Post Ondoy Entry

written last October 15, 2009 02:35 AM .
Posted by solitude12 | Comment on this entry .

Nakalimutan ko na mag blog tungkol nga pala dun. ouch.gif

Na stranded lang naman ako sa Batangas ng panahon na yun. Kung di ako nagkakamali, September 24, Huwebes ng gabi na ako nakarating sa Batangas nun, at na stranded ako hanggang Lunes. Overnight nga lang balak ko, kaso wala akong nagawa. Nagtext si inay na bumaha sa bahay hanggang baywang. At di bumaba hanggang Lunes. Kaya nung Lunes, sa tita ko sa Alabang ako nag-stay hanggang Wednesday.

Nung kasagsagan ni Ondoy ng Biyernes na iyon, na stranded sa SLEX sina Tito ed. Papunta sana dapat sila sa airport. Na cancel ang flight dahil sa bagyo, at na stuck sila sa di umuusad na traffic sa loob ng 11 oras. Buti nakakuha sila ng paraan para makaliko patungong Alabang hills at nakituloy muna kina Tita Mely.

Sa kabilang dako, nung Sabado namang iyon, katext ko ang aking mahal na nobya. Kinukwento nya na di raw makauwi ng bahay ang pamilya nya galing SM. Naabutan ng baha sa Mindanao Ave., at di rin umusad ang traffic. Napakataas ng baha. Pero nakauwi rin naman sila pagkaaran ng humugit kumulang na 6 na oras.

Pero naging maayos naman ang lahat para sa amin. Naisip ko na lang na blessing in disguise na lang yung pagka-stranded ko.








Related Entries

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: