image

Entries for September, 2007


RantZ


written last September 4, 2007 03:44 PM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Arrogance.  I had enough of arrogance these past few days. It is said that, sometimes, knowledge makes somebody an arrogant person. To bad I had to engage to those kind of people lately. Argh.

That made me conscious. I wonder if I have offended somebody lately... if I ever become one. To my friends, just tell me honestly if I did. I'll accept constructive criticisms, so that I'll keep my feet on the ground.
-----------------------------

 Bday ni insan Ray-ray kahapon. Nanlibre sya sa Pantalan (Somewhere  in Luneta Park). Grabe sarap ng sea foods!
More success to you bro!
-----------------------------

 Ang sama talaga nung sinabi ni Malu Fernandez sa isang article nya. Ayun, pinagtitira sya ng mga pinoy, mostly OFWs na na-offend sa kanyang artikulo. Heto yung full article:

http://www.tingog.com/wp-content/uploads/2007/08/people-asia-p30.jpg
http://www.tingog.com/wp-content/uploads/2007/08/people-asia-p31.jpg

Nagso-sorry sya sa mga naoffend nya, at mukhang nag resign na rin sa pahayagang kanyang pinagtrabahuhan.

Habang binabasa ko mga articles nya, naalala ko si coffeebean. I don't know if you people know this guy, pero sumikat sya dati sa mga bloggers dahil sa kanyang mga panlalait sa mga call center agents, sa pasosyal na paraan. Pero kung babasahin mo naman, mahahalata mo namang nagpapatawa lang ang kalbo... at hindi tulad ng ginawa ni Malu.
-----------------------------

 









Panaginip


written last September 9, 2007 03:48 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

At syempre, puyat na naman ako as usual.

Natutulog na ako kanina, pero ginising ako ng isang panaginip. Sobrang vivid nung panaginip ko, parang totoo. Naiiyak na nga ako nung magising.

Nadoon raw ako sa isang lugar. Mukhang college school ata. Nakita ko ang aking sarili na mukhang naghihintay.

At may dumaing na isang babae, kamukha sya ng crush ko nung highschool na ka-school bus ko at kapitbahay lang rin. Maganda sya as usual, mahaba ang buhok, maputi, makinis ang balat.

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Girlfriend ko daw pala sya (Well, kahit sa panaginip man lang, at least di ba? hehe). Naka ngiti kami pareho sa isa't isa, at kinamusta ko, "How was your day?"  Bigla lang syang sumimangot at nagkwento. Hindi raw maganda. At nagkwentuhan kami ng ilang minuto pa.

Hanggang sa kinailangan na nya raw muna akong iwanan, may piano lessons pa raw sya. Napangiti na lang ako. Sabi ko sa kanya, "Ako rin, kumukuha ng ganyan ngayon."

Sinundan ng aking mga mata ang babaeng iyon papalayo mula sa akin. Pero nakita ko syang huminto, at tumingin sa isang lalaking nakasimangot na nakaupo sa isang tabi. At nagusap sila ng masinsinan. Hindi nila alam na lumapit ako, at pinakinggan ang usapan nila mula sa isang taguan.

"Siya na ba?", tanong ng guapong mestiso.

"Oo. At mahal na mahal ko sya!", sagot ng babae.

Parang tumawa ng may pagka-sarcastic ang lalaki. At winika nya, "Sana yung ipinalit mo man lang sa akin yung may pagka-boyfriend material. Yung kapantay ko naman!"

Narinig ko na ipinagtanggol ako ng babae. Pero sa init ng ulo ko, lumayo na lang ako.

Umalis na sa lugar ang babae papunta kung saan. Pero yung lalaki, papunta sa kung nasan ako pero nilagpasan ako. Pero ilang pulgada pa laman ang layo nya, bigla ko raw binatukan ng ubod ng lakas ang lalaking lagpas pa ng 6 feet ang taas...

"Boyfriend material pala ha?! @#$%$%^%&^", pasigaw na sabi ko at may kasama pang mura.

Nanggagalaiti ako sa galit. At bigla na akong nagising na may luha sa aking mga mata, at may naiwang tanong sa aking isip, "Mahal ko pa ba ang sarili ko?"

Hindi ko alam kung bakit may ganung tanong pero yun ang mga unang salita na naisip ko pagkagising ko.
------------------------------

O sya, kailangan ko pa palang tapusin ang video na ginagawa ko. Dadating kasi si Cardinal Gaudencio Rosales sa aming parokya mamayang gabi para makiisa sa 25th anniversary ng aming parokya. God bless.








Ang Piyesta sa Parish of the Holy Cross


written last September 15, 2007 04:55 AM .
Posted by solitude12 | 4 commented .

Wooo~ sa wakas! Natapos na rin ang sampung araw na puyatan! Grabe yun. Ang laki ata ng hirap ko para dun sa souvenir program namin. Paano ba naman, 25th anniversary ng parokya namin. At syempre, gusto ng aming parish priest na maging sobrang espesyal ito.
-----------------------------------

Ang Huling Gabi ng Pistahan.  Nagkaroon ng isang programa doon lamang sa paligid ng simbahan.


Nakasali ako sa isang game LOLz. Going to Market ata yun.


PYM. Nakacostume pa yung iba hehe. Sumayaw kasi.


Isa pang picture ng PYM, na may kasamang mga batang sabik sa camera.


With Lyra. Isa na siguro sa mga kaclose ko sa BEC.

-----------------------------------

Puyat na puyat at pagod na pagod na ako dahil sa programang iyon. Gayun pa man, masaya pa rin ako.

To be continued ang istoryang ito.
-----------------------------------










written last September 15, 2007 06:26 AM .
Posted by solitude12 | 5 commented .

Dito na lang ako siguro maglalabas ng sama ng loob...

SOBRANG badtrip lang ako nung isang linggo. Asar naman kasi yung mga taong magbibigay ng bagay sa 'yo, tapos magugulat ka na lang isusumbat sa yo na ibinigay nya yun.

Hinding hindi ko ginagawa ang panunumbat. Alam ko ang pakiramdam ng nasusumbatan. Masakit kaya yun. Iniisip ko nga minsan, sana hindi mo na lang binigay yun eh, kung alam kong gaganyanin mo lang ako.  At alam mo, hindi lang yun yung epekto eh. Parang bumaba tuloy yung tingin ko sa sarili ko, pakiramdam ko tuloy hindi ako worthy dun sa nakuha ko. Pero hayaan mo, ok lang. Aalagaan ko na lang ng mabuti tong ibinigay mo, at magpapasalamat pa rin ako sa 'yo.

Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa mo sa kin yun. Marahil napatawad na kita, pero hindi ko makakalimutan yang ginawa mo.









Just another manic Monday


written last September 25, 2007 11:14 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Yesterday.  Sobrang halu-halong emosyon ang naramdaman ko nung araw na yun. Ewan ko bah.

Nagsimula kasi yun nung Linggo. May na-confirm akong balita mula sa isang nadulas ang dila. Di ko lang alam kung dapat ko ikwento yun dito pero... bahala na.

Meron kasing isang member ng youth group ko ang nanligaw daw sa isang nakakabatang batang babaeng member. Wala na siguro ata ako dapat pakielam dito, pero nagkaton lang naman kasi na ang babaeng ito ay minsan ko nang sinalo kapag ginagabi ito sa practice ng choir. Ako mismo ang nagsasabi sa Lola nya (na nagkaton namang ninang ko) na sagot ko na ang batang ito, at sisiguraduhin kong hindi sya mapapahamak o gagawa ng kalokohan sa labas. Kaya siguro panatag ang kalooban nila pag kasama nya ako. Pero nagulat na lang ako nang mabalitaan ko ang problemang ito. Natakot kasi ako na ako mismo ang mapagalitan pag nabalitaan ni ninang ito. Buti na lang mukhang nabasted ata. Kaso mukhang hindi na nagpakita yung nanligaw. Sayang, mabait pa naman ang batang iyon, pero ayoko yung ginawa nya. Nagalit ata ako sa kanya dahil dun.
-----------------------------------

Nung kahapunan, dumaan muna ako sa nursery school na lagi kong tinatambayan. Baka magtaka kayo kung anong ginagawa ko dun. Kaibigan ko kasi yung mga teacher at may-ari nun, at nakiki-teacher na rin minsan. Pag nalulungkot kasi ako, pumupunta lang ako dun minsan. Nakakatuwa kasi yung mga bata, kahit na makukulit.

At lalo naman akong natuwa dun sa isang bata dun. Nagpapatutor lang ang batang yun actually. Si Gabrielle. Isang napaka-cute na 6 yr old English-speaking girl.. Lumapit sya sa akin tapos hin-hug nya ako tapos sabi nya, "Hi Kuya Benj! I'm so happy you're here!"

Nagulat naman ako. Sabi ko, "Really? Why?".

"Because you're so nice.

Wow grabe. She really made my day. Totoo nga na kahit mga simpleng salita na ganun iba ang impact sa tao ano? Wish ko lang maraming taong ganito.

Tapos nun, nakipag-kwentuhan ako ng matagal sa kanya habang hinihintay nya ang kanyang sundo. Nakakatuwa nga eh, sa napakabatang edad, ang dami nyang alam. Matalino.
-----------------------------------

Nung kinagabihan, nagsimba naman ako. Sa simbahan, nakita ko si Sarah.

Sa totoo lang, nalulungkot ako pag nakikita ko ang babaeng ito. Hindi ko ata sya matignan ng derecho. Nagsisimula akong mag self-pity pag nakikita ko sya. Marahil siguro, hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dun sa nagawa ko nung ilang Linggo na ang nakakaraan. Napa-yuko na lang ako habang nag-mimisa, pilit na itinatago ang emosyon.

Siguro kailangan ko na ulit mangumpisal. O marahil, hinihintay ko na marinig ko mula kay Sarah at Fr. Ted (baka galit pa rin sa kin toh) yung mga salitang "I forgive you."
-----------------------------------

Na-stress ata ako masyado kahapon sa pagiging emotional... 









Reverend RJ


written last September 28, 2007 08:19 AM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Five new priests for Manila archdiocese ordained Sept. 29 Sunday,
September 23 2007 @ 02:24 PM BST

National

Manila Archbishop Gaudencio B. Cardinal Rosales will ordain five deacons to the sacred order of the priesthood for the Archdiocese of Manila on September 29 at 9 a.m. at the Manila Cathedral, Intramuros District, Manila.

September 29 is also the feast of the archangels Michael, Gabriel and Raphael, noted the archdiocese's media office.

The five deacons to be ordained are: Jeremiah A. Adviento, UST Seminary; Antonio A. De Guzman, Jr., UST Seminary; Richard James M. Babao, Holy Apostles Senior Seminary; Arnold Rex L. Kintanar, Holy Apostles Senior Seminary; and John Patrick D. Calimlim, San Carlos Seminary.

They will preside at thanksgiving masses on separate dates at different parishes nationwide.

Adviento will officiate mass at the Most Holy Trinity Parish, Balic-Balic, Sampaloc, Manila on Oct. 6 and St. Paul Metropolitan Cathedral, Vigan, Ilocos Sur on Oct. 20.

Babao is scheduled at the Holy Cross Parish, Tejeros, Makati on Sept. 30 and Our Lady of the Rosary Parish, Rosario Heights, Cotabato City on Oct. 10.

Calimlim will hold masses at Sts. Peter and Paul, Poblacion, Makati on Sept. 30 and San Nicholas de Tolentino Parish, Castillejos, Zambales on Oct. 7.

De Guzman is assigned at San Roque Parish, Mandaluyong City on Oct. 3 and Parish and National Shrine of Our Lady of Fatima, Marulas, Valenzuela City on Oct.7.

Kintanar will be at Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, Punta, Sta. Ana on Sept. 29 and Mary Mediatrix of Grace Cathedral, Digos, Davao Del Sur on Oct. 7. (PNA)


Nakakatuwa naman! Magle-level up na si Rev. Richard sa Sept 29 hehe. Priest na sya. At syempre, naimbitahan ako para mag photographer sana, kaso nga lang ay may work ako nung araw na iyon. Sayang. Pero ayos lang, sa thanks-giving mass na lang ako babawi.

** Si Rev. Richard James Babao ay pinsang buo ni...

 

tama ang hula mo, ni Julius Babao ng ABS-CBN. Mamimiss ka namin, Rev. Father RJ









weekend


written last October 1, 2007 05:09 AM .
Posted by solitude12 | 6 commented .

Last Saturday was fun! I tried to enjoy as much as I can. I went watching Resident Evil 3 at SM Megamall, then went around to window shop, then play some arcade games that I love. Too bad I did all that alone. Well, it's not that bad. I kinda used to it anyway. I also bought a new umbrella. My old one flew away when I opened it early that day. Probably it's too old.

Later that day, I went to San Carlos Seminary to join my fellow Youth Ministers in a youth formation. I was so happy to see old faces back there. And the formation was fun too! It was not the usual preachy formation we used to attend at, but a youthful event with music, dance, and some cake raffle. And of course, some inspiring words from our fellow youth members from different parishes.
---------------------------------

Yesterday, I've been taking pictures for another church event. That was a thanksgiving mass of the new priest, Fr. Richard James Babao. He got ordained last Saturday. Too bad I was still at work that day. His cousin, Julius & daughter Antonia was even at the ordination to see him.

I gave him a handshake before he gave his very first mass. And he was too excited about that. He also held a feast after the mass. Though I forgot to eat because of the business. But all went just fine that night.

Congratulations again, Fr. Richard. And I'm so glad that you will still be with us until the end of January next year.








 
image image image
image image