Entries for December, 2007
Sarap ng pakiramdam ko hehe. A few weeks ago, I had a confession to a priest. Then 2 nights ago, naayos ko na yung problema ko dun sa choir. May ginawa kasi akong kasalanan. Ikakasal ang manager ko ngayon December. At bilang pabor, nagpahanap sya sa akin ng choir na kakanta sa serimonya. May mga kilala naman akong choir kasi, kaya ayun. Dahil sa kabilang ako sa isang youth choir, ayun na rin ang niyaya ko. Unfortunately, hindi naging maganda ang pakikipag-ugnayan ko sa kanila nung mga nakaraang araw. Nag-assume tuloy ako na ayaw nila. Kaya naman inalok ko ang isa pang youth choir na kakilala ko, at pumayag naman. Nabalitaan ng kabilang choir ang ginawa ko. Medyo nagkaroon ng pagkalito kung sino ba talaga. Kaya naman nung isang gabi, naglakas-loob ako na humingi ng tawad sa kanila. Medyo natakot ako, pero pinilit ko ang sarili ko. Kaya naman ang sarap ng pakiramdam ko ngayon. |
Nakalimutan ko banggitin nung huling entry ko. Dalawang araw bago ko kinausap ang choir at nanghingi ng paumanhin, napatawag si Nes sa akin. Nasa trabaho daw sya noong panahon na iyon. Hindi ko rin sigurado kung tunay ngang tumawag sya dahil sa sincerity, o baka naman napag-usapan lang ako sa grupo kaya sya ang naatasang kamustahin ako. Patawad kung nagduda ako nang oras na iyon. Marahil dala pa rin ng sama ko ng loob sa kanila. Pero sobrang natuwa ako na makausap sya ng ganun. Hindi ko man nabanggit ang buong detalye ng pagliban ko sa grupo, pero kahit papaano nasabi ko ang aking ilang saloobin. Maraming salamat Nes sa magagandang sinabi mo. Tulad nga ng sabi ko, nangangako naman ako na babalik ako isang araw. Medyo abala lang ako talaga ngayong buwan ng Disyembre. Nagsisipag talaga ako ngayon Disyembre. Marahil dala na rin ng pangangailangan. Dumadami rin kasi mga inaanak ko... at utang. hehe. Umaabot na ata ng 13,500 ang utang ko: credit card, keyboards, school. Kaya sorry muna dun sa mga namamasko sa akin na hindi ko inaanak. Pasensyahan muna. Ang masama nga lang nito, nararamdaman ko na hindi na maayos ang kalusugan ko tulad ng dati. Mukhang kailangan ko talaga ng pahinga... at ehersisyo. Balak ko nga na bumili ng running shoes para magamit ko sa jogging. Bahala na kung aabot pera ko. Speaking of 13th month pay, ano kako ang balak ko bilhin? Ayun nga, isang pares ng running shoes... at Nintendo DS! hohoho. Merry Christmas to me. lol. |
Our latest company picture. (from left to right) Guys: Patrick, Sephy, Elton, Mike, Dennish, Nico, me (from left to right) gals: Apple, Fatie, Natalie, Vien, Karina The company is getting bigger. I hope we do better this time.
--------------------------------------------- Everything's going fine so far in our company. And... oh. hmm... I think Karina's cute.
hihi. I'll to be friends with that new girl. |
TAG me!



hihi. I'll to be friends with that new girl.