Entries for August, 2006
OZINE '06. Last Sunday, I was a volunteer marshal for the event, Otaku ZINE '06. It was a big anime event held just for otakus out there. It's main feature is the National Cosplay Competition which was competed by 99 awesome-looking cosplayers from all throughout the country. Anyway, I was assigned as one of the head marshals for the on-site voting for cosplayers. I was with my friend Dan. We handled a the group composed of young volunteers from De La Salle University. The said university has a group called NKK (Nihon Kenkyu Kai) or the Japan Studies Society which aims to promote better understanding and mutual cooperation between Filipinos and Japanese. The NKK from my group are really nice guys. Mark, Lea, Evelyn, Gj and i forgot the others hehehe. Funny moment. When I arrived in my area, my group is already there, busy cutting out ballots for the cosplay votation. Henry introduced me to them. As we went on with our work, I started a conversation to know them better. I asked them their names, ages, courses, school, etc. Then Evelyn asked me "Where do you study?". I told her, "I'm already a graduate." She took a quick look at my face. Then she said, "Really? You look young." I just smiled and replied, "It's not the first time somebody told me that." Nakssss. wahahaha. Seriously. When I ask strangers how old I am, they always tell me I'm only about 19-21. Winners. Well of course, on big events like that you will always see Alodia, the prettiest cosplayer there is so far. But unfortunately she didn't win the grad prize this year, but somebody named Gilbert, who wore a costume of Power Rangers: Dino Thunder. He made good poses and moves at the stage, and his costume really stood out from others. No wonder he won. ----------------------------------- Aiza's 18th birthday. It's was Aiza's birthday party at the same day. When we got finished on our job as marshals, I raced up to join my fellow ministers at the party. Good thing my prayer bud, Myra, have been texting me their location, because I really have no idea where it was being held. But surprisingly, it was just near my home. When I got there, I was surprised to see that she was holding the party in front of a house of somebody I know... and questions came popping out from my mind. It was in front of Tito Ed's (a close friend of my father) house. Aiza was pleased to see me. She took my hand and led me inside the house. Inside was her mom, uncle, and some cousins. She introduced me to them and when we were alone, I asked her, "Are you related to Tito Ed?" She replied, "He's my uncle!" Whoa. So I introduced my self to Aiza's family as the son of Jun. They were happy to see me again. They know me when I was still a little child way back then. Aiza told me, "Kaya siguro naging close ako sa 'yo agad..." ![]() |
Yesterday, I had a job interview @ Apollo Global Inc. I did a walk-in application because it was just walking distance from my home. I applied as a network engineer. Everything went well so far. But I will have my second interview with the BOSSES (Yes, there are 2 of them) on Wednesday. I really, really want this job because of the location and the kind of work I would be doing. God help me. |
Lawyer-phobic. 4pm. An old female lawyer interviewed me for the position of Network Engineer, just a walking distance away from my home. And I thought what I have been hearing about lawyers are just rumors. But was wrong. By the way, I forgot to mention that this old woman is a part-owner of that company I was applying at. Anyway, even at the start of the interview, I've already felt something different about everything. How she greeted me, how she talks, the questionings. Basically, this is a totally brand new experience. This is the first time I have ever talked to a lawyer. I swear. And it was a very fraustrating experience. She would always give me a question, then I've been trying to answer every one of them. But for some reason, she would always try to find a loophole on my answers and throw it back to me as follow-up questions and it goes on and on until I can't already answer. I don't think I want to elaborate more of what happened earlier. While she bashes me with sarcasms and combos of questions, I started to doubt myself as I just listen to what she was saying. Then the sarcasms started to feel like insults to me. I felt like crying that moment. But I didn't, of course! She was more terrifying than my thesis committee. In fairness, I have learned a lot from this experience. But I don't think I would want to see, nor talk to another lawyer again. Except if he/she will defend me, of course. --------------------------------- Crying out of fraustration. WHEN I GOT HOME, I just went to the kitchen and ate my dinner quietly. Too quiet indeed. My mom was asking how was the interview, but I couldn't answer. I felt that I would burst out if I do. So I just finished my dinner and went out of the house to take a walk, looking for someone who might probably interested listening to me. A friend. I even passed by a friend's house, pretending that I was just collecting the letters for Kris, while talking them with a smiling face. Then I went to the church. I just sitted somewhere outside near the gates, and started to pray. I really felt fraustrated and I wanted to cry. I wished that there's somebody outthere who I can talk with. I felt that if someone would talk to me, I will burst out in tears. Unexpected. I just prayed that moment, and took out my celphone pretending that I'm doing something. But someone from outside the gate called me, "Kuya Benj! Anong ginagawa mo jan?" It was Malou. I answered jokingly (with teary eyes), "Nagsesenti!" I couldn't help it. I cried. She saw what happened, and rushed beside me. She just talked to me, and successfully diverted my attention away from my fraustrations. Thanks, Malou. ----------------------------------- Just a comment on my last entry: I really, really want this job because of the location and the kind of work I would be doing.Yes, I could have loved that work but if I would have a boss like that, I don't know. Maybe it's a blessing in disguise that I didn't get hired in that company. Anyway, it's against morality (I think) to serve a company that promotes gambling. ----------------------------------- I don't know what's gonna happen next. But I will go on. Tomorrow, I shall wear a mask that smiles and laughs. It's nice to hear "Still" by Hillsongs . |
Kahapon. Dumating ako sa semper ng bandang alas-kwatro na ng hapon dahil nagpatawag ng meeting si Ate Ems para sa nalalapit na Prayer Party sa Sabado. Natapos naman agad ang meeting namin, at tumambay lang ako muna habang walang ginagawa. Biglang sumulpot si Kris sa labas ng Semper Fidelis. Agad ko naman binuksan ang salamin na pintuan at pinapasok sya. Kagagaling lang raw nya sa McDo, kung saan sya nagtrabaho. Nakipagkwentuhan lang naman sya. At napansin ko na namumugto ang kanyang mga mata. Halatang umiyak sya o gusto na umiyak. Nabanggit nya na may mga sulat syang natanggap mula sa mga kasama nya sa Mcdo. Kaya ganun. Nabanggit rin nya kay Ate Ems na papunta sya mamaya ng St. Jude Church para magnobena. Pang-siyam na Huwebes na raw nya yun, kaya kailangan talaga nyang makapunta. Kaya naman naisip rin ni Ate Ems na sumama. Nagsi-alisan na kami sa eskwelahan, at nagsi-kanya-kanyang direksyon. Umuwi muna ako at inayos ko na ang mga dapat ayusin. Dumaan muna ako sa ilang youth ministers para kunin ang sulat nila para kay Kris, kung meron man. Dumaan muna ako kay Ate Gail. Ganda ng gift nya. Tapos dumaan ako kina Abet, Kate, Emil. Bumalik ako ng Semper pagkatapos noon, pero sarado na pala sila. Kaya dumerecho na lang ako sa simbahan para abangan ang iba. Ang Bible study. Bow. May gawain kasi dapat nung gabing yun. Ang unang Bible study dapat. Pero di naman dumating yung speaker, at pito lang kaming dumating. Tama nga yung nabasa kong article sa isang website, na karamihan ng miyembro sa isang Youth Ministry ay aktibo lamang pag may mga hangout-hangout o masasayang gawain. Pero pag tungkol na sa salita ng Diyos, nagkakatamaran na. Sana naintindihan nila na sumali sila sa ministry ay dahil sa Diyos, at hindi lang sa pakikipagbarkada. Kaya naman di na natuloy. Wala ang speaker, wala rin ang mga makikinig. Astig talaga ang Kura namin. Kantyawan en ebriting. Kaya naman tumambay na lang kami sa labas ng simbahan, hinihintay ang kung sino mang darating para sa mga bye-bye letters. Habang wala pa akong ginagawa ay naisip ko na hingian ng sulat ang aming kura na si Msgr. Dennis. At malugod naman nyang tinanggap ang kapirasong papel na inaabot ko sa kanya para sulatan ng liham. Pati na rin ang ibang kabataan ng PYM ay pinasulat ko na sa papel na dala ko. OVER daw. Nang makita nila ang ibibigay ko kay Kris, nagsimula na ang kantyawan. Alam ko na mangyayari to. Pagkagastusan ko ba naman ang isang regalo para sa isang babae na limang buwan ko pa lang kilala. Siyempre anong iisipin nila di ba? Si Malou naman ay nagbigay ng isang regalo na may malaking kahon. Ang iba, mga sulat. Si buddy Myra, isang drawing. Kay Ate gail isang figurine. Kanya-kanyang gimik. Pero sa tingin ko, nasobrahan ata ang ginawa ko. As in OVER. Pinagkagastusan ko ang mahigit 70 na litrato, na isinilid sa isang mumurahing album, nilagyan ng mga disenyo at komento ang mga larawan, nilagay ko sa isang magandang kahon na nabibili sa mall. At nang mabanggit ko sa iba na napasulat ko si Monsignor ng sulat, nagulat ang lahat sa akin. Kasi (makapal ata ang mukha ko) hindi naman nagsusulat ng ganun si Monsi para sa mga leaders ng Youth Ministry, tapos ako napasulat ko sya ng ganun. Hehehe. Ewan ko ba. Pero la lang. Nahiya ako. Although alam kong binibiro lang nila ako. Sa pagbibigay ko ng ganoong klase ng regalo, marami nang miyembro ng Ministry ang gusto na umalis... ...para bigyan ko rin sila ng ganun. Amp. At nagpatuloy pa ang kantiyawan. Hanggang sa dumating si Kris at ibinigay na namin ang mga regalo't sulat. Nalaman namin na mga alas-dos ng madaling-araw ang alis nya. Natakot naman kami para sa kanya kasi masyadong gabi na. Naka ngiting-asong sinabi ni Ate Jhet na samahan ko raw si Kris sa paghatid. Hehehe. Ayan na naman. Nag bubungisngisan na naman ang mga tao sa paligid. Tumanggi ako... kahit sa totoo lang gusto ko hehe. Nung naguwian na kami, tinext ko agad sya na sasamahan ko sya mamaya sa isang bus terminal sa Cubao patungong La Union. Alas-Diyes na. Naghintay lang ako ng ilang oras nun at ang usapan namin sa text ay pupuntahan ko sya ng ala-una sa bahay ng bespren nyang si Gladys, kung saan sya tumutuloy. Ala-una ng madaling araw. Kinalaunan, tumungo na ako kung nasaan sina Gladys. Naroroon sila sa may isang computer shop upang tignan ang laman ng cd na kasama ng binigay ko. Mga pictures at video ang laman noon. At pinakita ko sa kanila. Dumating ang ilan sa mga kasama nya sa McDo upang magpaalam. Napansin ko na lang na naluluha na sya habang kausap ang mga yaon. Tapos ay kunuha na namin ang kanyang malalaking bagahe sa loob ng bahay at pumara ng taxi. Nakipagkwentuhan muna ako habang nasa bus. Nagtanong ako mula sa kung anong laman ng kanyang mabibigat na bagahe, hanggang sa kung anong mga balak nya sa pag-uwi nya. Sa bus station. Nakalimutan ko na kung anong bus station yun, pero basta sa Cubao. Medyo naghintay muna kami ng konti. Sa huling pagkakataon, habang naghihintay ay nag-usap muna kami. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, nganit masaya rin sya sapagkat makikita na nya ulit ang kanyang pamilya. Salamat sa pagkakaibigan, Kris. Salamat sa halos limang buwan pa lang na pakikisama. Salamat sa pagbibigay ng oras para magsilbi sa Panginoon. Kung san ka man papunta ngayon, magiging kasama ka pa rin lagi sa aming mga panalangin. |
I survived the Prayer Party! wahehehe Nung sabado, isa kasi ako sa mga nag-officiate ng aming ika-7 Prayer Party. Although wala naman talaga akong ginawa masyadong officiating naginawa, I worked at the back. Hinayaan ko na lang sina Ate Ems, Clyde at Kate ang mag-officiate. Pero kahit na papaano na nagsalita naman ako sa harap ng mga tao... habang suot ang maskara na ginawa ko pa mula sa paper maché. At oo nga pala, wala nang pondo ang youth ministry. Kaya naman napag-usapan naming mga officials na mangutang mula sa aming fund... at ngayon ay may utang kaming tig-500 pesos bawat isa. Biruin mo nga naman ano, wala pa akong trabaho at pera, may utang pa. Di bale na, mas maraming matututong kabataan naman eh. Magpo-provide si Lord ng kailangan namin. Brand new experience. Matrabaho pala mag-organize ng isang event. Talagang marami akong bagay na ngayon ko lang nagawa sa buhay ko: tulad ng pag o-oficiate ng isang event, ang magluto ng jellatine para sa aming samalamig, magluto ng arnibal, at ang gumawa ng paper maché. Astig talaga ang araw na yun. Kahit na inantok ako sa lamig ng aircon at puyat, maayos naman namin nairaos. Magaling rin kasi ang speaker na na-hire namin, si Kuya Sandy. Maayos nyang nai-konek yung theme namin na Masquerade Party sa buhay-Kristiyano. Buti kamo maraming nag-attend, binayaran kasi namin si Kuya Sandy para magsalita sa aming event. hehe. Sayang naman kung konti dadalo di ba? At ang nakakatuwa pa ay may mga mukhang nagbalik tulad ni Kristel at Gladys na matagal na ring nawala dahil sa trabaho. Low Budget. Kunchinta, sapin-sapin, at samalamig lang ang aming pagkain dahil nga wala na talaga kaming pondo. Hindi tulad noong mga nakaraang prayer parties na talaga nga namang bongga mula sa invitations pa lang, hanggang sa pagkain, at give-aways. Nagkataon talaga na wala na kaming supporta na hinihingi sa simbahan, at bahala na kami sa ministry namin. Kaya umaasa na lang kami sa aming monthly donations. Kung papayagan kami ng simbahan, makakapag-fund raising campaign kami. Kaso sa ngayon, walang-wala talaga kami. Kaya naman kahit na sa katipiran ng event namin, dinaan na lang namin sa galing ng Speaker. |
I HAVE A JOB!!!! Thank you Lord. I'll talk about this later. I'm still at work. LOL. I started @ 12 midnight. And I still can't believe that I got the job just like what I want it to be... Updated: 8/13/2006 2:26pm ------------- -------------------------------------------------- I am still overwhelmed with this job. It's seemed too perfect. Hehe. This is the job that I would probably love. Last April 10, I went through an interview with the president of the *bleep* company. Biruin mo nga naman, first interview, presidente agad. Astig di bah? After the interview, she didn't mention that I was hired or not. When I got home, the company's secretary and their consultant kept SMS'ing me for updates. They told me that they would *probably* call me again after a month. A month passed by. The updates from text messages stopped, and I grew impatient. So I started looking for work on other office establishes, mostly in Makati. I tried call centers & IT companies. I tried my luck at jobfairs. But unfortunately, none of them gave me a chance. Lots of people gave me encourangement on those times when I was losing hope. Many have told me that God may have other plans for me. A job that is well-suited for me. And they are right. Here I am, working for a company where I would *probably* stay for the next 5 to 10 years. |
Maraming nagtatanong sa akin kung bakit mukhang masaya ako sa bagong trabaho ko. Bakit nga ba? Anong meron dun? Ganito po kasi iyon... Isa ako sa pioneers ng tanggapang iyon. At ako ang pinaka-unang empleyado nila. Nakakatawa di ba? Sobrang pioneer ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganun. Bukod sa boss kong Amerikano (at asawa nyang pinay na nasa US ngayon) at sa seksing sekretarya nya, may isa pa kaming kasamang web designer. Naunang magtrabaho sa akin yung isang webdesigner, pero ako, April pa lang, hired na ako. Noong isang araw, naikwento sa akin ni Nathalie (da secretary), na noong malapit na nila buksan ang opisina, naalala ako agad ng aking boss at agad ipinahanap ang telephone number ko. Buti na lang di pa binubura ni Nath ang cel number ko sa telepono nya. Cool ang aking boss. CHARLIE ang tawag namin sa kanya. Isa syang Amerikanong Hudyo (Yes, a Jew.) Hindi sya puti. Parang nagmula sya sa lahing taga-Middle east. May asawa syang Pinay, at yung babae talaga ang presidente ng companya. Maganda ang pakikitungo sa amin. Nakikipag-apir pa nga sya sa akin nung papalabas pa lang sya ng elevator. Marunong din sya mag-appreciate ng nagawa ng kanyang mga empleyado. Kumakain sya ng Balot at kalderetang kambing! Astig di bah? Para sa isang Amerikano, kakaiba sya. Mabait ang mga ka-trabaho ko. Si Nathalie, ang sekretarya, maayos naman ang pakikitungo sa akin. Marami rin syang gustong matutunan mula sa akin nung nakita nya ang talento ko sa pag-gawa ng webpage at computer graphics. Sa totoo lang, isa sya mga pinagkakautangan ko ng loob kung bakit ako nasa kompanyang ito ngayon. Si Dennis, isang web designer. Graduate sya ng architecture at baguhan pa lang sa paggawa ng website. Nakita ko kung gaano sya ka-pursigido matuto ng mga bagay na hindi naman nya dapat trabaho, kaya willing akong turuan sya ng mga bagay na dapat na matutunan nya sa web designing. Mabait rin sya, at kamukha ni Joross Gamboa (hehehe!) Ayos lang ang oras ng trabaho. Ang aking trabaho ay limang beses bawat lingo lamang, at nagsisimula mula 12am hanggang 8am. Sinusundan kasi namin ang oras sa Los Angeles, USA kung saan ang oras ay 9am - 5pm. Ayos na ayos lang sa akin ang oras na yun kasi sa totoo lang, ang tulog ko talaga araw-araw ay sa pagitan ng 5am-7am. Kaya hindi ako nahirapan sa oras na yun. Isa pang bagay na maganda sa oras ko ay may panahon ako para sa sarili sa gabi. Sa kabutihang-palad, ang Youth Ministry namin ay kalimitan nagsasagawa ng mga gawain tuwing 7pm. Kaya naman masasabi kong hindi makakahadlang sa gawaing-pang-Simbahan ang aking trabaho. Ang aking trabaho ay parang laro lang sa akin. Ako ay isang webdesigner /graphic artist /programmer /tech support sa kompanyang iyon. Ewan ko nga ba. Dami kong designation. Hindi naman habang buhay lahat yan gagawin ko. Visual Basic Programmer talaga ang trabaho ko dun. Nagkataon lang kasi na 4 pa lang kami sa opisina ngayon, at ako ang nakakaalam ng mga trabahong yan. Nung unang araw ko sa tanggapang iyon, pinapanood ko magtrabaho si Dennis. Gumagawa sya ng template ng isang website para sa isang kompanya sa Amerika na kliyente namin. Parang gusto kong tumawa nung oras na yun. Hindi sa pinagtatawanan ko ang gawa ni Dennis. Natatawa ako kasi hindi ko inaasahan na ganoon lang kadali ang trabaho doon. Gumagawa ang webdesigners ng templates. Eh ako naman, kung matagal nyo na akong kilala dito sa Tabulas, isa ako sa mga adik magpalit ng templates. Ito yung tipo ng trabaho na parang laro lang ang dating sa akin. Parang nagulat nga ako sa ginagawa ng kompanyang iyon. Biruin mo magpapagawa pa sila dati ng template sa web designers sa US at babayaran pa nila yun. Samantala ako hobby ko lang yun at minsan ginagawan ko pa ng libre yung ibang prendli-prens ko dito. Iba pang mga bagay tungkol sa aking trabaho. Compensation. Sa ngayon, malaking katanungan yan. Sa August 22 pa kasi ako pipirma ng kontrata, pagka-rating ng presidente ng kompanya mula sa Amerika. Location. Aaminin ko medyo malayo sa bahay ang tanggapan namin. Sa may Tektite, Ortigas complex. ----------------------------- Sa kabuuan, ito ang trabaho na gusto ko noon pa, at mabuti naman hindi ako napadpad sa Call Center. Wala naman akong sama ng loob sa CCs kahit hindi nila ako tinanggap. Siguro hindi lang ako talaga para doon. Hindi ako magaling sa English, kaya siguro hindi ako makapasok noon pa man sa kahit anong mahigit dalawampu't dalawang Call Centers na na-applyan ko. Marahil siguro, noon pa man dito na ako naitalaga ni Lord na magtrabaho. |
They say everything falls in place. Everything that was happening to us has a reason... and God gives us a good reason to wait ![]() ------------------------------------ Muntik na ako maiyak sa sinabi ni Ate Jhet kanina nung after ng mass, meeting ng Youth Ministry. "I would like to announce a good news! May work na si Benj! Natuwa ako sa text nya. Sabi nya kasi, he got a job that he would probably love. Alam nyo kasi, ever since he joined the ministry, that last March (Alam ko april yun eh. Anyway...), yan na ang pinagpepray nya, kahit sa mga buddies nya. O di ba? Yan ang power of prayer! Kahit na kalimitan hindi agad ibibigay ni Lord agad ang hinihiling natin, pero darating rin yun in His time. Ilang buwan rin nya ipinag-pray yun..."------------------------------------- Nakikita ko sa mga kilos ng parents ko na na-appreciate nila yung magandang nangyari sa akin. And I'm happy. Ito yung gusto ko para sa kanila. ------------------------------------- Second day at work (that was last Saturday). Narinig ko naguusap yung boss ko at secretary nya tungkol sa mga bagong aplikante nila. Kinuha ng sekretarya ang mga resumé ng mga bagong aplikante, at binanggit ng sekretarya ang kanilang mga pangalan. Nagulat ako sa nabanggit ng mabanggit ng secretarya ang pangalan ng isa. Pamilyar. Lumapit ako upang tinignan ang resumé, at tama ako. Pinsan ko! Sabi ko sa boss ko na ok na programmer yun, at agad namang nyang nabanggit iyon sa client nya sa Amerika, na sya namang tatawag sa pinsan ko para sa isang phone interview. |
It's already 9:26am, and I'm still at the office. Medyo late na rin kami natapos, 9am. Tinatamad pa ako umuwi kaya naman naisipan ko muna mag blog, since wala namang ibang tao dito sa office kundi ako at yung isang network admin. Naguwian na ang tatlo kong kasama. Bigat ng Responsibilidad. Ngayong araw ko lang naramdaman ang hirap ng mapabilang sa pioneering team ng company. Ngayon ko lang narealize ang bigat ng responsibilidad. Kasi naman wala nang ibang maaasahan kundi kayo-kayo lang. Buti na lang alam ko naman kahit papaano yung pinapagawa sa akin: webpage designing, graphics, etc. Buti naman hindi pasaway ang boss ko kaya ayos naman. Ako rin ang nagtuturo sa kasama ko dito ng mga bagong technique sa HTML at Adobe Photoshop. Nakakataranta rin. Naiinis lang ako ngayong araw na to kasi parang halos wala akong na-accomplish. Naubos ang araw ko kakaisip ng logo para sa isa naming kliyente. Di naman ako marunong gumawa ng logo. Testing. Nataranta pa ako kanina kasi nakakuha ng isa pang kliyente ang boss ko na gustong magpaayos ng larawan ng mga alahas. Natuwa naman ako sa boss ko kasi pinagmalaki pa nya sa kliyente nya na kayang-kaya ko ang kahit na anong ipagawa nila sa pictures (as if naman may choice sya, ako lang ang graphics artist dito! wahahaha) Kaya naman parang tinesting ako nung kliyente at binigyan ako ng 4 na larawan ng mga alahas at binigyan lang ng ilang minuto para ayusin ang mga iyon ayon sa kagustuhan nila: na matanggal ang dumi-dumi at lalagyan ng shadow. Nagawa ko naman at pinasa ko agad sa email ng kliyente. nagustuhan naman daw nila ang gawa ko sabi ni Charlie. Kahit papaano pampalubag-loob na rin to para sa araw na to. E-commerce. May pinaaayos na e-commerce website si Charlie. Lalagyan lang sya ng template. At sobrang parang Tabulas templating engine yung gamit ng website na to. Yun nga lang, mas komplikado ito. Pero siguro kakayanin ko naman ito. Sana. -------------------------------- O siya, uwi na ko. Inaantok na ako eh. |
Ilang araw pa lang ako naghahanapbuhay sa aking bagong opisina. Nabanggit ko sa aking huling entry na ipinagkatiwala sa akin ng aking boss ang aking unang project. At kasamaang palad, ilang araw ko na hindi magawa ng maayos iyon. Ito ay sapagkat, aaminin ko, na bago pa lang ako sa bagay na pinagagawa nya sa akin, ang pag-setup ng isang e-commerce na website. Haay. Ayoko naman mapahiya ang kompanya dahil sa akin. Pakiramdam ko nung mga nakaraang araw incompetent ako. Pero Marami naman ang nakapagsabi sa akin na ganun lang talaga sa umpisa, at lahat ng bagay ay napapag-aralan. Di naman ako sumusuko, na-fraustrate lang ako talaga. Ginagawa ko naman ang lahat na makakaya ko. ------------------------------- Masaya pero nakakapagod. Pagkaraan ng ilang araw na sakit ng ulo, Sinubukan ko naman mag-enjoy nung Sabado at Linggo. Alas-diyes ng umaga, Puyat pa akong nagmula sa trabaho, nasabihan ako ng aking ama na tumawag ang aking Tita Mely at hinahanap ako. Agad naman akong tumawag sa kanila, ngunit ang aking pinsan na si Ate Jasmine ang nakasagot. Nasa Landmark raw si Mama, kasama ang ilang kamag-anak nila. Nalaman ko rin na binigyan ako ni ate ng tatlong libong piso pambili ng bagong rubber shoes. Agad naman akong nagtext kay Tita Mely. Sinabihan ako ni tita na pumunta agad ng Landmark at dadadagdagan nya ang pera. Syempre punta agad ako! Puro sira na kasi ang rubbershoes ko. Pinagpala lang ako siguro ng Diyos at may mabait akong mga pinsan at Tita. Kinagabihan ay may meeting ang PREx family, para sa paghahanda ng darating na PREx 11. Natuwa naman ako kasi marami ang dumalo. Kinagabihan, nagpuyat ako sa Semper Fidelis upang tulungan si Malou at ang iba pa, na mag-handa sa programa nila para sa buwan ng wika, na kinatatampukan naman ng mga mag-aaral sa nabanggit na paaralan. Napuyat ako sa paghahanap ng mga kantang kailangan nila sa internet. Kinabukasan nun, sa Carmona Sports Complex (Makati), naging technical team ako sa programa ng mga bata. Ako ang nagsilbing taga salang ng mga kanta gamit ang cassete tape o MP3 sa computer. Halos puro katutubong kantang pambata ang napakinggan ng mga magulang at mga bata sa lugar na yun. Bahay kubo, Leron leron sinta, atbp. Pasado na ng tanghali kami natapos. Tumulong pa ako sa pagbubuhat ng mga gamit, tulad ng PC, pabalik sa loob ng paaralan. At nakauwi na ako bandang alas-dos at nagpahinga. Halos alas-otso na ako nakapunta ng simbahan para sa misa. Pagkatapos ng misa, nagkayayaan ang ilan sa amin na mag-Starbucks (wow sosyal!) Sumama ako, si Ate Jhet, Clyde, Neil, Junie, Weng, Madz, at ang bago kong nakilalang si Deo. Isang bonding ang nangyari. Nagpunta kami sa Rockwell at nabasa pa dahil sa malakas na ulan. Medyo nagtagal kami sa nasabing lugar dahil sa kwentuhan. Pagkatapos noon ay umuwi na sina Ate Jhet, Weng at Deo pero kaming mga natira ay tumungo pa sa isang all-you-can-eat restaurant sa may Jupiter St. Nagyaya kasi si Madz dun, at mura nga naman. At alas-tres na ng umaga kami nagsiuwian. |
(Anu raw?) Hehehe. Walang maisip na title. Work. Nakakatuwa naman ang lingo na to sa trabaho. Kasi naman malaki ang development na nagawa ko, kahit papaano. Sa tulong ng isang support representative na tinawagan ko, medyo naayos ko na ang website na ginagawa ko. Medyo alam ko na rin ang pasikot-sikot. Yun nga lang, puro "medyo". Konting praktis pa at magagamay ko rin ito. So far, ang tanggapan namin ngayon ay may 3 web designers/graphic artists, 3 VB programmers, at ang secretary. Kapos kami sa man power. PREx 11. ILANG ARAW NA AKONG PUYAT dahil sa PREx. Biyernes pa lang, maaga akong gumising, ikatlo ng hapon, upang maghanda sa pagsasanay ng ORGAN. Pagkaraan ko maligo, binuhat ko ang malaking KEYBOARDs na hiniram ko pa kay Ate Cherry patungo sa Tejeros Bgy. Hall. Tinatamad na ako mag kwento dito, kasi masama ang loob ko: hindi kasi ako nakatugtog ng maayos. At halata namang hindi na-appreciate ng mga tao ang effort ko. Na fraustrate ako sobra. Hindi muna ako tutugtog sa public hanggat hindi pa ako handa. Sept 16, may Music workshop raw para sa amin. OBSESSION. Kaya naman ngayon, obsessed ako matuto pa lalo ng organ. Kaya naman sinimulan ko kagabi humingi ng tulong mula sa isang propesyonal: Si Kuya Tony. Organista sya ng simbahan namin, at matagal na syang tumutugtog. Yun nga lang mahirap hagilapin ang taong ito. Swerte lang kagabi at dumalo sya sa misa. Nilapitan ko sya habang abala ang choir sa pagkanta ng isang a cappella. Nanghihiram ako sa kanya ng mga libro na pwede ko magamit. Nabalitaan ko kasi na dati syang guro sa YAMAHA School of Music, kung saan nag-aral rin ako noon. Ayun, binigyan nya ako ng ilang tips, at nangako na may ipapahiram sya sa akin na ilang piyesa na pwede ko tugtugin. At isa pang bagay na nabanggit nya, mukhang kailangan ko lang raw ng pagsasanay: niyaya nya akong tumugtog sa simbahan. Naku! Matagal ko ng pangarap yun! pero mukhang kailangan ko pa ng maraming praktis. I promised God that I will offer him my skills, and spread His word through my music. |
TAG me!


