Sa bagay, my point din naman ang aking nobya. Ano pa bang silbi ng pagtatago ng lahat ng ito? Hindi na naman kami mga teenager na nag-aaral pa. Kung tutuusin, pwede na kaming mag-asawa kahit walang legal consent. hehehe. Pero matagal pa yun ha! Kaya naman sinabi ko na sa king nanay at kapatid na lalaki. At mukhang masaya naman sila para sa akin. Pero, parang hindi sila gaano nasorpresa. Siguro, nakahalata na rin sila dati pa. Dating-dati pa. Nagtataka rin syempre sila dati, bakit may nagpapadala ng sulat sa akin galing sa Korea. Pero hindi pa naman "kami" nung mga panahong iyon. Anyway, ok na rin to. Wala akong itinatago. Siguro yung sa Tita ko na lang, kung paano ko sasabihin sa kanila. Pero malamang sasabihin na rin yun ng pinsan kong nakakita sa facebook ko. |
Related Entries
- A Walk in Megamall April 15, 2004
- Kahapon November 18, 2004
- akala nila... March 5, 2006
- Post Ondoy Entry October 15, 2009


Kristeta (guest)
*nods*