Entries for September, 2006
Mga saloobin ko tungkol sa pagkawala ng aking boss, at ang unang sweldo ko. ![]() HALOS isang linggo na pala kaming walang boss sa office. Ganun pala ang sistema dito: talagang naka-base ang boss namin sa Los Angeles (USA) habang kami dito sa Ortigas ay binabantayan ng aming comptroller (sekretarya ako ng sekretarya dati, iba pala designation nya!). Masarap rin ang ganitong set-up, di mo mararamdaman ang stress kasi parang magkakabarkada lang kami dito. Sa ngayon ay ganun pa rin ang bilang namin. Unang sweldo (ang inaabangan ng lahat!). Ang tita ko lagi akong tinatanong kung kailan ako susweldo. Hindi naman sa manghihingi sya ng balato o ano (mayaman naman sya noh!) pero siguro dahil sa excited sya para sa akin kasi ito ang una kong sweldo sa unang totoong trabaho ko. Hmm... natuwa naman ako kasi mas malaki sa inaasahan ko ang nakuha ko. Malaki rin ang naitulong ng 20% night differential namin, pampabawas sa tax kahit papaano. Binahagian ko syempre ang magulang ko para naman makatulong sa bahay. Nakakatawa rin kasi hindi ko pa man nakukuha ang sweldo ko, may mga ilang tao na umuutang na sa akin (at medyo malaki rin ang nautang!) Pero ayos lang, nakatulong naman ako. Pero sana makabayad naman sila sa tamang oras. Mag-aaral ako magtipid. Hindi na biro ang perang hawak ko ngayon. Noon kasi, basta na lang ako makagasta pag meron. Ako'y isang 1-day millionaire 'ika nga. Naisip ko na rin kung saan ko igagastos ng wasto ito, pero aaminin ko na magastos ang unang sweldong ito kasi may mga bagay akong dapat bilhin at bayaran para sa panibago kong simula. Ilan rito ay ang pagbili ko ng ilang personal na gamit tulad ng damit, paglalakad ng mga papeles ko (Diploma, TIN, NBI, etc). Naibili ko rin ng regalo (sa unang pagkakataon) ang aking pinsan na si Ray-ray kahapon. Sya nga pala, may inihandang surprise party kahapon ang kanyang girlfriend sa Shakeys. Napakaswerte ni Raymond at may girlfriend syang tulad ni SG. Noon pa man habang naghahanap pa ako ng trabaho, ipinangako ko na sa Panginoon na hindi ko ipagdadamot ang sweldo ko sa tunay na nangangailangan. Naisip ko rin ang advantage ng walang girlfriend. Di magastos. wahahaha! Salamat pala kay Ate Yeye kahapon. Kahit alam nya na nakasweldo na ako, nilibre pa rin nya ako ng kung anu-ano. Sobra-sobrang blessings ang tinatanggap ko ngayon. I'm not worthy of these things, but still, our God gave it to me. God is so good. ------------------------------ I am so relieved to hear that my friend Cae is fine now. She is a friend of mine who underwent a surgery because of a brain tumor. I thank God for this blessing. ------------------------------ Narinig ko na may trabaho na rin pala si Nheenia! Goodluck sa career mo. Pati na rin si Edeh. Galing may work na tayong mga tabulasters! ------------------------------ As for my dear friend Kim, nakakalungkot lang kasi nung last time nagkaroon kami ng misunderstanding. Di ko na alam kung paano ko ba sya matutulungan. I want to see you soon. ---------------------------------- I thank you Lord for everything I have right now. From my good health, lots of caring friends and family, to a good job. Teach me oh Lord how to share, so that everyone around me would feel your love. |
Masama na ito. Puyat na ako lagi pag weekend. Ang nasaisip ko kasi lagi pag sabado na, "OK lang mag puyat kasi wala naman pasok sa Sunday at Monday." Kaso ang nangyayari sobra na. Medyo kailangan ko baguhin ang pag-iisip na yan. ----------------------------------- Wala akong pasok sa Martes! Labor day sa USA. Hohoho! Kaso kailangan ayusin ko na ang requirements ko sa work ngayon. ----------------------------------- Prayer Party ng Youth Ministry nung Sabado. Nakakatuwa kasi kakaiba ang mga ginawa namin. At sa loob ng chapel ginanap ang lahat. Ang isang kakaibang bagay na ginawa namin dun yung nag-toast kami ng bread, sa loob ng chapel yun ha. Di ko alam kung matatawag bang blasphemy yun (or something?), kasi may religious purpose naman ang lahat ng ginawa namin dun, bukod pa sa games and everything. Anyway, it's our own youthful way of praising God. At nabalitaan ko na kasama na naman akong mag-oorganize ng Prayer Party sa November ![]() ----------------------------------- Masaya. Uy uy! Masaya ako ngayon! Kagabi kasi, natupad yung wish ko (read the last part of my last entry) na tuturuan ako ni Kuya Tony mag-organ! hehehe. Hindi sya nakalimot. Ayun, bago magsimula ang Youth Mass, pinatugtog nya ako ng konti at tinitignan kung anong mga dapat kong matutunan. Kaso umatake naman ang kaba ko, dami kasing tao. Di pa ako ganun ka-kampante sa maraming tao. Dala nya ang isang libro na bigay pa sa kanya ng kanyang magulang. Isang aklat na puro kanta sa simbahan. Pinatugtog nya sa akin ang awit na pinamagatang, "Awit ng Paghahangad". Ito yung kanta na kalimitan mong maririnig tuwing communion, which goes on like this: O, Diyos, Ikaw ang laging hanap, loob ko'y ikaw ang tanging hangad. Nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng 'yong pagaaruga. Ngayong may libreng organ lessons na ako, isa na lang ang kulang. Yung organ mismo. Hmm... |
Sunod-sunod na blessings. Grabe na-overwhelm ako sa blessings na natatanggap ko ngayon. Simula nung nakaraang buwan, noong magkatrabaho ako, sunud-sunod at patuloy pa ang pagdating ng mga biyaya. Simula nung magkatrabaho ako, naramdaman ko rin na masaya ang pamilya ko para sa akin. Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng trabaho para makatulong sa kanila. Salamat po Panginoon dahil ginawa mo akong blessing sa aking pamilya... Salamat sa pamilya ng Tita Mely ko (ang tawag ko pala kay Tita ay Mama, kasi para ko na syang nanay talaga). Kahit na may na trabaho ako, hindi pa rin sila nakakalimot. Napaka-buti ng Tiyahin ko na 'to at ang mga anak nya. Biruin nyo may work na ako pero nakahirit pa rin ako ng gomang sapatos kay Mama at Ate Yeye. Tapos pag kasama ko si Ate laging nililibre pa rin ako (kahit nakakahiya na!). At ang huli, pinahiram ni Mama sa akin ngayon yung Organ nila na ako rin ang gumagamit kahit noon pa. Grabe, napakalaki na ng utang na loob ko sa pamilya na to. Unang una, si Mama ang dahilan kung bakit ako nakapag-tapos ng kolehiyo. Dahil rin sa kanya, unti-unti ko na natutupad yung dream ko na maging mahusay na organista. Di nyo pala naitatanong, sya rin ang nagpaaral sa akin nung bata pa ako sa Yamaha school of music. Actually, kasama ko ang bunso nya na si Ray-Ray, na kasing-edad ko, na mag-aral noon. Kaya nga bumili sya ng organ eh. Kaso di naman nagagamit sa bahay nila. At tignan nyo nga naman, nung huling entry ko lang ay iniisip ko kung saan ako kukuha ng organ. Aba'y meron na agad! Salamat po Panginoon sa isang pamilya na taos-pusong tumutulong sa akin. Nawa'y lalo nyo pa silang pagpalain dahil sa kabutihan ng kanilang puso. Pero Lord, wish ko lang sana na mahatak ko sila sa pagiging tunay na Kristiyano.Mahirap ang buhay ngayon. Pero nakakatuwang isipin na hindi ako nauubusan ng pera sa aking pitaka. Kahit papaano, lagi akong may nadudukot kahit barya lang. Noong unang sweldo, malaking bahagi ng aking sweldo ay napunta lang sa pautang o bigay. Pero di pa rin ako nauubusan. Marahil na rin siguro natutunan ko na rin magtipid at naging mas mature na ako sa pag-gastos. Salamat po Lord sa paggiging good provider. Sa araw-araw ng aking buhay, pinapatunayan ninyo na hindi ko na kailangang mag-alala para sa kinabukasan. Nung naka-sweldo ako, binalak ko na kumuha ng Organ lesson kahit medyo mahal. Pero nariyan si Kuya Tony, at handa nya akong turuan ng libre. Nakakahiya nga lang kasi sa Simbahan mismo kami nagtuturuan. Pero ayos lang. Salamat po Lord, at nagpadala ka ng mga tao na handang tumulong sa pagtupad ng pangarap ko. Ano pa ba. Hayun. Kanina lang. Tungkol naman sa trabaho. Ilang araw na kasi akong balisa sa proyekto kong website para sa isang dayuhan na kompanya. Ilang linggo ko na rin tinatrabaho yun, at hindi pa pala nakikita ng may-ari. Pero kanina, inanyayahan ko ang aking boss na tignan ang website na ginawa ko, at sa kabutihang-palad, nagustuhan nya ang ginawa ko! Lord, alam nyo po na sa kaloob-looban ko'y iniisip ko na hindi ako karapat-dapat sa mga biyayang binibigay mo. Pero patuloy ka pa rin nagbibigay sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin para makaganti? Salamat po Panginoon sa mga talento na ibinigay mo sa akin. Mula sa mga kayang kong gawin sa computer, sa pagtugtog ng musika, at sa pagiging aktibong miyembro ng Simbahan. Hayaan nyo pong lahat ng gagawin ko ay para sa INYO! |
Wow, pangalawang sweldo ko nung isang araw. hehehe. (Wala muna magpapalibre ha?!) ------------------------------------ My jobs gets demanding over time. I now get tasks which are beyond my knowledge. And that makes my work go slower. I think my boss noticed that. So yesterday, he thought of an idea how to help me. There was this guy on the office who cleans up the place and everything... well... my boss asked me to train him how to do researches on computers to help me on my work. OMG. I've just learned that he doesn't know anything about computers, even a little bit. And I should train him the basics... right from how to turn on a PC. This coming Tuesday is going to be a very long day. ----------------------------------- Dahil sa sobrang demanding na nga ng trabaho, hindi ko na magawa ang mga pabor na inatas sa akin. ... Flash presentation ng Youth Ministry para sa aming fund raising ... yung PowerPoint presentation ng isa kong kasama sa simbahan ... yung resumé ng bestfriend ko na ipinangako ko na magpiprint ako at bibisitahin ko siya ... yung logo ng t-shirt ng kapatid ko na gagawin ko sa Adobe Photoshop haaay. Grabe. Um-oo ako sa kanila kasi akala ko kaya ko lahat. Umandar na naman ang aking Messiahic complex. Araw-araw, darating ako sa bahay ng pagod na pagod. Pero kalimitan hindi na ako nakakatulog ng derederecho. Mahirap pala matulog sa umaga. Siguro ginawa talaga ang katawan ng tao na matulog sa gabi. At hinahanap-hanap na ng katawan ko na matulog sa gabi. Kung makikita nyo ako, mapupuna ninyo agad sa aking mga mata na pagod ako. Oo. Kapuna-puna na kasi ang pangingitim ng ilalim ng mata ko. ----------------------------------- Feeling organista. Pag nagpapaantok ako, praktis lang ako ng praktis ng aking ORGAN. Hindi po organ na anumang parte ng katawan ko ha, kundi yung tinutugtog. Eto po pala yung itsura nun: ![]() Yan. Ganyan na ganyan. Sa ngayon, pinag-aaralan ko pa rin yung style ng pagtugtog ng organista namin sa simbahan. Siguro mapapansin ko na nasa medium level na ang pagtugtog ko. Kailangan ko pa mag-aral ng mag-aral. Kailangan ko rin pa pala magsanay ng mga chords na may 4, 6, 7, 9 (ex. Gm7, C4, E9, etc.) Para kasing natataranta ang mga daliri ko pag nakakakita na ako ng mga ganitong chords sa sheet music. ------------------------------------------ HINDI MO MASASABING MAS MAHIRAP ANG PINAGDADAANAN MO NGAYON KAYSA SA PINAGDAANAN NG IBANG TAO. Totoo yan. Kasi nasa tao lang yan kung papaano nya dinadala ang problema sa buhay, o kung tama ba ang mga desisyon na ginagawa nya para malutasan ang mga problema nya. |
TAG me!


Masaya. Uy uy! Masaya ako ngayon! Kagabi kasi, natupad yung wish ko (read the last part of my last entry) na tuturuan ako ni Kuya Tony mag-organ! hehehe. Hindi sya nakalimot. Ayun, bago magsimula ang Youth Mass, pinatugtog nya ako ng konti at tinitignan kung anong mga dapat kong matutunan. Kaso umatake naman ang kaba ko, dami kasing tao. Di pa ako ganun ka-kampante sa maraming tao. Dala nya ang isang libro na bigay pa sa kanya ng kanyang magulang. Isang aklat na puro kanta sa simbahan. Pinatugtog nya sa akin ang awit na pinamagatang, "Awit ng Paghahangad". Ito yung kanta na kalimitan mong maririnig tuwing communion, which goes on like this: 
