image

Entries for October, 2006


Mga bagong salta


written last October 4, 2006 12:56 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Hayan. Kinakamusta na ako ng mga nagta-tag sa akin. Mukhang na-miss na nila mga entries ko hehe. Joke. Salamat Liz and Leonard.

Ang dami-dami kong gusto ikuwento dito, kaso nawalan na ko ng oras na mag-blog. Kinain ng maraming bagay ang aking oras. Gusto ko kasi kapag nasa bahay ako, matutulog na lang ako. Kaso minsan, kinakailangan ko pa ring gumawa ng ilang bagay para sa simbahan kapag weekends. Ano nga ba ma-ikuwento ko? hmm...

MGA BAGONG SALTA. Sa wakas ay nadagdagan ang tropa sa tanggapan namin. At sa wakas, babae. hehehe. Pamangkin sya ng aming presidente. Bata pa ito pero isa na syang mamamahayag sa isang sikat na pahayagan. Sobrang sipag ng babaeng ito. Kaso mukha namang nasobrahan. Biruin nyo naman, dalawa ang trabaho, dun sa diyaryo at dito sa tanggapan namin. Naaawa na lang ako kasi mababakas mo ang hirap sa kanyang mga mata. Pero mahal raw nya ang ginagawa nya. Binigyan ko na lang sya ng isang quote, "It's funny to think that people spend health to earn money, then spend money to earn health". Nakakatawa raw, kasi totoong applicable sa kanya ang irony na yun. Nasabi ko sa kanya na isang araw ay kakailanganin na nyang mamili kung sa aling trabaho sya dapat manatili.

Nakakatuwa, dahil madali ko naman siyang nakasundo.


Besides her, may dalawang tao akong natulungan para makapasok sa aming opisina. Ang isa ay kaibigan ng kaibigan ko (friend ni Kath) na natulungan ko para makapasok bilang isang database programmer; at ang isa naman si Engr. Abner (tatay ni Cindy, friend ko). Contractual lang yung sa tatay ni Cindy kasi dahil nga sa bago pa lang ang opisina, kailangan namin ng electrical inspection.








Long time no see


This favorite post was written last October 5, 2006 02:17 PM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Ang pagbabalik ni Jacq.

Natuwa naman ako ng malaman ko na bibisita raw ang aking kaibigan na halos apat na taon ko nang hindi nakikita. Medyo matagal ko na rin syang laging nakakausap sa Yahoo! Messenger. Ang kanyang pamilya ay nasa Korea dahil ang kanyang ama ay nagtatrabaho roon. Kinailangan lang nya bumisita sa kanyang lolang may malubha nang karamdaman, at may taning na ang buhay. Dumating sya ng kamaynilaan noong ika-22 ng Septyembre, at agad naman nya akong tinext na nakarating na sya.
Me, Jacq (middle), Tintin, and Jiro. [9-26-2006, Timezone-SM Megamall]09-26-2006. Nagkita lang kami apat na araw na ang nakaraan nun. At hayun, nagtrip kami around SM Megamall. hahaha. Nagkayayaan kami kumain ng KFC, para testingin ang Extreme HotShots na hindi naman pala ganun ka-anghang.


[9-26-2006, Timezone-SM Megamall]Pagkaraan namin mag- Megamall, bangag akong sumama sa kanila sa bagong computer shop ni tintin sa may pasig. Sobrang pagod na ako noon, dahil galing pa ako ng opisina. Alas-nuwebe na ako ng gabi nakauwi at may pasok pa ako kinabukasan...



10-2-2006. Noong huling Lunes naman, sinamahan ko si Jacq sa DFA para magparenew ng passport. Nagkita kami ng umaga sa MRT-Taft station. Sumakay kami ng jeep patungong DFA at naglakad lamang ng kaunti. Marami akong natutunan noong araw na iyon tungkol sa pag-aapply ng passport, na tinuro ni Jacq sa akin. Kinakailangan na kasi bumalik ni Jacq sa Biyernes, kung hindi ay mawawalan sya ng trabaho pag balik nya. Naiintindihan ko kung gaano sya nahirapan kumuha ng disenteng trabaho doon sa Korea dahil sa diskriminasyon. At araw-araw kong ka-kwentuhan sya tungkol dun noong naroroon pa sya.

FIRST TIME kong nakapasok sa loob ng DFA. Hindi kami pumila sa normal na pilahan ng renewal doon dahil... basta (hindi dahil sa fixer ha!) Lahat ng watawat ng iba't ibang bansa ay naroroon. At tumulak kami sa tanggapan ng tagapangasiwa. Sinabihan sya na bumalik ng Huwebes.

Pagkaraan naming magpunta ng DFA, nagkayayaan kami sa SM Mall of Asia. Unang beses ko pa lang makaka-yapak roon (biruin mo, 2 bagong lugar sa 1 araw.) At nilibre pa nya ako sa Jollibee (nakakahiya hahaha! Pero salamat Jacq.) Nag-ikot-ikot kami doon, naghahanap ng damit. Naghahanap sya ng sweater, ako naman isang pink na damit (Pink? ano ka bading?). Hindi po ako bading. Kalimitan kasi kapag may activity yung Youth Ministry namin sa simbahan, pink yung favorite na kulay (e di lahat sila bading?) HINDI! Aw shaddap!

Nung matapos ang mahabang paglalakad namin, ako naman nanlibre ng fruit salad in coconut shell sa Buko ni Fruitas.

Mamimiss ko to pag alis nito bukas.








I am almost fired...


written last October 7, 2006 03:33 PM .
Posted by solitude12 | 5 commented .

I got a deadline to beat. On November 1. I have been doing this e-commerce website since August, when I started working on my office. I've heard from my boss that our client is getting more impatient with me. I must admit, I work slow. So they decided to give me a deadline... or else. But my bosses are still optimistic. They don't want to lose their client, and they believe I can do it just in time.

A few hours ago, we had a meeting. We were talking to our CEO through VOIP (because he's in LA). His wife, the president; and their comptroller was beside me that moment. We planned on how we could finish this all at once. The plan sounds perfect. I trust him, so I just do what he says.


I went outside the office for a while, looked for a quiet spot, sat, and started praying. My whole body was shaking. I prayed to God for guidance, patience, and wisdom. Then I thanked Him for giving me this chance. I composed myself and went back to work.


Madame president was counting on me, and miss comptroller is helping me around. I was loosing morale that moment, but everybody showed my their support: from the CEO, to the president, down to the rest of the guys. The President told me that it would take lots of team play. Elton gave me a pat at the back and some encouragement. Dennish helped with our client's eBay sales. And Angel, who was about to go home, stayed in the office just to cheer me up (and to get a free ride home with our comptroller. hehe.)

Now that is a real morale booster. I can do this.








Bagyong Milenyo


written last October 7, 2006 06:36 PM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

I told you so. I have lots of stories to tell.

Last week, Wednesday. I was about to go home from work. The night before that, was already rainy. I looked through the window of our office in Ortigas, as the strong winds blew hard, and raindrops hit our windows as if it was knocking.

Later that morning, as I walked through the streets of Ortigas, the storm became more violent. So I had to stay inside SM Megamall for a while, thinking that maybe the storm will subside. But I was wrong. I received a message from friends that the storm will hit stronger by noon. And the whole mall started using power generators. Without my knowing, the whole Metro Manila was already powerless.

So I went at the first basement of the mall to play arcade games. It was funny to watch youngsters insert their tokens then suddenly, the power runs out, and then comes back. Too bad there's no refund.

Four hours have passed. I decided to get of the Megamall. The winds constantly bacame stronger each hour. But I need to go home, for I am very exhausted from work. Good thing I brought a tough umbrella and withstood the terror of the storm.

When I got home, I was surprised to learn that,besides the blackout, that a part of our roof got blown away. Our bedroom was all wet.

Instantly, we got a waterbed

Still possitive. If there's one thing I learned about the past storm, it's about giving all what you got because we've got only one shot in this lifetime.








Pagod


written last October 11, 2006 03:46 PM .
Posted by solitude12 | 6 commented .

Haaay sana sweldo na. Paubos na pera ko. Kinailangan ko na manghingi ng P500 sa pinsan ko (kinapalan ko na mukha ko hahaha!)  E kasi naman walang wala na talaga ako. Swerte may mabait akong pinsan at 1k ang binigay pa sa akin.
------------------------
SOBRANG stressed out na ako dahil sa deadlines. Kanina pa nga ay kausap ko ang boss ko sa telepono (kasi naka base sya sa L.A.) at nagpulong kami tungkol sa proyekto na ginagawa ko. GRABE ang daming pinababago sa ginawa ko. Daming dagdag na gawain. Mabuhay pa kaya ako pagkatapos ng lahat na ito? Dapat may raise ako pagkatapos nito...
------------------------
Nung huling Linggo nga pala ay nagpaalam na muna ako sa aking mga kasama sa Youth Ministry upang mapag-tuunang-pansin ko ang aking trabaho. Hiningi ko sa kanila ang kanilang mga dasal at suporta na sana malagpasan ko ang mga ito. Pero medyo na-guilty rin ako, nang malaman ko na sila man ay may kanya-kanyang problema rin. Sa ngayon, ang magagawa na lang namin ay ipag-dasal ang isa't isa.

Pagkatapos ng aming fund raising nung huling Linggo, Nagpulong ang mga Project Coordinators habang ako naman ay tumambay pa sandali sa simbahan. Nung lumabas na sa opisina ang mga PCs, patuloy pa rin ang kanilang pag-uusap sa labas ng gate ng simbahan. Ako naman ay umalis na at buli ng maiinom sa malapit na 7-11. Naglakad ako pabalik ng bahay, at natagpuan ko na naroroon pa rin ang mga PCs sa harap ng simbahan. Kaya naman naki-tambay na rin ako. Pero naabutan kami ng aming Kura Paroko ng sya'y pabalik na mula sa kungsaan. At nakakagulat namang niyaya kaming lahat sa Jollibee. Wow ha. Ayos to. Napadaan lang ako naka-Jollibee na.

Kainan, kwentuhan. Kung anu-ano pa. May ilang pangaral din galing sa paring kasama namin. At may isang bagay lang akong ikinakakaba: panay ang pagpaparamdam ng mga taong kasama ko roon na magiging Project Coordinator na yata ako ng Youth Ministry. Grabeng pagpaparamdam yan. Di ko tuloy malaman kung matutuwa ba ako o ano. Hindi kasi basta-basta maging PC.

Mabigat na responsibilidad yun dahil kailangan akayin mo ang mga kabataan ng simbahan, at mayakag ang iba pang hindi aktibo.

Pero noon pama'y nararamdaman ko na isang araw ay mangyayari at mangyayari ito. Marahil mataas ang tiwala nila sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang isa pang krus sa balhikat ko, pero sisiguraduhin ko na tutulungan ko magbuhat ng krus ang mga kasalukuyang PCs.

Pero sorry muna, kailangan ko munang pagtuunang-pansin ang aking trabaho sa ngayon. Kung hindi...








Overcoming Inferiority Complex


written last October 19, 2006 01:18 PM .
Posted by solitude12 | 10 commented .

Just as when I thought everything was a-ok...

I used to be a timid kid way back then. I had no girl friends, only a few boy pals. I always thought that I am different, somehow. For reasons I'm not sure what. Maybe I was just paranoid. As a child, I always daydream that I was somebody else. A somebody.

When I got into college, I was very happy to have my very first girl classmates. Eventually, I made friends with them. But the timidness and shyness was still there. I still remember one time when we had our ballroom dancing as a part of physical education. My whole body was shaking and stiff, as I dance around with a girl classmate. LOL. She noticed that as she touches my hand. "You're shaking!", she laughingly said.

My life as a junior college was a big mess. My inferiority complex started to get worse as I take up my thesis. For some reason, I have been taking up and dropping out from my thesis class. Probably our professors were too strict. Or maybe I am just plain lazy. Or probably it's not the right time to take up that subject. I stopped schooling for a couple of semesters, became a useless bum and became more feeling inferior to others. I even felt being over-shadowed by my siblings, who are younger than me. Insecured. Then time came that I started thinking that maybe everything will be alright if I can only graduate from schooling. Eventually, I did. But I still felt empty inside.

I graduated from college only just last May. I have been praying to God for this thing to happen so that I can help my family, and for me to overcome my personal problem. God answered my prayer a few months after, and I felt so satisfied with my life. I was happy with where I am, how I am. Until I met someone...

It was always like this. Why is it when I fall in love, I always feel that I am not good enough for that someone? Falling in love is really a good feeling but it always gets disrupted by that stupid thing called inferiority.

My bestfriend told me that we can never overcome that unless we learn what satisfaction meant.

Tell me how. I guess, I'm still not ready for love. *sigh*








WHAT I LEARNED FROM OTHERS...


written last October 20, 2006 08:13 PM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

WHAT I RECENTLY LEARNED FROM OTHERS... A friend told me that girls would probably know your intention when you are courting. They will know if its just for kicks, or if you are serious. Well I must admit that long time ago, I just wanted a girl just to experience what relationship is. Probably just because of PEER PRESSURE.
--------------------------
Just two nights ago, I had a call from L.A. on our office phone. It was the office's network administrator, who is just checking up our network that night because we were having internet connection problems that night. I was the only one in the office who has some experiences regarding that issue, so I made some temporary solutions until the real network admin arrive the next day.

Anyway, that person asked me to check up how clear the voice mail is, in our VOIP phone. After checking it up, he called again after a few minutes. And the conversation became longer than expected. He has some interesting stories about life. And he was also asking me who am I, what I am. And one thing he said that I can never forget is that, "Parehong may advantage ang pagaasawa ng maaga o pagiging single. Mag-asawa ka ng maaga, makikita mong lumaki mga anak mo. Maging single ka, ma-eenjoy mo pagiging binata mo."

Tama sya doon.








Random thoughts


written last October 23, 2006 03:01 AM .
Posted by solitude12 | 10 commented .

Konting panahon na lang, malapit na ako sintensyahan. I'm doing my best. ISANG LINGGO NA LANG, deadline na ng project ko. haaay. Sana hindi umalis ang kliyente namin.
--------------------------------

Nakakatawa rin itong amerikanong kliyente namin. Minsan kasi, kailangan nya tumawag sa opisina from L.A...

"HEY ALVIN!!!"

Ganyan ang laging pasigaw na bati nya. Magugulatin pa naman ako. Nabibigla na lang ako minsan pag tumatawag yan, akala ko galit. Nung isang linggo, tumawag ba naman. At ito ang sinabi nya...

"HEY ALVIN!!! Have you received my email? FAX ME!!!"

Natigilan naman ako. Iba kasi yung pagkakarinig ko nung sandaling iyon...
---------------------------------

Isa na siguro sa pinaka-mapagkumbaba na nakilala ko ay si Jacq. Probably hindi nya alam sa sarili nya ito, pero yun ang unang katangian nya na nakita ko. Hindi ko na siguro babanggitin dito kung ano ang katayuan nya sa buhay, pero... basta.  Ibang klase ka talaga. Sana hindi ka magbago.
---------------------------------

I need a massage. LOL.
---------------------------------

Sana sweldo na. wala na ko pera hahaha







 
image image image
image image