Ayun, napansin ko lang na halos araw araw ko na kasama ng girlfriend ko. Sana di naman sya magsawa sa mukha ko hehehehe. haaay. La lang. Ako? Di naman ako nagsasawa na kasama sya. In fact, lagi nga ako naiinlove sa tuwing nakikita ko sya. Ewan ko ba. Baliw na baliw. hehehe. Nagkakaproblema. Hindi maaiwasan yun. Medyo matampuhin rin sya, at minsan natataranta na lang ako 'pag nagkakaganun sya. Sabi nga ng isang nagpayo sa akin, sa isang relasyon ay dapat umunawa na lang ang kung sino ang nakakaunawa. And I think he's right. May nagagawa rin naman akong pagkakamali. Pero siyempre, dapat handang magpatawad ang isa't isa. I wonder how do those couples make their relationship lasts for YEARS. Hmm... Marriage? Oo naman. Ano pa ang silbi ng isang relasyon kung wala kang balak na pakasalan ang tao di ba? Ano kayo, naglalaro lang? Patience. Kailangan ko lang ng stable na job, then I will. Hopefully soon. Hopefully, before her dad gets assigned again somewhere in planet Earth. I love you so much, Labsie. ---------------------------------------- Naalala ko nung isang araw, natanong ako ng parents ko ng nakita nila ang picture sa taas bilang wallpaper ng laptop ko. "Nagpakasal na ba kayo?" Natawa na lang ako. hahahaha! How I wish. |
Related Entries
- Easter Sunday March 29, 2005
- Skipping Class July 19, 2005
- Update lang October 18, 2005
- akala nila... March 5, 2006
- Untitled August 23, 2009



batang-pasaway

nix (guest)

blue side

solitude12
