image

Entries for June, 2008


Attachment


written last June 3, 2008 08:55 AM .
Posted by solitude12 | 3 commented .

I guess I got too attached to my colleagues.

I didn't just treat them as co-workers, but like friends.

So I get sad when somebody leaves.

They say, this is just work, so no personal feelings should hinder.

Am I wrong?









Halo-Halo


written last June 5, 2008 06:20 AM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Halu-halong emosyon. Ayan ang nadarama ko ngayon. Magulo. Di malaman kung iiyak o matutuwa. Isang nakakabaliw na pakiramdam.

Kanina kasi ay kinausap ako ng 3 sa pinaka-matataas na tao sa aming tanggapan: ang CEO naming foreigner, ang presidente, at ang isa sa aming manager. Lahat ng sinabi nila sa akin, medyo personal ang dating. Di ko alam kung anong meron nung araw na yun, pero parang alam ko na kung bakit nila ako kinausap ng ganito...

Masaya, overwhelmed. Lahat sila ay pinadama ang kanilang pagkatuwa sa akin sa lahat ng nagawa ko. Nadama ko naman na totoo ang kanilang sinseridad sa kalagayan naming mga manggagawa nila.nanghingi rin naman sila ng paumanhin sa akin nung hindi nila napag-bigyan ang hinihingi kong umento sa sahod. Sinabi na lang nila na sana ay makapag-hintay muna ako hanggang sa susunod na pay increase ko sa Agosto.

Malungkot, takot. Ibinalita ko na rin sa kanila ang pag-alis ng isa sa mga katrabaho ko. Nakakalungkot lang kasi isipin na kakaalis lang ng isa naming kasamang si Ms. K, heto na naman at tiyak na ang pagsunod ng isa. Sabi ko nga sa isang entry ko, hindi lang katrabaho ang turing ko sa kanila, ngunit mga kaibigan rin. Natatakot rin ako sa pag-alis nila, dahil na rin siguro sa mga trabahong iiwanan nila. Sana lang ay maging maayos yung papalit sa kanila.

Disappointed. May mga sikretong hinihiling ko na sana, ay hindi ko na lang nalaman. May nabanggit kasi ang president namin, at sobra-sobra namang na-disappoint ako. Hindi ko kayang banggitin dito, at baka may makabasa. Parang di ko malaman kung anong iisipin ko sa bagay na 'to. Sana, makalimutan ko na lang ang bagay na 'to pag gising ko mamaya.

Sana di na lang nya sinabi.

Pahiya. Nung nagka-chat kami ni madam president, agad nyang pinatanggal sa akin ang personal stat message ko sa msn messenger. Nakalagay sa aking status kasi, "Goodluck na lang sa atin!" Tinanong nya agad kung anong ibig ko sabihin dun. Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko tungkol sa magkasunod na pag-alis ng mga kasama ko dito sa work. Agad nya naman akong pinayuhan tungkol sa mga nararamdaman ko sa mga nangyayari sa opisina.At hinimok nya ako na maging bukas ang loob at isipan at ipahayag sa kanila, lalo na sa aming manager kung anong mga nasa isip ko.

Ilng oras nung papalapit na ang uwian, kinausap ako ng manager namin at marami syang payo na binanggit sa akin. Siguro napansin nila yung pagiging negatibo ko nung mga nakaraang araw. Hinihiling nya sa akin na sana ay, bilang isa raw sa mga senior ng company, sana ay maging mabuti akong halimbawa sa iba, lalo na sa mga bago, at laging magpakita ng pagiging positibo at puno ng pag-asa. Nakakahawa nga naman kasi kung ang isang taong tinitingala mo ay lagi na lang malungkutin at para na lang laging walang gana magtrabaho.

Sa mga sinabi nila, nahiya naman ako sa sarili ko. Hindi ko kasi namamalayan na ganun na pala ang nangyayari. Baka hindi ko na rin namamalayan na nakakahawa na pala yung ginagawa kong pagmumukmok minsan, pagiging sobrang tahimik.Gayun pa man, sobrang na-appreciate ko ang mga sinabi nila, at nagpapasalamat ako at naging honest sila sa akin.

Marahil naging isang panggising sa akin ang mga sinabi nila. Nawa'y maging mas mabuti akong tao pagkatapos nito.
-------------------------------------

Unti-unti, di ko namalayan, hindi ko na nararamdaman ang depression ko. Salamat po, Lord. Marahil, nasimulan ko na kayong makita sa mga tao sa paligid ko









Taking in-charge of my Life... Again


written last June 9, 2008 02:22 AM .
Posted by solitude12 | 1 commented .

Bakit ganyan ka?! Nagtataka lang ako kasi, may tao na parang lagi na lang pinagmumukha akong guilty sa mga ginagawa ko. Parang lagi na lang may mali sa lahat ng sinasabi ko. Lagi nya akong kinukonsensya.

Hindi sya ang nanay ko ha.

Pero... la lang. As in grabe, kung alam nyo lang kung gaano nasisira ang araw ko nung nakaraan dahil dun. 'Lam nyo yun? It seems that person is subconsciously feeding on my guilt.

Ayoko na, sawa na ako. Sabi nga nung isang nagpayo sa akin, "Don't let anyone pull you down!"

O sige, kung ayaw mo sa akin, wala na akong magagawa dun. Ginagawa ko naman ang lahat ng paraan na alam ko para maging mag-kaibigan tayo. Pero para naman kasing puro kamalian ko na lang nakikita mo sa akin. Wala na akong magagawa dun.

Basta isinusumpa ko mula ngayon, hinding-hindi ko na gagawing miserable buhay ko dahil lang sa nagalit ka.
-------------------------------------------

Ups and downs. At dahil nga sa nangyaring usapan namin sa office ng aking mga bossing, pinilit kong makabangon mula sa putik. Pinipilit ko nga rin namang maging masiyahin ngayon, at sa tingin ko naman ay maayos naman ako ngayon.

Ganun lang naman talaga siguro ang buhay. Malungkot ngayon, bukas, masaya ka na ulit. Pinili ko na maging masaya kasi.









Stepping Away from my Comfort Zone


written last June 20, 2008 09:04 AM .
Posted by solitude12 | 18 commented .

Kahapon, ipinag-shopping ako ng Tita ko sa SM Makati ng mga gamit ko para sa aking bahay. Laki rin ng nagastos nya para sa akin. Bait talaga ng Tita ko hehe. Parang sya pa kasi ang excited na magkakaroon ako ng sarili kong pad. Kulang ko na lang na gamit: Kama, Ref, stove, table. Yan na lang, pwede na ako magsimulang mag-hakot.

Habang namimili kami, napaisip ako bigla. Natakot ako. Sa paghiwalay ko sa pamilya ko, I'll be stepping away from my comfort zone.

Hindi ako marunong magluto. Hindi rin ako marunong maglaba. Tamad ako maglinis ng bahay sa amin. Ano kaya mangyayari sa akin dun? Wala na yung nanay na gagawa ng mga bagay na yan para sa akin.

Pero naniniwala naman ako lagi na lahat ng bagay ay matututunan. Minsan nga lang sa mahirap na paraan. Good luck na lang sa kin.
-----------------------------------------------------

"Mag-aasawa ka na ba?"

Yan ang tanong na lagi ko naririnig lately. Halos lahat na yata ng kakilala ko na masabihan ko na bubukod na ako sa magulang ko, iisa lang ang reaksyon. Akala nila mag-aasawa na ako. Sabi nila, ganun daw yun. Magkarugtong lagi ang pag-sasarili at pagaasawa.

Anong sagot ko 'kako? "Wala pa sa isip ko ang mga bagay na yan. magpapayaman muna ako!" 

Natatawa na lang ako. LOLz.








 
image image image
image image