image

Entries for November, 2007



written last November 4, 2007 10:23 PM .
Posted by solitude12 | 5 commented .

Hay naku naku...

Lingid sa kaalaman ng iba, eh miserable ng pribadong buhay ko ngayon. Ewan ko bah. Tatlong linggo na rin nga ako di nakakapagsimba eh. haay.

Being financially stable is not everything. Yan ang natutunan ko. O marahil hindi lang ako ganun ka-thankful?
I don't know what's next for me.
-------------------------------------

Messianic Complex. Unti-unti nararamdaman na ng katawan ko ang pagod. Akala ko invincible ako. Akala ko lang yun. Humihina na rin ang resistensya ko. Madali na mapagod, di tulad dati. Kulang pa sa exercise. Kaya ngayon, sinusubukan ko na humindi sa mga nagpapatulong sa akin.

Ang hirap talaga ng may Messianic complex. Yun yung feeling mo na parang tagapagsagip ka lagi ng araw ng iba, at nagiguilty ka naman pag di mo sila natulungan. Minsan iniisip ko tuloy kung ano ba talaga ang rason ng mga pagtulong ko. Bukal ba talaga sa loob? Napilitan? Tao rin naman ako, may mga araw na iba't iba ang rason ko kung bakit.

Siguro susundin ko yung payo ni Lloyd Luna, "If others can do it, let them do it.". Hehehe. Sa tagalog, "Kung kaya ng iba, ipagawa sa kanila!"

To my friends who are reading this, PLEASE, don't take me wrong. Hindi masama ang loob ko sa inyo. Hindi naman rin sa nagsasawa na akong tumulong. Pero siguro, narealize ko lang na masyado nang battered ang katawan ko, at marami lang talaga akong ginagawa sa buhay.
-------------------------------------

UTANG NI MO! BAYARAN MO! Sana naman magbayad na yung may mga utang sa akin ampf. Grabe... Feeling ko uto-uto ako. Di ko na nga sinisingil eh, ako pa ang nahiya. ilang tao rin yun. Hirap rin talaga minsan magpautang sa kakilala, pahirapan ang singilan. Siguro pag pinagsama-sama lahat ng utang sa akin ngayon, aabot ng P6,500. WAAAA!!! Halos kasing presyo na yun nung gusto ko bilhin na Nintendo DS huhuhuhuhuhu!

Alam nyo, marami kasing nag-a-assume  na "ganun" ako kayaman. Naku kung alam nyo lang...
-------------------------------------

On PYM. Fun, Faith, Friends. Motto ng PYM namin yun. I had fun. And I admit that my faith truly blossomed while with them all this past year and a half.

It's just that... I don't know. Friendship... parang kulang. Nung mapasok ako dito, I was expecting to have deeper friendship with some of the people here.

Alam nyo, sa pagtanda nyo, matututunan mo kung gaano kalapit ang pagkakilala mo sa iba bilang kakilala lang, kaibigan, best friend, etc. Ewan ko. Siguro ako ang may problema kaya walang gaanong malapit sa akin ngayon. Kung makikita nyo mga pictures ko sa friendster, dami ko langing kasama. Pero ewan ko ba. Siguro busy lang talaga ako sa work. O marami pang ibang iniintindi. O kaya baka naman hindi kasi ako open sa iba. Minsan naaisip ko tuloy na there's something wrong with me (?). 

Buti pa ang blog kong ito pinakikinggan ako. lolz.









Thoughts before I sleep


This favorite post was written last November 24, 2007 01:48 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Haay tagal ko ring hindi nakapag-blog. Na-miss ko to.

Medyo marami na ring nangyari mula nung huling entry ko. By the way, I'm going to Olongapo later in the morning to see Tere. Na-miss ko ang babaeng to. Sana rin makita ko yung isang member ng PYM na nanirahan na sa Gapo, si Kris. Aba syempre si Onat rin na lagi ko naman nakakasama dun.
-------------------------------------

Speaking of PYM, medyo hindi na ako in good terms sa kanila nowadays. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko man lang alam kung gusto pa nila ako bumalik. Nung Huwebes ng gabi kasi, nagkaroon ng assembly ng Church members sa parish. Mga 2 upuan ang layo ko mula sa kanila. Napansin ko na ni hindi man lang nila ako nililingon. Parang hindi ako naroon. May sumisilip pero parang hindi nila ako talaga tinitignan. Naramdaman ko na hindi na ata nila ako kailangan. Ewan ko ba. Nakakalungkot lang pero tulad nga ng sabi ko sa office nung isang araw, kapag nasaktan ka, just move on.

Marahil siguro ang isa sa mabigat kong pagkakamali ay hindi ako nag open-up sa kanila. Sa totoo lang hindi ko maaring gawin yun. May mga bagay na hindi ko masabi sa kanila ng harapan, sapagkat alam ko, kapag ginawa ko yun, hindi na magiging bukal sa kanilang kalooban ang mga susunod na sasabihin nila o ikikilos. Ayoko ng ganun. Ang hirap ng kalagayan ko. Hinahayaan ko nang mapalayo sila sa akin.
-------------------------------------

On what's happening between me and my friends is a blessing in disguise.

This may sound like I am sourgraping. Pero masama kasi ang nagawa ko. Iniwan ko yung mga kaibigan ko dati dahil nakilala ko ang mga tao na alam kong mas makakapagpalapit sa akin sa Panginoon, at hindi naman ako nagkamali.

Sa kasamaang palad, hindi rin nagiging maganda ang relasyon ko sa kanila, kaya naman hinayaan ko munang mapalayo ako.

Alam nyo, lagi kong ipinagdadasal sa Panginoon na huwag nyang ilalayo sa akin ang mga kaibigan ko. Feeling ko kasi mamamatay ako pag wala sila. I got TOO attached. But the Lord may take away anything that is bad for us.

Naging malungkot ang buhay ko nung mga nakaraang araw.

Pero nakakatuwang isipin na kahit papaano, nagiging maganda ang relasyon ko sa pamilya ko.  Marahil, hinayaan ng Diyos na mapalayo ako sandali sa aking mga kaibigan, upang makapagbigay ako ng oras sa pamilya ko.
------------------------------------- 

Kanina nakatanggap ako ng Baptism of fire sa aming Christian Life Program ng Singles for Christ. Nakakagaan ng kalooban ang mga prayers sa akin ni Kuya Jay. Maraming salamat. Wish ko lang sana nakapag-kumpisal man lang ako bago ako sumailalim dito. Siguro sa darating na Linggo na lang. Sabi ni Kuya Jay yung Greenbelt chapel daw ay laging may Pari para sa mga ganung okasyon. Bibisita ako sa Greenbelt kung ganun.
-------------------------------------

Nagkita pala kani ni Dainty ilang linggo na ang nakaraan. Kasama si Mike, hinintay namin ang aking butihing kaibigan sa Megamall. Nakakatuwa rin at nakasalubong namin si Marian! Aba, CPA na pala sya ha. Congrats girl! Dainty looks cuter than before. Tabachingching pa rin hehe. Syempre kwentuhan. Nilibre ko na rin kahit na paubos na ang pera ko. Ayos lang, basta masaya.
-------------------------------------

 Bago man lang ako matulog at umalis mamaya (patungong Gapo), gusto ko sana sabihin na pasensya na sa lahat ng nasaktan ko. Marahil hindi ko sinasadya. Sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga kasama ko sa trabaho. Patawad po kung may nagawa man akong nakakasakit sa inyo.

Di ko alam kung anong mangyayari mamaya, pero sana maging ligtas ang biyahe ko.









Thoughts before I sleep -- part 2


written last November 24, 2007 02:16 AM .
Posted by solitude12 | 3 commented .

Ano pa nga ba...

Ayun, nangangalahati na pala ako sa pagbabasa ko ng The Alchemist ni Paulo Coelho. Ang ganda ng story! Ibang klase talaga sya magsulat. Nabasa ko na rin dati yung isa pa nyang akda na Veronica Decides to Die.

Mula dito, may mga natutunan ako tungkol sa kung paano ko maaatim ang mga pangarap ko. Tulad nga ng sabi ni Big Lloyd, "it's all on how you think" or something like that...
--------------------------------------------

 Nakakatuwang isipin na lumalaki na ang kompanya namin. In fact, nakapag-hire pa kami ng 2: mga kabarkada ko rin sa #weareanime chatroom noon sa IRC, si Mike at Vien. Tapos may isa pa kaming OJT, na kahit papaano ay nakakatulong sa aming trabaho.

Nakausap ko noon ang aming CEO sa Los Angles, at binigyan nya ako ng ilan pang mas mabibigat na responsibilidad sa aming tanggapan. Bilang senior (as in senior web developer, hindi senior citizen) sa aming opisina, pinahintulutan nya ako na pamunuan ang aming team sa maraming bagay. Syempre katuwang ang aming mga manager.

Hangga't maaari ay pinagaaralan ko na maging hindi gaanong ka-dependent sa aming mga manager. Sa December 15 kasi, maglileave ng matagal si Manager dahil ikakasal na sya. At malamang, medyo mahihirapan ang opisina na i-manage ang mga trabaho. Kailangan ko ring i-train ang mga bagong empleyado upang maging sufficient ang manpower namin. Pinagdadasal ko lang na sana ay makisama ang bawat isa. Natatakot ako, pero kailangan kong maging matatag 'pag dating ng araw na yun.

Nakakatuwang hindi pala nasayang ang napag-aralan ko sa Youth Camp. Nagagamit ko iyon sa totoong buhay.
--------------------------------------------

 Napakiusapan pala ako ng manager namin na humanap ng choir na kakanta para sa kasal nya. At mukhang may sagot na ang hiling nya...
--------------------------------------------

 Anyway, got to sleep now. It's going to be a long day tomorrow.









My November Gapo Trip


written last November 27, 2007 10:12 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

MEDYO late na akong nakaalis ng bahay nung 24th. Ang balak ko sana ay 10am, nasa gapo na ako at makatambay dun sa bandang subic bay at mag-sesenti sandali. hehe. Kaso nga lang ay pasado 12pm na ako nakasakay ng bus at lumuwas patungong Gapo. Mulikong nasilayan ang mala-Initial D na kalsa papunta doon. Sa daan ay ka-text ko si Tere at sinabi ko na medyo mahuhuli ako ng dating.


Arrival & bday party. Nakarating na ako ng Gapo ng mga bandang 3:30pm na. At niyaya ako ni Tere na sumama sa isang children's party sa kalapit na Jollibee branch. Birthday daw ng anak ng isa nilang kliyente sa bangko. Alam ko nakakahiya umatend sa party ng ganun-ganun lang. Hindi ko kasi ugali yun, pero sige lang. Nakakatuwa rin kasi may nakita akong pamilyar na mukha. Ganun pa rin sya, sobrang tahimik.
Grabe, sobrang yaman naman nung nagpa-party. Kung tutuusin, hindi lang sa Jollibee kaya magpa-party ng taong ito. Pwede rin sa Hotel. Pero request ng anak eh.

Nakakatawa nga kasi halos ang matatanda lang ang naglalaro. Pero grabe ha, kung makita nyo lang yung mga prizes: DVD Players, Kitchen appliances, etc. Parang pa-raffle na sa amin ito eh. Dito walang ticket, maglaro ka lang. Sinasali nga ako, pero tumanggi ako. Paano kung manalo ako di bah? Sabit lang naman ako. Nakakahiya.

Pusher. Pagkatapos ng kiddie party, sinamahan namin pauwi ng bahay ang manager ni Tere. Pinagbuhat pa kasi ng cute na cute na baby si Arlene (yung kasama namin ni Tere sa picture).  hehe. Sumakay kami ng jeep papunta sa Dental clinic na pag-aari naman ng asawa ni manager. Sa kasamaang palad ay nasiraan kami ng sasakyan. hay naku. Alam nyo ba na nagtulak ako ng jeep? Ayus. Dalawa lang kami nagtulak nung isa pang manong na matanda. Ayaw tumulong ng iba amps. Kaso di rin gumana. Malapit na naman, kaya naglakad na lang kami.

Medyo nagpahinga lang kami sandali sa klinika at umusad na patungo sa isang mall na malapit sa Subic kung saan kakatagpuin namin si Onat. May

tinapos lang raw na trabaho. Aba may trabaho na pala to, di ko alam. Naging software tester pala sya sa subic. Buti at mukhang maayos naman ang hanap-buhay nya.

 

Alay lakad at Street Parties. Ayun, nang magkita kami nina Onat, derecho lakad kami sa SBMA. Sinara ang ilang kalsada roon para sa mga street parties at concerts. Marami ring sikat na banda ang dumayo pa mula sa Maynila. Napakaraming tao upang makisaya. At sya nga pala, kaya pala may mga ganun dahil sa 20th Philippine Ad Congress na ginanap ng ilang araw sa SBMA.

[to be continued...] 









1 Corinthians 13:1-13


written last November 29, 2007 02:43 AM .
Posted by solitude12 | 7 commented .

Love is patient, 
love is kind...

My favorite verse in the bible.
--------------------------------

Nakakatuwa lang yung usapan namin ni Jacq nung isang gabi.

May question kasi syang nilagay sa Facebook nya, "If you could do anything right now without having to suffer any consequences, what would it be?"

I answered, "Say I love you to someone".

I'm not a very expressive guy, and been single since birth. Medyo humaba ang usapan namin, pero maganda ang sinabi nya sa akin...

Just remember that it's easier to say "I love you" to someone, but it's harder to make somebody feel they are truly loved.








 
image image image
image image