Entries for April, 2007
MAHIRAP talaga ang ipinipilit mo ang sarili mo sa iba. OO nandun na ko, mukhang close kayo. Pero nararamdaman mo pa rin na may gap. Parang pag magkalayo na kayo, wala nang pakielamanan. Marami na akong naging kaibigan na ganito. At paulit-ulit yung proseso. Nakakainggit lang minsan kasi... na hindi ko magawang maging ganun ka-close sa iba. Sa tingin ko ako na ata ang may problema kaya nagkakaganun. Hindi ko maipaliwanag. Parang iba ako. Napupuri ka dahil talentado, o kaya napapasalamatan sa magagandang nagawa mo. Pero alam mo yung... ewan ko ba. May emptiness. Parang ganun. |
Sa April 13. Lapit na ilang araw na lang hehehe. At least I can proudly say that the past year has been a VERY fruitful year for me. Marami rin akong kabiguan at kalungkutan, pero mas marami akong accomplishments at gains. At masasabi kong napakalaki ng pag-lago ko sa maraming aspeto ng buhay ko: spiritual, financial, social, personal. Di ko na maalala ang iba sa dami. God has blessed me a lot, siguro dahil na rin sa hindi ako nakakalimot. Isang taon na ang nakakaraan, isang taon ng biyaya. Pero hanggang ngayon overwhelmed pa rin ako sa mga natatanggap ko sa dami. Sobra sobra ang pasasalamat ko. Dumami rin ang masasabi kong tunay na kaibigan. May mga nawala, pero mas marami ang dumating. At nagkaroon pa ako ng pagkakataong makatulong sa mga dati kong kabarkada nang maipasok ko sila sa trabaho. Hindi pa rin ako nakakakita ng babaeng magmamahal sa akin, gayun pa man, masaya ako. Parang naroroon na ko sa punto na pwede na akong mamatay dahil masasabi kong satisfied na ako sa buhay ko. I love you Lord. ----------------------------------------------- First birthday gift.Two days ago, a representative from San Carlos Seminary called up to inform me that my application for studying there for the piano course was already approved by Father Carlo Magno. I'll be starting on 24th, 11am. ----------------------------------------------- WISHLIST. Baka lang kako may magbigay. wahehehehe. Nabasa ko lang somewhere sa isang blog, isang mahabang listahan ng mga gusto nya. And I mean, grabe, 100 na bagay ata yun (material and not). Di naman ako ganun ka-materialistic na tao. Pero sige, subukan ko gumawa ng ganun. Di naman siguro masamang mangarap. Hehehe. Here it goes... (Continue reading this entry...) |
Hanggang ngayon di pa rin ako makatulog ng ayos dahil sa nangyari nung Linggo... Nung Biyernes ng gabi, nagkaroon ng usap-usapan na absent raw si Kuya Tony (Choir master namin at organista). Kaya naman naisip namin nina Neil na baka (baka lang) pwede kaming mag substitute na musicians (gitara sya, organ sa kin). Kaya naman praktis (kuno! hehehe) kami nung sabado ng gabi. Linggo ng umaga, nakabalita naman ako na darating raw si Kuya Tony sa *7pm mass. So nagpa-banjing-banjing ako ng buong araw at kampante. Hanggang sa dumating na ang 7pm mass. Nawawala pa rin si Kuya Tony. Kumanta na ang koryo, pero walang tumutugtog. Niyayakag na akong tumugtog, pero sabi ko'y di ako handa. Sabi ni Ate Jhet, try ko sa offertory tumugtog. So habang nagmimisa, nagtipa ako ng kaunti. Isang tugtog na ngayon ko lang natugtog, pero alam ko ang kanta. At hayan na, dumating na ang oras. Bigla naman nakita ko si Kuya Tony na dumating. Nakahinga ako ng maluwag... dahil sa pag-aakala kong ligtas na ako. Ang kaso, pinigilan ako ni Kuya Tony na tumayo mula sa harap ng organ. Parang di ko alam ang gagawin ko. Kinabahan ako ng todo. Sa unang pagkakataon, tutugtog ako sa misa. Kaso... PALPAK. ampanget ng kinalabasan. Pagkatapos kong tumugtog, bumalik ako sa upuan ko, nakayuko. Parang maiiyak na ako. Pero tinawag ako ulit ni Kuya Tony para tignan ang ginagawa nya. At pinatugtog nya ulit ako ng isa pang kanta. Mas maayos sa una, pero di pa rin ganun kaganda. Pagkatapos ng kantang yun, lumabas na lang ako ng simbahan. Hindi ko na kinayang pumasok ulit sa loob. Masyado na akong napahiya. Kahit hanggang ngayon, sa tuwing hahawak ako ng piano, sa tuwing maaalala ko yung pangyayari, parang nasisiraan ako ng loob. Di ako makatugtog ng ayos. Don't get me wrong. I take this one as a challenge to be a better piano player. Pero yun nga lang, masyado akong apektado sa pangyayari. May God help me. *note: sa Church namin ang 7pm mass ay Youth mass. |
Random quote: "Don't worry about me, I'll just work quietly at the back..." - me Siguro isa na to sa favorite quotes ko sa buhay ko. Kaya siguro lalo akong nababansagang introvert. -------------------------- Random pictures at the office ![]() Ganito kami sa tanggapan. Pramis... siryoso kami. -------------------------- Ayos. Sa ikalawang lingo ng Mayo, sasama ako sa isang leadership training. Sana masaya yun. labing lima lang kaming makakasama, at sana ay maging makabuluhan yun.-------------------------- Parang nagiging sunud-sunod ata kamalasan ko ah. Look at my last 2 entries. Tapos heto pa. Nabalitaan ko na lang na hindi na raw kasama yung batch namin sa Youth Encounter na magseserve mamaya sa susunod na batch dahil sa gulong nangyari nung huli. haay. Eh ano pa kayang silbi ko bilang coordinator nila? |
It was 2 weeks ago when I read a back issue of a magazine KERIGMA. This is one of my favorite magazines, by the way. One article that strike me there was all about looking for your LOVE. And there was this question on that article, "What if you can't still find your partner?" The writer answered, "Prepare yourself to be a good partner." That makes sense. If you can't find one, maybe there's something wrong with you, or maybe it's just really not your time after all. From brushing your teeth, keeping your clothes, how you wear your hair. I know that outside beauty comes second but we should keep ourselves at least presentable enough. A little vanity won't hurt. But for now, I should keep improving myself by... 1. feeding my mind - I keep reading books, magazines, and other internet articles where I can learn lots of things 2. improving my health - I forgot to blog that it has been 2 weeks since I started going to gym. But I already feel good about myself even though I still have a long way to go. 3. engaging in social activities - Church work, youth programs, anime clubs... been there. I'm seeking more. 4. think positive - I need to improve this one though. 5. Vanity - Everybody says that I do look good in long hair. I used to keep my hair short. And I mean super short. Flat tops. And some people make fun of me for that. 6. Smile! One day, my client wants to see me on the webcam. and he jokingly said that if I ever come to L.A., he would introduce me to a lot of Pretty Filipina girls in there. And I laughed. He also complimented me to that and told me that I should keep that smile. Honestly, grace under pressure is not my thing, that's why I always look serious in the office. 7. Don't let other people insult you - This is quite hard without entering an argument or a fight or even just not getting angry. The bottom line here is to love yourself first, so that you can love others. That may probably sound selfish but you cannot give what you don't have. It all starts in you. |
TAG me!






