Entries for April, 2008
I rarely blog nowadays. Sobrang busy lang talaga ako. So I make it a point that I take picture of important events when I've been so I can remember. So here are some tidbits of where have I've been... Warning, downloading this entry may slowdown your PC. Here it goes... (Read More) |
Yesterday was not an ordinary one. I went to see a play! Yay! It's been a while since I did that. Nakakita lang ako ng ad sa Philippine Daily Inquirer na may libreng play daw sa Goethe-Institut (yes, institute with no "e" Although hindi gaano kilala ang mga bida sa play, except for Mr. Jeffrey Quizon, magagaling silang lahat. The setting of the play is entirely new. Instead of the usual stage set-up, they acted in a center an ordinary office room, while the audience sat around them watching like for about 2 to 3 feet away from them. Too bad I didn't bring my camera along. So I just shook hands with Mr. Quizon and the director after the play. It was fun! |
"Tanda mo na!" Yan yung mga katagang malimit na marinig ko ngayon. Naging 27 anyos na ako kahapon, at parang hindi pa rin sigurado kung saan papunta. May mga tao rin na nagugulat dahil ni hindi man lang ako nagkaroon ng GF ni minsan. ang masasabi ko lang sa kanila eh... "Eh ano naman? Nabuhay ako ng 27 years na walang ganun!" Oh di bah? Ang taray! hekhekhek. Sa akin lang naman eh may iba akong prioridad sa buhay bukod dun. Paano ko ba ipinagdiwang ang kaarawan ko? Wala lang. Nagsimba na ako nung Sabado ng gabi. Nanlibre ng ilan sa mga kaibigan ko. Tapos nung umaga ng Linggo, dumaan lang ako saglit sa parish para kamustahin ang fund raising ng PYM. At dumerecho sa hospital. Na-ospital kasi bunso kong kapatid 4 na araw na siguro. Nagbantay lang ako mula umaga hanggang hapon. Pero nung kinahapunan na at dumating na ang nanay ko, dumerecho ako ng Greenbelt at nagkumpisal sa pari. Tapos Mass ulit, at nagpaikot-ikot sa Greenbelt at Glorietta at bumili ng mga bagong damit (astig yung mga nabili ko hehe). Biruin mo nga naman, ngayon lang ata ako nakabili ng sarili kong damit na pang-office sa loob ng halos mag-dadalawang taong pagta-trabaho ako. Siryoso. Wala pang sweldo, pero buti na lang naibigay na sa amin ang income tax Return namin. hehe. Nung kinagabihan, balik ako sa Makati Med. Dumating kasi si Tita Mely. Saya ko dun sa regalo nya! Plane ticket! Kaso gastos ko na yung iba. hehe. Iniisip ko kung itutuloy ko yung balak ko na mag-Boracay mag-isa. Ginawa kong makabuluhan ang araw na yun hanggat maari. Salamat sa lahat ng bumati
Pagbabago. Changes are unevitable, 'ika nga. Marami na akong narinig na komento sa iba't ibang tao na nagbago raw ako. Bukod sa mas bumilog ako ngayon, marami sigurong nagbago sa ugali ko: negatibo at positibong mga pagbabago. Ewan ko ba. Hindi ko na napansin yun hanggang sa may ilang mga honest na tao na nagsabi sa akin ng ganyan. Salamat mga mga taong ito. At sa tingin ko ay mas lalo ko nakilala ang sarili ko ngayon dahil sa kanila. Marahil dala na rin ng napakaraming pagsubok na napag-daanan ko nitong mga nakaraang buwan, na nagtulak sa aking mga pagbabago. Gayun pa man, ako pa rin ito. |
And I thought I would never get a gift on my birthday... First of all, Ms. K gave a box of Chips Ahoy. It may seem so simple, but it is really touching ya know. Like what I just said, I didn't expect to get a gift, but someone have a thought to give me one. I really do appreciate this K.
![]()
The next two are my gifts for myself. lol. I bet you guys outthere buy yourselves gifts too. I bought an 8Gb thumb drive and a 10-Kilo dumbel. ![]() Lastly, my aunt gave me a two-way domestic flight ticket to anywhere I choose. Hmm... I wonder where should I go? I'm thinking of Bohol. Mukhang matutuloy yung beach ko alone.
Saisaki lunch with CareerEdge guys. Nakakahiya yung nangyari sa akin kahapon sa lunch namin sa Saisaki. Kumain kami, all-you-can eat. Puro sushi kinain ko, ambigat sa tyan. Di na ko naka ulit sa sobrang bigat ng kinain ko. Feeling ko masusuka na ako. Umalis na lang ako pero ang sabi ko babalik ako... pero di na ko nakabalik. lol. |
Naranasan nyo na ba yung ganitong sitwasyon? Yung inaakala kang galit nung kausap mo, kahit hindi naman. Tapos either aawayin ka na lang nung kausap mo o sasabihan kang "wag ka naman magalit!" At dun ka maaasar talaga! Ang masama pa nun, pag naka-kausap ka pa ng taong pikon. Ako kasi ilang beses na. Ewan ko ba. Pasensya na hindi lang talaga ako siguro magaling sa pagpapahayag ng sarili. |
It's hard living in a life based on logic. Emotions rarely expressed. Apathetic. Suplado. Sungit. Whatever you call it. Now some friends starting to call me insensitive. Even my bestfriend. I don't know, for some reason it is being like a defense mechanism. Sometimes I don't really intend to hurt somebody's feelings, but before I know, I already did. And then I start to feel guilty about it. I'm turning into somebody I don't want to be... maybe because of all those frustrations and disappointments in life. Nobody knows, but deep inside is an emotion waiting to burst... I just don't know how to express myself. |
I can't deny it, but the depression is still there. Have to look for a way to fight it. Hmm... Sa totoo lang na-miss ko yung mga dating friends ko. By the way, I might be living in my own pad soon. We have a house in Antipolo, which is like an hour away from where I'm working. Wala naman nakatira ngayon dun. Kaso pakakabitan ko pa muna ng ilaw, at mag gegeneral cleaning ako. Mamaya punta ako dun para mag-inspection at mamitas ng mangga. La lang, trip ko lang tumira. Siguro para na rin matuto ako maging independent.
|
Ahoy. Eto late na naman ako matutulog. May raket kasi ako kanina sa Ariva! at sinamahan ko kanina si Kim sa hospital. Naaksidente kasi Lolo nya. So far so good. Ang mga susunod na nakalagay sa entry na ito ay puro pictures. (Read More) Dami pang magagandang cars dun pero masyado nang marami para i-blog. That's all for now, folks! |
Naisipan ko nga palang tirahan itong nabubulok na naming bahay sa Antipolo. May issue kasi na nangyayari sa pamilya, at mukhang kailangan ko tauhan itong abandonadong bahay na ito. Umalis na nung December ang dating umuupa dito. Kaya ilang buwan na ring abandonado, at mukang nagsisimula nang mabulok ang ilang parte, tulad ng bubong at kisame. Napakarumi rin sa loob nung madatnan ko. Sa totoo lang, pagpasok ko dito, tila nasa loob ako ng hunted house. Tulad nga ng sabi ng kapitbahay rito, iba na rin daw yung may nakatira sa bahay, hindi agad naluluma. Pinagiisipan ko rin kung titira ako dito. May mga advantages at disadvanges kasi kung dito ako mananahan: Advantages:
Sa kabuuan, kung titira ako sa bagong bahay, mas magiging focused ako sa sarili ko. Di ko alam kung maganda bagay yun, kasi nagwo-worry ako sa pamilya ko. Sana lang eh, kung lalayo ako, maging maayos ang lahat. Finally, my own bachelor's pad (?) |
"You cannot hold onto anything that needs to go, you just have to love them while you have it... And that's it." ---------------------God bless! Happy weekend guys |
Suicide. Dumating na ako ng bahay ng bandang 10:30 ng umaga at naligo agad nung pagkauwi. Papunta sana ako kina Ate Recy kaya ako ay naghahanda. Habang sinusuklay ko ang aking buhok, nakarinig ako ng isang malakas na sigaw mula sa aking kapitbahay na babae. Hindi ko masyado ininda yun, dahil akala ko nakikipag-away na naman sya (normal na eksena lang yun sa amin sa araw-araw na ginawa ng Diyos). Pero iba na yung isinisigaw nya nung oras na yun. At dali-dali naman akong tumakbo sa eksena. Sa labas ng aming bahay, nakita kong nakakumpol ang maraming tao. Tinignan ko kung ano bang pinagtitinginan nila sa loob ng bahay nina Ate Inday. Bimulantang sa akin ang isang eksena na hindi ko na 'ata makakalimutan habangbuhay... si Cholo... na nakabitin ang leeg sa kisame... patay na. Parang natulala ako nung oras na yun. Iba pala talaga pag nakakita ka ng ganung eksena sa totoong buhay. At hanggang ngayon, minsan, natutulala na lang ako pag naaalala ko yun. Kung anuman ang dahilan ng pagpapakamatay nya eh di ko na lang babanggitin. Pero nauunawaan ko sya, may pagkakapareho pala kami... ...pero hanggat kaya ko, ayoko namang humantong sa ganun ang lahat. |
TAG me!
sa Makati. It's a German cultural studies institute (sort of like that). They usually give free shows like this.



