW YUNG MATAGAL KO NANG HINAHANAP!" Ako naman ay napa-"OH MY GOD!" sa isip ko. Alam kong may gustong ipagawa sa akin ito, at di ako nagkamali. ------------------------------ Ito ay isang testimonial na ginawa ko para sa Friendster account ng Parish Youth Ministry. |
Pagkatapos ng pakikipiyesta ko sa Batangas nung nakaraan, heto na naman. Swimming sa Laguna kasama ang aking mga kaibigan sa Youth Ministry. Pero hindi ito isang Parish activity kundi isang lakad ng isang barkadahan lamang. Labing apat kaming nagpunta doon: ako, Jewelle, Clyde, Junie, Chah, Madz, Weng, Tony, Malou, Mike, Angie, Ryan, Rael, Ronie. Medyo konti lang kami kasi ayaw ng mga nakatataas na magsama ng mga minor (baka magkaproblema na naman kasi, tulad ng dati.) Kaya puro mga working o mga graduate na ang mga kasama. Naghintayan kami nung ika-10 ng gabi nung araw ng Linggo sa may 7-11, PRC. Medyo late n ako nakarating, pero ako ang unang dumating. May problema talaga sa tardiness ang mga taga-PYM. Nagdala ako ng 6 na kilong bigas bilang kontribusyon ko sa pagkain. Sina Madz at Rael ay nagdala ng 8 kilong Liempo (ow yes, 8-kilong pampa cholesterol!) Sumakay na kami ng ilang jeep, bus at van papuntang Love Spring, sa may Pansol, Laguna. Katabi ko si Malou sa mga biyahe at marami kaming kanya-kanyang kwento. Sa Pansol... Mga alas-dose na rin kami ng hating-gabi nakarating ng Pansol. Mabuti na lang at 24-hours bukas ang mga resort doon. Walang problema kahit anong oras ka dumating at maghanap ng malalanguyan. Ang Love Springs na napuntahan namin ay may 3 pool: may malamig na pool, may mainit, at may pambata. Hindi naman malalim, mga nasa 5 lang siguro ang pinakamalalim na bahagi. Ala-una na kami nakakain ng hapunan dahil kinailangan pa namin magluto ng kanin. Nilabas na ang mga liempo, at ang konting adobo. Masarap ang napagsaluhan namin, kasi marami kami, at kasama na ang kwentuhan. Bago pa lamang magkainan ay kami na ni Junie ang magkakwentuhan. Hanggang sa pagkatapos namin kumain, nauna na kami sa pool. Malamig ang unang pool na pinuntahan namin, kasi di pa napupuno ng tubig ang mainit. Nagkukwentuhan lang kami at naglalaro doon. Alas-tres na noon at biglang nagsi-sunuran ang iba, pero lang kay Tony at Malou na nahimbing na sa kanilang kama. Naligo kami at naglaro-laro hanggang umaga. Nakakatawa, buti naman *kahit papaano* ay nakakasabay ako sa mga laro nila (kahit na lagi akong talo dun sa isang laro namin hahahaha!) Pababaan daw ata ng I.Q. LOLz. Nakapag-isip sila ng mga parlor games sa pool. hehehe. Mula alas-dos ng madaling araw hanggang mga bandang alas-ocho ng umaga ay nakababad na kami sa pool. Medyo nagkakatamaran na nung umaga, puro pagod na e. Kumain na lang kami ng agahan... at syempre, ang walang kamatayang LIEMPO. Nung makatapos kami mag-agahan ay nag billiard na lang kami ni Junie habang ang iba ay nag videoke sa ibaba. Puro choir ba naman mga kasama ko eh. Actually, nung madaling araw pa lang e kantahan na ng kantahan ang mga yun kahit walang music (bawal daw kasi yung videoke at billiards sa gabi.) Mga alas-diyes na noon ng nagkatamaran na kami ni Junie kaka-billiard. Nakita namin si Clyde na lumalangoy na naman sa pool, syempre inggit kami. Dive na rin kami. Tapos sumunod na rin si Malou sa pool. Inggit rin. Nagkaroon kami ng konting pichur-pichur habang pinanonood kami ni Ate Jewelle. Pasado ala-una na kami nakaalis doon, at naglakad lang kami papalabas ng Pansol. Nung makarating na kami ng Makati, nag-stay lang kami sandali sa bahay ni Ryan para pagsaluhan yung tira-tira namin at Mais con Yelo. Ayun. Masaya naman ang summer namin. |
Nagkakatotoo yung hinihiling ko kay Lord noon, na sana ay magkaroon ako ng mas malalim na pagkakaibigan doon sa ministry. Ayaw ko kasi na maging ganoon kababaw lang ang pagkakakilanlan namin, kung may meeting lang. Isa-isa, unti-unti, nababasag ko ang pader na nakaharang na namamagitan sa amin. Sa bawat kabataang nakakausap ko ng masinsinan, may mga aral na natututunan ko; may mga sikretong nadidiskubrihan; mga nakaraang di malilimutan; mga pagkakaparehong hindi maitatanggi; mga pangarap na inaabot; mga papuri at mga sama ng loob sa isa't isa. Noong isang araw lang, may napasukan akong isang "talk" sa loob ng aming simbahan. Isang seminarista ang nagsasalita sa aming harapan. At nabanggit nya, noon daw kapag si Hesus ay nakikipag-bonding sa ilang tao, laging ang usapan nila ay nasa isang hapag-kainan. Kumakain sila habang sila ay nag-uusap. Kaya naisip nya na marahil importante talaga ang pagkain hindi lamang sa kapag tayo ay gutom, ngunit para na rin sa pakikipag-sosyalan. Salu-salo. At doon, nagulat ako sa sinabi nya kasi parang coincidence (coincidence nga ba?) yung nangyari na pakikibonding ko sa ilang mga tao. Nakilala ko ang ilang indibidwal sa aming grupo ng mas malalim habang noon kami'y kumakain. Tulad noong kay Adrian nung ilang lingo ang nakakaraan, kasalo ko sya sa McDo pagkatapos naming mag liwaliw sa Power Plant Mall. Doon ay marami kaming napag kwentuhan at nabuo ang tiwala nya sa akin. Si Ate Ems rin, ilang beses ko nang nakakasabay kumain sa 7-11, at nung isang araw nilibre nya ako sa KFC. Doon, mas lalo ko syang nakilala sa likod ng imahe nyang pagiging mataray. Si Ramil din nakasabay ko nang kumain sa 7-11. Sa aming pagsasalo ay marami akong nadiskubrihan sa kanya. Mas lalo ko syang nakilala. Kung ano ang mga hilig nya, mga hinaing nya. Kami naman ni Ate Jewelle kagabi ay nagusap sa kanyang munting tahanan. Hindi ko sya kasabay kumain ng hapunan, pero hinainan nya ako ng juice at brownies (nakapag-hapunan na kasi ako). Natuwa ako sa mga kwento nya. Pareho kaming may mga hindi masasayang pinagdaanan sa buhay, pero sa awa ng Diyos ay eto, buhay pa naman kami. Napaka laking pasasalamat ko na lang at pinagkakatiwalaan ako ng ilang mga taong ito. Hindi dito nagtatapos ang lahat, isang araw ay mas marami pa akong makikilala at maraming, mas malalim ko pang makikilala ang bawat taong iyan. -------------------------------------- Prankahan Noong nagsuswimming ako sa pool noong Lunes ng umaga kasama si Clyde at Junie, napatungo ang aming usapan sa pakikipag prankahan sa kaibigan. Tinanong ko sila, "Kayo ba, anong hindi kanais-nais na ugali ko ang ayaw nyo sa akin? Hindi ako magagalit." Sabi ni Clyde, "Wala naman. Siguro masyado kang mabait. Ayaw ko ng ganun." "Nagulat ako kanina kung paano ka magsalita doon sa ale kanina..." ani ni Junie. Nung umaga kasing iyon, nung mag bibilyar kami, ang tagal bago makuha ang bola. Napataas ata yung boses ko. Yung sinabi ni Clyde, hindi lang sya yung unang nagsabi nun sa akin. Naalala ko, noon, yan din ang sinabi sa akin ng dalawang matalik ko na kaibigan na sina Kim at Dainty. Sa totoo lang, nung sinabi nila yun, pakiramdam ko ay parang napaka-plastik ko na tao. Parang hindi ko ata naipapakita yung totoong ako. Ewan ko ba. Kasi sa totoo lang, pakiramdam ko parang masama akong kapatid at anak. Malaki ang pagkukulang ko sa pamilya ko. Pero iba ang nakikita ng ibang tao sa kin. Ewan ko ba. |
Rant entry lang. And stuff. ------------------------------ Ayun. Mahirap pa rin maghanap ng trabaho. Salamat sa mga nagdadasal sa akin. Naniniwala ako na isang araw makakakita rin ako ng trabaho ng para sa akin. I've just received a news earlier. May work na rin yung younger brother ko. Mabuti naman at makakatulong na rin sya sa pamilya. Aaminin ko medyo insecured ako hehehe. Buti pa sya. Nakakatawa nga kasi, tignan nyo ha. Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay, lalaki ang sumunod sa akin, at babae ang bunso. Isang taon lang ang tanda namin sa isa't isa. Ang unang nakagraduate at nakapag-trabaho yung bunso. Ngayong taon lang kami nakagraduate ng brother ko. March sya nag graduate, ako May. Siya ang nauna mag graduate sa akin. Siya rin nauna mag work ngayon. Pabaliktad kami ano po? hehehe. Something must be really wrong with me. Apply ulit. May God help me. ------------------------------ Binisita ko si Cindy kahapon sa kanilang bahay. Isang surpresa ang pagbisita ko kasi nabigla lang ako sa balita ni Kim sa akin nung hapon ng araw na iyon. Kaya dali-dali naman akong nagpunta. Hindi ko alam matagal na palang may sakit ang kaibigan kong ito. Kinamusta ko lang sya at nilibre ko sa McDo. There were lots of things to catch up. Syempre wala naman akong kasalanan doon. Pero naisip ko lang na sa dami ng kaibigan ko ngayon, napapabayaan ko na yung iba. Sabi nga ni Kim dati, "Mahirap rin ang maraming kaibigan..." ------------------------------ Ano pa ba. Kanina, pagkaraan ng pagkikita namin ni Cindy, dumaan ako ulit sa Semper Fidelis School. Si Rose lang ang nadaanan ko kasi nag uwian na ang iba. Ayun. Sinamahan ko na lang sya dun hanggang gabi na habang nagtatrabaho sya. Mababaliw na ata ang babaeng yun kakaisip ng kung anu ano hehehe. ------------------------------ |
Sa loob ng 4 na linggo, nagpapabalik-balik ako sa Batangas, ang aking probinsya. Sa tanan ng buhay ko, ngayon ko lang nagawang halos linggo-linggo naroroon ako. At ngayon ko lang nagawa na magpunta sa dentista ng 3 beses sa loob ng 1 taon (minsan kasi 1 lang, o hindi na.) Maraming nagtatanong: "Bakit ka ba lagi naroon?" Sabi ko na lang sa kanila, "Kasi magpapadentista ako..." "Ang LAYO naman ng dentista mo!", sabi nila. Ang sagot ko sa kanila, "MAGAGANDA kasi ng mga dentista dun." Wahahaha! Uy totoo yun ha. Crush na crush ko mga dentista dun sa clinic na pinupuntahan ko. Sa ganda ng mga dentista dun ay hinahayaan ko na lang na barenahin nila ng malalim ang mga ngipin ko. Sige kahit matagal session namin ok lang. Wahahaha! Walang sakit-sakit (masokista bah? hahaha). Nung unang session ko, nagpalinis ako ng ngipin at checkup na rin. Sumunod yung pangalawa, pinastahan 3 ngipin. Pagkatapos yung huli, 4 na ngipin. Pero kidding aside, kaya ako dun nagpapadentista kasi nandun yung financier ko. At hindi SUGAR MAMA ha. TITO ko At karagdagan na rin yung mga dalagang dentista. Hindi masama humanga sa ganda ha *defensive defensive*.-------------------------------- Habang nasa Batangas ako kahapon, natanggap ako ng ilang sermon at words of encouragement mula sa aking Tito Eddie tungkol sa paghahanap ng trabaho. Marami kasing issue kung bakit siguro di ako makakuha ng trabaho. Siguro nga may kakulangan ako. Marahil masyadong mahina nga ang loob ko. Haay buhay. San kaya ako pupulutin?-------------------------------- Hala. Dumadaan ako ngayon sa spiritual drought. Eto na yung sinasabi ni Mr. Rick Warren sa The Purpose-Driven Life. Ito yung panahon na kahit magdasal ka ng magdasal, parang di mo na maramdaman yung presence ni Lord. Yung mga panahon na "nakakalimot" ka. Mga panahon na pinaliligiran ka ng mas matitinding mga tukso at pagsubok. Pakiramdam ko na nag-iisa ako. Aaminin ko medyo sumablay na ako sa ilang mga tukso. Nawawalan ako ng pag-asa na magagawa ko ang mga dapat kong gawin. Nakakalungkot. Pag-iisipan ko muna kung ano ang mga dapat kong gawin. |
Sabi ni Tito Eddie, ang kalamangan lang daw nung mga experienced sa kin ay mas malakas ang loob nila. Kung tutuusin daw ay sapat daw yung mga nalalaman ko para magsimula sa isang trabaho. Ang iba pang mga bagay ay matutunan na lang kapag naroon na ka na. Pero bakit hindi ko maramdaman na sapat nga ang mga nalalaman ko? Gusto kong matuto pa ng ibang bagay. Kasi naman... nakakafraustrate lang kapag nag-aapply ako. Kailangan may experience na o kaya may mga kakayahan na hindi ko naman kaya (tulad ng iba pang programming skills o sa web developement.) Ayoko ng ganito. Naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ang bobo ko. Inutil. Nag-seself pity na naman ako. Bumabalik na naman yung nararamdaman ko noong ginagawa ko ang thesis ko dati... ![]() Anyway, salamat Tito Eddie sa lahat. At alam ko, na kailangan ko pagdaanan itong pagsubok na 'to. Mas magiging matatag ako pag nalagpasan ko ito. Pero... nakakalungkot lang talaga. |
wahahaha amboring ng weekend ko grabe. Kahapon... nag aral lang ako ng Flash ulit. Tapos nagpunta lang ako sa Semper Fidelis at tumambay lang. Then sumama ako sa Lakbay Dalangin ng Youth Ministry. Ngayon namang araw na to wala pa kong nagagawang fruitful. Zzzz...![]() Wala rin naman akong pera para maglakwartsa o ano. Tapos bukas Job Hunt and aral ulit. What a life. I really need a job. Wala na rin akong masyadong pera, and I'm tired of bumming around.--------------------------------- I'm not sure what's going on but I feel I'm loosing my drive again. That drive to go on. OK na dati eh. But I don't know, something must be wrong with me... --------------------------------- I think it's time to change my layout. Naisip ko lang hehe. At susubukan kong gamitin yung mga natutunan ko sa Flash. Pero di pa rin ako ganun kagaling. Wala sana tumawa hehehe. |
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaHHHH!! |
Noong Lunes, binisita ko ang dalawa sa aking matalik na kaibigan, sina Kim at Dainty. Si Kim ay ilang araw na namamalagi sa bahay ni Dainty, nag istokwa ang bruha. May problema sa pamilya ang babaeng ito. Kaya hayun sya, nagpapalipas ng sama ng loob. Dapat nung Linggo pa ko pupunta, kaso medyo gabi na nung nasabihan ako. Ayaw ko naman lumakad ng malayo ng gabi (pwera lang kung yung nightly muni-muni ko). Ayun nga, mga alas singko na ako nakaalis ng bahay. Napakadilim na ng kalangitan nung umalis ako ng bahay, pero nakalimutan ko pa rin magdala ng payong. Dumerecho papuntang MRT-Guadalupe station. Kailangan ko kasi bumaba ng Cubao station upang makarating sa aking paroroonan. Buti na lang at umulan na habang nakasakay ako sa tren. Naalala ko na nagbilin pa ng Shawarma ang dalawang yun. Kaya bumili ako dun sa suking tindahan ko ng Shawarma pagbaba ko ng Cubao station. Masaya kaming nagkakita-kita. Ilang buwan ko rin di nakita si Kim at Dainty. Medyo emosyonal ang pagkikitang ito, kasi naman may kanya-kanyang mabibigat na suliranin kami. Pero parang nawalang sandali ang sa akin kasi naramdaman ko na mas mabigat ang dinadala ni Kim kung ikokompara sa akin. Nagpapasalamat na lang ako at nagkakita-kita kami. Kahit papaano napagaan nila ang problema ko. Yun nga lang... [pasintabi po sa mga kumakain ngayon habang nagbabasa ng blog ko] Habang nasa kwarto ako kausap si Kim, pumasok si Dainty sa kwarto na may masamang balita... nahulog daw yung sabon sa inidoro habang sya ay dumudumi. Pero na flush na naman nya yung ebs. Sabi ko sa kanya, "Hala! Wag mong i-flush yun, baka bumara! Sige ka, baka mapuno yung bowl..." Napatingin sya sa kin... parang alam ko na ang ibig nya sabihin... Napatanong naman ako, "Hoy, hoy! Bisita ako dito ha!" Pero dun din nauwi ang lahat... dinukot ko yung sabon sa inidoro. At maya-maya pa'y pabiro niyang sinabi na, "Ayan napatunayan mo nang tunay kitang kaibigan!" Sabay tawa amp. ----------------------------- Sa totoo lang, medyo matagal na ring panahon na wala man lang ako mapagsabihan ng problema eh. Ewan ko ba. Kung kilala ninyo ako, hindi ako kasi basta basta nagpapakita ng problema kung kani-kanino. Hindi rin ako nagpapakita na problematic sa harap ng mga tao. Kaya naman lahat ng problema ko, dito ko na lang sinusulat sa aking mahal na blog. Siguro matagal na kong baliw kung wala ang blog na to. ----------------------------- Give me rest, my Lord. On your shoulders, I want to confide. Help me seek only you, and you alone. Help me to be strong enough to help myself.Hirap na hirap na ko, Lord... pero naniniwala akong matutulungan mo ako, sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa akin at mga pagsubok na dinadaanan ko ngayon. Amen. |
Wahahaha. Bored lang. 170 lbs na ko! Wahahaha! The last time I scaled (that was last month) I was 175 lbs. But I can't feel my progress though >.< I was 200, December last year. Taba ko LOL. Walang pakielamanan taba ko toh! Dagdag na lang ako mamaya pag may nangyari na sa buhay kong boring. It's nice to hear "Asterisk" - Bleach OST . |
Balik sa bahay. Galing kasi ako kina Tita Mel, mga 2 araw ako roon. Back to reality. ------------------------- Naisip ko lang dumaan sa Semper Fidelis kanina. Syempre, kausap ko na naman syempre ang mga tao roon. Tapos ay dumating si Kate at Ate Gail para gumawa ng invitation nila para sa next Prayer Party ng Youth Ministry. Oh yeah. Marami-raming invitations yun. Umaabot na kami ng mahigit-kumulang animnapu. ------------------------- ![]() I feel so empty right now. I am like an empty road, going nowhere. I feel SO empty that sometimes I wish to die. ------------------------- Isa-isa ako ngayon nakikipagkitang muli sa mga dati kong kaibigan. Sabi nga sa The Purpose-Driven-Life, "Relationships are always worth restoring." Sa tagal ng hindi namin pagkikita, napatunayan ko naman na hindi nawala ang pagkakaibigan. Mamaya, manonood kami ni Roy ng Superman sa Glorietta. Pag may extra pang pera, pati Scary Movie 4 na rin. Anytime this week, I'm planning to see the Hong sisters again. Sana naman kompleto sila pag pumunta ako. ------------------------- |
TAG me!

Sumunod yung pangalawa, pinastahan 3 ngipin. Pagkatapos yung huli, 4 na ngipin.
At karagdagan na rin yung mga dalagang dentista.
Hindi masama humanga sa ganda ha *defensive defensive*.
Habang nasa Batangas ako kahapon, natanggap ako ng ilang sermon at words of encouragement mula sa aking Tito Eddie tungkol sa paghahanap ng trabaho. Marami kasing issue kung bakit siguro di ako makakuha ng trabaho. Siguro nga may kakulangan ako. Marahil masyadong mahina nga ang loob ko. Haay buhay. San kaya ako pupulutin?
Kahapon... nag aral lang ako ng Flash ulit. Tapos nagpunta lang ako sa Semper Fidelis at tumambay lang. Then sumama ako sa Lakbay Dalangin ng Youth Ministry. Ngayon namang araw na to wala pa kong nagagawang fruitful. Zzzz...
I really need a job. Wala na rin akong masyadong pera, and I'm tired of bumming around.




Give me rest, my Lord. On your shoulders, I want to confide. Help me seek only you, and you alone. Help me to be strong enough to help myself.