image

Entries for July, 2008


Oh my tatay!


written last July 3, 2008 07:10 AM .
Posted by solitude12 | 6 commented .

May nagbabantang problema ako... mula sa aking mahal na ama. Hindi pa naman nangyayari, pero natatakot ako.

Bago muna ang lahat, nais ko lang sabihin na ako ay napaka-pribadong tao. Teritorial rin ako, lalo na sa aking mga gamit. Di naman sa nagsu-swapang ako o ano, pero hindi lang ako sanay na may ibang tao na gumagamit ng mga gamit ko.

(Basahin pa...)








Esep-esep


written last July 11, 2008 10:02 AM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Lately, parang naiisip ko na hindi ko na itutuloy ang pagtetest ko sa seminaryo. Naiisip ko kasi na may mas maganda akong pwedeng magawa sa labas ng seminaryo, at alam ko, matutuwa rin naman siguro ang Diyos sa akin sa gagawin ko.  Mayroon akong bagong adhikain na nasimulan ko nang  gawin kailan lang. At hindi ko iyon magagawa sa loob ng seminaryo. Kakailanganin kong magtrabaho sa labas, at kumita ng pera para magawa ko 'yon.

At alam ko, sa biyaya ng Panginoon eh very capable ako kumita ng mas malaki, at ibuhos ang bahagi nito sa magandang hangarin.

Naroroon pa rin ang pagtawag, pero may sarili pa rin tayong desisyon kung paano tutugon.
---------------------------------

Lately, narealize ko na medyo matagal na rin akong hindi nakakakausap ng kaibigan.  I guess I've been TOO workaholic. Relak muna...









Benj on Bench


This favorite post was written last July 26, 2008 04:08 AM .
Posted by solitude12 | 2 commented .

Whooo! Saya kagabi hehe. I was at the Bench Blackout last night. Thanks to Nix for inviting me in! Although hindi ako star-strucked, pero nakakatuwa pala manood ng modeling event na tulad nu'n. Kakaibang experience. Siguro salamat na rin kay Mr. Douglas (Quijano) for giving Nix the VIP passes

Pictures? Wala, malalabo kuha ko eh lolz. Bawal daw camera sa loob, pero ang daming nagpipicture hahaha!








 
image image image
image image